And Then He Said It

4.5K 121 3
                                    

Feels like I'm falling and I, I'm lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier.

σσσCHAPTER 6σσσ

"Ano, papasok ka ? Alam mo ba kung ano'ng nangyari sa yo kagabi, bata ka ? Ang taas ng lagnat mo. Buti na lang at pinuntahan kita sa kwarto mo. Hindi ka papasok, magpahinga ka dito kung ayaw mong magpadala sa ospital. Wag matigas ang ulo mo, Emmeriz." sabi ng mama niya at lumabas na ng kwarto niya. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagbibihis. Alam niyang masama ang pakiramdam  niya, pero kailangan niyang pumasok. Marami siyang school activities ngayon. Bumaba na siya ng hagdan at nakita siya ni Elisa.

"Aba't ang batang to ! Ano bang sabi-------"

"Ma, wag po ngayon. I know you're worried but I can handle myself. Papasok na po ako." at hindi na kumain ng breakfast.

"Ito na nga pala yung bag mo. Tumawag si Tita sakin, may sakit ka daw. Bantayan ka daw namin." sabi ni Steph.

"I'm okay. And thanks for taking care of this, for a while." tugon niya at ngumiti.

"Ano bang nangyayari sa yo, ha ? Namumutla ka ngayon, Emmeriz. Are you sure you're okay ?" si Issa.

Tumango siya. "I'm sure I'm okay. Wala pa ba yung prof natin ?"

"Wala pa eh... Oo nga pala, 3 beses ng pabalik-balik dito si Andrei just to check you. Ang kaso, late ka naman. So, mamaya na lang daw breaktime. May nangyayari bang hindi namin alam ?" suspetsa ni Steph.

"Bakit, sa tingin niyo, meron ? At kung may mangyari man, wala na akong pakialam dun." sabi niya.

Nagtinginan na lamang ang dalawa. Pakiramdam  niya, pwede siyang mag-collapse, anytime.

***

"Andrei, please talk to me. Nabigla ka lang kahapon. Pero hindi mo ko masisisi. Nagselos ako, of course." paliwanag niya.

Sinusundan niya ang binata. Pero tumigil din ito at hinarap siya.

"Dennise, please... itigil na natin to. Ayoko na talaga. And kung ano man yung nagawa mo, okay, forgiven ka na. But nothing will change with my decision. Please, set me free. Hindi na rin kita pwedeng mahalin." sabi nito.

Natigilan siya. Masakit marinig ang mga sinabi ng lalaking mahal na mahal niya. Natingnan  niya si Andrei.

"A-anon'g hindi mo na ako kayang mahalin ? What do you mean by that ? A-are you... falling out of me ?"

"Yah. At ang babaeng pinagseselosan mo ang babaeng minamahal ko ngayon. I know masasaktan kita ng sobra pero kailangan mo ring malaman to. Ayoko ng itago ang nararamdaman ko. Dahil pare-pareho lang tayong mahihirapan. I know, may possibility na saktan mo si Emmeriz, pero hindi ko hahayaang gawin mo yon. I'm sorry, Dennise." paliwanag nito at tuluyan ng tumalikod.

Para siyang nawalan ng lakas.

***

Bumaba siya mag-isa para tumungo ng cafeteria.  Hindi na talaga maganda ang lagay niya. Napapaso siya sa sarili niyang hininga.

"Riz, hindi pa ba yan matamis ? Kanina mo pa nilalagyan ng asukal yang kape mo." puna ng waitress na kilala siya. Nag-order siya ng kape dahil nilalamig siya.

Nagtaas siya ng mukha. "Huh ? Wala pa po kasing lasa eh." sagot niya.

Kunot-noo ang babae at nilapitan siya saka tinikman ang kape niya, na inayawan agad nito. "Ano ba to, Riz ! Eh ang tamis-tamis na nito masyado ! Tsaka, okay ka lang ba ? Namumutla ka eh." tanong nito.

Tumango na lamang siya at tinungga na ang kape. Napailing na lamang ito at bumalik na sa trabaho.

***

The Moment I KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon