I need a little more help than a little bit, like the perfect one word no one's heard yet.
σσσCHAPTER 3σσσ
She's having lunch, with her bestfriend and with her boyfriend, kahit pa na ayaw niya. Ang hindi niya maintindihan, kailangan ba talaga, lagi silang magkasama ? Akala mo, mawawala ito kapag hindi sila magkasama. Tumungo sila ng mall at kumain sa KFC. Iti-treat din sana siya ni Andrei pero mahigpit siyang tumanggi.Tumungo ng C.R noon ang binata.
"Alam mo ba, sa lahat ng kaibigan kong girls, ikaw pa lang ang hinayaan kong makalapit kay Andrei. Karamihan kasi sa kanila, may gusto sa kanya and they want him. That's why I'm too protective. But I know you are different, Riz. Besides, you are also my bestfriend. So I can trust you. I know you are so picky about boys, you even hate them." kwento nito.
Natingnan niya ito. "It's not really protective, Dennise. You are just too possesive about him. Ganon mo ba talaga kamahal ang boyfriend mo ?" tanong niya.
Ngumiti ang dalaga. "Yah. That's how much I love him. He's my happiness for 1 year and 6 months, Riz. And until forever. Possesive na kung possesive but, that's what my heart says. And I don't have to disagree." sagot nito.
"Are you sure 1 year and 6 months is enough to prove that he was sincere of everything about you and your relationship ? May matino pa bang lalaki ngayon ?"
"Ikaw talaga, saan mo ba nakukuha yang ganyang attitude towards boys ? Hindi naman ganyan si tita ah ! But anyway, I'm sure of him. Nakikita ko naman, eh. Mahal na mahal niya rin ako, don't worry."
"Tch. Kapag pinaiyak ka niya, pareho ko kayong sasapakin. Ikaw, for not listening to me, and him, for hurting you. Try me and he will see." banta niya.
Doon natawa si Dennise. "Thankyou, kahit sapakin mo pa ako. I appreciate your concern. Alam mo, masaya talaga ako nung magkita ulit tayo. Bumabalik kasi yung bonding natin, like before, when we are only elementary students." sabi ng dalaga at nagngitian sila.
***
Nakatingin siya sa salamin. "Ang sama naman niya. Hindi man lang niya in-accept yung friend request ko. Ganon ba siya katindi ?" tanong niya sa sarili.
Iniisip na naman niya si Emmeriz. Alam niyang masasaktan niya si Dennise bandang huli, pero alam niya sa sarili niya na iba si Emmeriz. Iba sa lahat, lalong-lalo na kay Dennise. This is something he can't give up. Something meaningful to him. Napangiti na lamang siya.
"Babe, may tickets ako. Nood tayo sine." yaya ng girlfriend ng gabing yon.
Nandoon na sila sa tapat ng bahay ng mga Reyes.
Nilingon niya ito. "Ha ? Sine ?"
"Yupp. Ang tagal na kasi nating hindi nakakapanood ng movie. Parang naging busy na tayo recently. Nahahawa na yata tayo kay Emmeriz sa pagsusunog ng kilay. Baka maging top notcher din tayo nyan !" at doon sila nagtawanan.
"Yah, matalino nga siya. Anyway, sige, let's go out. And unwind for a while." sang-ayon niya.
"Ganon na talaga siya noon pa. Kaya nga ang daming admirers nun eh, even now. Maraming gustong mag-try. Ang problema nga lang, nasa kanya."
Bigla siyang natahimik. Hindi na sila gaya ng girlfriend niya dati, na walang pakialam sa studies. Ngayong dumating na si Emmeriz, parang ginanahan silang mag-aral. Lalo na siya. At narealize niyang, masaya palang maging estudyante, hindi yung puro gimik lang. Siguro, ang sarap nitong makasama sa isang group study.
"Babe, natahimik ka."
"H-ha ?... Ah, Babe, inaalalala lang kita. Masyado ng late. Pumasok ka na kaya. Mamaya, ako pa pagalitan ni Tita eh. Sa Saturday na lang tayo manood. Okay ba yon ?"
BINABASA MO ANG
The Moment I Knew
Fiksi RemajaMan hater is not the best word to describe her. She thought she's just afraid of falling, that she might fall hard, and will hurt like hell. Kaya ayaw niyang ma-attach sa mga boys except to her brother and father. But to anyone else, that's a no no...