Signs and Symptoms

4.6K 118 4
                                    

There you are, with your perfect way, you've got this little shine in your eyes. To hear one word would make my day, but there's no room for me in your life.

σσσCHAPTER 4σσσ

"Maganda nga si Emmeriz, anak. Ang cute ng buhok ng batang yon." puri ng mama niyang si Dina.

Ngumiti siya at tumango. "Yah, you're right, mommy. Ang kaso, sayang lang." sang-ayon niya.

Kunot-noo ang ginang. "Bakit naman ?"

"Tatandang dalaga. She still hate boys."

"Hanggang ngayon ? Kaya pala kampante kang makasama ni Andrei." sabi ng mama niya.

Tumango siyang muli. Gustong-gusto ng mama niya si Andrei. Kaya magkasundo silang dalawa pagdating sa binata.

"I trust her. Isa pa, nakikita ko naman talagang ayaw niya kay Andrei. So there's nothing to worry about." paliwanag niya. Alam niya sa sarili niya kung gaano siya kamahal ng boyfriend.

***

3 days had passed. Na hindi nakikita si Emmeriz. Bakit kaya ? Iniisip kaya nito ang sinabi niya ?

"Hindi mo yata kasabay bestfriend mo ?" tanong niya kay Dennise matapos magsuot ng seat belt.

Nalingon siya nito. "Ha ? Si Riz ? Marami daw siyang gagawin eh. Bakit mo natanong ?" sagot nito.

"Ha ? Ah, wala naman. Lagi kasi kayong magkasabay umuwi. So, nagulat lang ako." alibi niya. But the truth is, he really wants to see her, again.

Natingnan siya ng girlfriend. "Okay, pero magtataka pa ba ako dun ? Eh, writer pa siya ng campus mag so, super busy talaga yon. Anyway, why do we have to talk about her ? Dapat yung tungkol satin ang idiscuss natin."

Tumango siya at nagsimula ng mag-drive.

"Malapit na yung 20th monthsarry natin, what's the plan na ?" tanong nito.

Oo nga pala, sa sobrang pag-iisip niya kay Emmeriz, nakalimutan na niya ang lahat pagdating sa kanila ni Dennise.

"Hmmmm... Ikaw, ano'ng gusto mo ? I'll go with anything you want." sagot niya.

"Ang daya mo talaga. Ako na naman mag-iisip. Okay, okay. How about, night swimming ?"

"Ha ? Night swimming ? Ang lamig-lamig, babe. Night swimming pa. Iba na lang."

"Akala ko ba, you'll agree with anything I want ?"

"Yah, but I'm just worried. Baka magkasakit ka pa, malapit na ang midterm natin." ngumiti ito at kumapit sa braso niya.

The Moment I KnewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon