PROLOGUE

21 5 0
                                    


Nagmahal lang naman si Alyna ngunit bakit tila hindi sang ayon sa kanya ang langit at ang tadhana,kasalanan bang umibig.

Sya na rin mismo ang sumagot sa kanyang katanungan,alam nyang mali pero hindi nya mapigilan ang nararamdaman,mali dahil nagmahal sya ng taong itinakda nang ikasal sa iba,alam nyang masasaktan sya sa huli ngunit hinayaan nya ang sarili na mahulog na nang tuluyan,gusto nya lang naman maranasan ang mahalin ngunit bakit sa maling panahon pa dumating.

Alam nyang sa bandang huli kinakailangan nyang magparaya at bitawan ang lalaking pinakamamahal nya,sumugal sya para lamang makasama sa panandaliang panahon ang lalaking kauna-unahang taong nagparamdam na mahalaga sya,ang unang taong nagparamdam sa kanya na kamahal-mahal sya.

Pilit nyang iniiwasan na isipin ang magiging kahihinatnan nang lahat sa kasalukuyan ngunit hindi sya nagtagumpay,dahil hanggat alam nyang may taong naghihintay sa taong mahal nya ay hindi sya mapapakali sapagkat alam nyang sa huli ay talo sya,lihim lamang ang kanilang pag iibigan at walang sinuman ang nakaka alam.

Paano nga ba sya nahantong sa ganito kasalimuot na sitwasyon?

Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon