NNS:9 FRUSTRATED

3 0 0
                                    


Alyna's POV

Natulog akong napakaraming katanungan, at magpasa-hanggang sa paggising ko ay dala dala ko pa rin ang mga tanong na nagpapagulo sa aking isipan, napabalik ako sa reyalidad mula sa aking malalim na pag iisip ng makarinig ako ng katok na nag mula sa pintuan ng aking kwarto.

"Alyna apo, gising ka na ba, nasa sala si Vince maaga siyang pumarito at magpapaalam sayo" medyo may kalakasang sabi ni Lola mula sa labas ng aking kwarto, hindi ko alam pero nang marinig ko ang sinabi ni Lola ay biglang nanlamig ang mga palad ko at tila para akong hinahabol sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Bago bumaba ay inayos ko muna ang aking sarili, naghilamos muna ako at tiningnan ang sarili sa salamin, at pinakatitigan ang aking sarili, saglit akong nakikipagitigan sa aking sarili bago huminga ako nang malalim atsaka ko na naisipang bumaba.

Nang makababa ay agad kong nasilayan ang lalaking ilang araw ko nang iniisip, agad akong bumaba sa hagdan at hindi pinahalata ang pagkasabik sa kanya, gusto ko mang lumapit at mayakap siya ng mahigpit ngunit agad ko ring pinigilan ang aking sarili. Gusto kong isipin niya na nagtatampo ako at para rin malaman niya na hindi ako masaya na hindi niya ako kinausap ng ilang araw. Isip bata na kung isip bata pero hindi ko lang talaga maiwasang maging ganito lalo na at ilang araw ko na siyang nami-miss.

Dumiretso ako nang upo sa tabi ni Lola at sinenyasan si Vince na maupo na agad din niyang sinunod, kanina ko pa talaga sya gustong-gustong yakapin pero pinipigilan ko naiinis pa rin talaga ako, hmpp bahala siyang mag overthink tssk.

"Sabi ni Lola magpapa-alam ka daw?" alam kong halatang-halata sa aking tinig ang kaunting inis at batid kong nahimigan niya iyon, I can't help it damn. Gusto ko tuloy kastiguhin ang sarili ko pati  kasi ako ay tinatanong kung tama ba ako na ganito ang pakikitungo ko sa kanya o sadyang nagiging unreasonable na naman ako.

"I just want to tell you na, may pupuntahan lang ako at baka sa isang linggo pa ang balik ko, I don't want you to worry about me, so I am telling you this, I hope you'd understand " mahabang pagpapaliwang nito, magtatanong na sana ako nang biglang tumayo si Lola.

"Maiwan ko na muna kayo, makuha lang ako nang meryenda mo Vince" sabi ni Lola, akmang aangal pa sana ako na wag muna kaming iwan pero agad na nagsalita si Vince.

"Thanks Lola" nakangiti pang sabi ni Vince kaya't nginitian siya ni Lola pabalik, napaikot ang aking mata sa kawalan, edi sila na ang close.

Nang maka alis si Lola ay agad na bumalot ang katahimikan, nakabibingi at hindi ako sanay. At dahil hindi na ako nakatiis ay nagsalita na ako ngunit nagkapanabay kaming dalawa may gusto din siyang sabihin.

"Ano"ako

"Ano"sabi pa ni Vince, siguro ay hindi na niya din natiis ang katahimikan kaya't umimik na rin siya, agad naman akong napatingin siya at ganun din ito sa akin. I smiled awkwardly and so as he, hindi ko alam ang sasabihin, at siguro ay napansin iyon ni Vince kaya't sya na mismo ang unang nagsalita.

"I'm sorry, I have been busy this fast few days, I'm sorry that I have no time to call you and I didn't answers your calls, I'm sorry'' his eyes are full of emotion and I am slowly drowning again just because of the way he looks at me. I can see the sincerity in his eyes. 

Napabuntong hininga ako at tumango, kahit naman kainisan ko siya ay wala nang magagawa ang inis ko, past is past, that's why ayoko naman nang pahabain ito nang dahil lang sa naiinis ako, kung nagkataon na may problema siya ngayon ay baka makadagdag pa ako sa problema.

"I'm sorry if I act like this, I know I am being childish, but I understand you, I just can't help but to feel frustrated it's just that I miss you so much. I can't contact you this fast few days and your not visiting me just like what you always do, I'm sor-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na siyang nasa harap ko at nakaluhod na ang isang niyang paa sa aking harapan,  habang ako ay nakaupo pa rin sa sofa.

Inangat niya ang ulo ko, sa pamamagitan nang paghawak niya sa baba ko at dahan dahan itong ini-angat at iniharap sa kanya , he's smiling at me and his ayes are full of love, and it feels like he is enamored in me, I am not being boastful here but i can see it in his eyes.

"You don't have to be sorry, I actually love it when you are longing for me, I love it when you are missing cause in that way i can feel your love at me, I love it when you are being frustrated about me and how you treat me everyday cause I am falling more for you because of that, I am falling even more"I cried because of what he said, how could he make my heart beat like this, I feel like I don't want him to let go anymore, I feel like I want him just for me only.

"I Love You, Mi Amore"he rested his forehead on mine after he whispered that words on me and he wipe my tears away using his thumb, after wiping my tears away he kissed me on my forehead and hum on my ears.

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa nang may marinig na boses na nanggagaling mula sa pintuan nang kusina, sabay kaming napalingon sa pinangga-galingan ng boses na iyon.

"Nagka ayos na ba kayong dalawa?"nangingiting tanong ni Lola sa aming dalawa habang papalapit sa kinaroroonan namin ni Vince, nang makalapit si Lola ay siya namang pagtayo naming dalawa, at nang makalapit si Lola ay agad niya kaming niyakap dalawa.

Napatawa naman ako at ganun din si Vince, alam pala ni Lola ang nangyayaring tampuhan sa pagitan naming dalawa ni Vince, Well knowing Lola mabilis makaramdam iyan, lakas ng radar HAHAHA.

Nang humiwalay si Lola ay nakangiti pa rin ito.

"Akala ko ay patatagalin mo pa ang pagtatampo mo eii, makukutusan kita, masyado kang pabebe"baling ni Lola sa akin at umasta pa ito na tila ba ay tinatarayan ako, hindi makapaniwalang napalingon ako kay Vince dahil sa pagtawa nito sa inasta ni Lola, hindi ko tuloy maintindihan kung sino ang Apo ni Lola sa aming dalawa.

"Lola, kailan pa ako naging pabebe, atsaka saan ninyo naman nakuha iyang words na pabebe na iyan aber?"gulat ko pang tanong ni Lola at nang mahimasmasan na ay pinameywangan ko si Lola(nilagay ang kamay sa beywang hehe).

"Syempre jan sa mga napapanood ko sa TV" paismid na sagot sa akin ni Lola at tinalikuran na kaming dalawa ni Vince at dumiretso na sa kusina, gulat pa rin akong napatingin kay Vince na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa paghagikhik sa tabi ko.

Napailing-iling ako sa inasta ni Lola at sinundan ito sa kusina para tulungan siya sa hinanda niyang pagkain, pang umagahan na pala ang inihanda nilang pagkain kaya't natagalan siya sa kusina, nang maihain na namin ang pagkain ay naupo na kaming tatlo at pinagsalu-saluhan na namin ang inihandang pagkain ni Lola at masayang nagku- kwentuhan habang kinakain ang masarap na luto ni Lola.

Habang nagku-kwentuhan si Vince at Lola ay napatitig ako sa kanilang dalawa, sobrang saya nilang dalawa at mas nagmumukha pa silang mag Lola, How I wish na sana palagi na lang ganito, yung laging masaya at lagi kong nakikita ang ngiti nilang dalawa, dahil yun na lang ang nag iisang inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay.

How I Love Them Both.

:HELL_LEE_23

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon