NNS 7: Graduation

3 2 0
                                    


Alyna's POV


This day is the most important day of my life, for almost a year and a half I pass those struggles that came into my life, and I am happy today because my Lola and Vince are here with me, having them both to my side I am more than contented with it.

Malawak ang aking mga ngiti habang naglalakad, kulang na lamang ay umabot na sa aking tenga ang aking labi, nasa magkabilang gilid ko sila Lola at Vince habang kami ay naglalakad niyaya nila akong pumunta sa isang restaurant dahil daw para mag-celebrate nang balak kong tumanggi ay hindi sila pumayag kaya ano pa bang magagawa ko?, majority wins right?, so wala akong ibang nagawa kundi sumama sa kanila.

Nang makarating na kami sa nasabing restaurant ay masaya kaming pumasok, pag pasok mo palang sa loob ay makikita mo kung gaano ito kasimple ngunit kahit na ganun ay kakaiba ang ambiance nito, tila ba ay pakakalmahin ka nito sa mabangong amoy nito idagdag na rin ang instrumental music nito na napakalambing pakinggan.

Sinamahan kami nang isang waiter sa pwede naming upuan, matapos noon ay tinanong nito kung ano ang aming order.

"La anong gusto ninyong pagkain?" tanong ko kay Lola. Itinuro nya ang kanyang order at pinalista sa waiter.

"Babe ikaw ba anong gusto mo?" tanong sa akin ni Vince. Umorder lang ako ng isang orange juice atsaka ng kare-kare at kanin favorite ko kasi ang kare-kare, ganun din ang inorder ni Vince.

Matapos naming kumain ay nagyaya pa sila kung saan-saan, hindi ko alam kung anong trip nilang dalawa, tinatanong ko si Lola kung hindi pa ba sya napapagod ngunit tinatawanan lamang ako nito.

Nang magaalas-dos na nang hapon ay nagyakag na rin silang umuwi, at laking pasasalamat ko dahil kanina pa akong hinahapo at tila ba mauubusan na ako ng hininga atsaka pakiramdam ko ay sobra akong nanlupaypay sa dami ba naman ng pinuntahan namin, hindi talaga sana sang ayon na magpunta pa kami kung saan-saan ang kaso parehas silang may gusto ng ganun kaya wala akong nagawa.

Habang nasa byahe kami nila Lola ay nagsimula na namang magkwento si Lola.

''Alam mo ba Vince itong Apo kong ito nung bata pa hindi mo aakalaing maganda pala, eh paano ba naman ang rungis rungis nya tapos uhugin pa, aba nga naman tingnan mo at napakaganda na ngayon at may nobyo pang napaka-gwapo'' nakangiting pahayag ni Lola at walang paki sa nakanguso kong labi at magkasalubong kong kilay.

''La bakit pati ba naman yun kinwento mo pa, ano na lang sasabihin ni Vince na hindi ako marunong maglinis nang katawang ko?.'' tila ba ay gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon at magtago dahil sa mga pinagsasabi ni Lola.

Mas lalo akong nainis nang marinig na tumatawa si Vince sa unahan habang nag-ddrive, dahil sa inis ko ay naibato ko sa kanya yung toga ko, bali nasa likod kasi ako nakaupo dahil gusto daw ako maka-kwentuhan ni Lola yun pala si Vince ang kakausapin nya, sino ba talagang apo sa aming dalawa?!!.


Makalipas ang ilang minutong asaran sa byahe ay nakarating na kami sa bahay, tinulungan ko sila Lola na kunin yung mga pinamili nila kanina habang namamasyal kami, naunang pumasok si Lola sa bahay, ako naman ay naiwan dito kasama si Vince, nang papasok ako sa bahay ay nakaramdam ako nang kakaiba, hindi ko maipaliwanag pero parang meron talagang iba sa bahay namin ngayon.

Napailing na lang ako sa naisip at binuhat na yung mga pinamili namin, pinauna ko syang pinapasok dahil mabigat yung dala nya, nang papasok ako ay bigla na lamang-,

''Surprise!!!'' bigla na lamang may sumigaw at may mga nagpaputok pa ng confetti, nagulat ako sa nakita ko.

''Tala!! ikaw ba yan?, goodness kailan ka dumating na babaita ka?'' masayang turan ko. tumakbo naman sya payakap sa akin habang ako ay nangingilid na ang luha sa aking mata, hindi ko ine-expect na nakauwi na sya.

Crystal C. Fernandez or Tala for short, She's my only childhood friend, We've been friends for almost 18 years, fetus pa lang yata kami ay magkasama na kami ng babaitang ito and kaya kami nagkahiwalay to make the story short sa US sila nag stay at doon sya nag-aral, so that's why I miss her so much it's almost ten years nang huli kaming magkita, buti na lang talaga ay makakapag face time kami.

''Well, kahapon pa kami umuwi hindi lang namin sinabi sayo para sa surprise namin ngayong graduation mo'' natatawang saad nito. tinaasan ko ito nang kilay ngunit itinaas nya lamang ang kaniyang kamay at nagpeace sign sa akin at ngumiti pa nang pagkalawak-lawak.

''Pa-surprise ka pang nalalaman, kaya pala kung saan saan ako dinala nila Lola kasi may pakulo pala kayong ganito, nag abala pa kayo hindi naman ako ang cum laude beng'' saad ko pa. natawa naman sila Lola na kanina pa nakikinig sa usapan namin.

Nandito din pala sila Tita Lilibeth at Tito Steven-mga magulang ni Tala, nagluto pala sila nang ilang putahe gaya ng menudo, humba, caldereta, sphagetti ,pancit, may kanin din at syempre alam kong hindi mawawala ang paborito kong kare-kare.

Nang matapos na kami sa dramahan namin ni Tala ay nagyaya na si Tito Steven na kumain na kami, kahit na dalawang oras pa lang ang lumipas nang kumain kami sa restaurant ay pakiramdam ko gutom na ulit ako.

Nang makaupo na kami sa hapagkainan ay nagdasal muna kami pagkatapos ay nagsimula nang lantakan ang mga pagkain, habang kumakain ay nagkakasiyahan kami sa hapag-kainan at as usual ako na naman ang topic pero ngayon ay may nadagdag na at syempre walang iba kundi si Tala.

Nang matapos kami sa pagkain ay kaming dalawa ni Tala ang nag-urong nang pinagkainan namin, habang naghuhugas ay hindi maalis ang kaharutan namin kaya minsan ay nagpupunasan kami ng bula, abala naman sila Lola sa panonood ng tv sa sala kasama si Vince.

Matapos naming maghugas ng plato ay pinunasan namin ito ni Tala, ilang minuto kaming tahimik na nagpupunas ngunit agad nyang binasag ang katahimikan.

''Kamusta naman kayo ni Vince?'' napatingin ako sa tanong nyang iyon sa akin.

''Ayos naman kami, wala naman nagiging problema, pero nitong mga nakaraang araw ay madalas na lang kaming magkausap dahil nga sa pareho kaming abala'' saad ko dito. napatango tango naman ito sa aking tinuran at nagsalitang muli.

''Stay strong beng, panatilihin mong lagi kayong mag-usap mahirap na baka magsawa, maghanap ng iba'' natatawang saad nito, bigla na lamang may pumasok sa isip ko

''So you're the one who wants to steal him away from me"

''So you're the one who wants to steal him away from me"

''So you're the one who wants to steal him away from me"

''Hoyy beng binibiro lang kita, tara na nga baka nag ooverthink ka na agad jan'' nabalik ako sa ulirat ng sumigaw si Tala at kinaladkad ako papunta sa sala.

Nakita ko na nandoon sila at patuloy pa rin sa panonood, napangiti ako sa senaryong nakikita ko ngunit ang mga ngiti ko ay hindi buo, nandoon pa rin yung pangamba at takot dahil baka isang araw paano kung mawala talaga sya sa akin, may magagawa ba ako para ipaglaban sya gayung hindi alam nang magulang nya kung anuman ang namamagitan sa amin.

Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon