NNS 1:With Him

23 4 0
                                    


Alyna's POV

Alas sais na nang umaga nang akoy magising,excited akong bumangon.

Linggo ngayon kaya't balak ko sanang yayain si Vince na magsimba,atsaka balak ko din sana syang yayain na mamasyal, nung mga nakaraang araw kasi ay mas nagiging abala sya sa pag iintindi ng factory nila kaya madalang na lang kaming magkita at makapamasyal.

Kahapon ay sinabi sa akin na hindi daw sya papasok kaya naman na isipan ko na yayain syang lumabas pagkatapos ng simba.

Si Vince ay nanligaw sa akin ng Tatlong Buwan at sinagot ko sya nito lamang nakaraang linggo kaya't kunti pa lang ang mga magagandang memories na nagagawa namin at hindi ko pa nakikita ng personal ang mga magulang nya,pero madalas nya itong kinekwento sa akin ang mga ito,kaya kahit papaano ay natutuwa ako mga strikto ang mga ito pero mababait naman daw.

Busy ang mga parents niya sa sarili nilang business kaya naman hindi pa nakakakuha ng tiyempo si Vince na ipakilala ako sa mga magulang nito. Ayos lang naman sa akin dahil kalahati sa aking isipan ay gusto kong makilala ang mga magulang nito. May bahagi din naman sa akin na inuunahan ng kaba at iniisip na hindi nila ako magustuhan.

Halos kalahating oras din ang ginugol ko sa pag aayos ng sarili, pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako at naabutan ko si Lola Kristela na naghahayin na nang aming pagkain para sa umagahan. Napangiti naman ako dahil kitang kita ko sa kanya kung gaano siya kasipag mag-alaga sa akin. Kahit na malaki na ako ay siya pa rin ang nag-iintindi sa akin

Naglakad ako papalapit sa kusina na kinaroroonan niya habang ang aking labi ay nakangiti pa rin habang nakayingin kay Lola. Tila kanyang napansin ang aking presensya kaya't napalingon ito sa kinaroroonan ko, natuon sa akin ang kanyang atensyon. Matapos ako'y kanyang nginitian na agad ko namang ginantihan.

"Magandang umaga Apo,buti naman at gising ka na,kumain ka na at para maaga tayong makapunta ng simbahan"bati sa akin ni Lola pagkatapos ay inaya na ako nitong kumain,tinulungan ko muna syang ihayin ang mga pagkain na dapat naming ihayin at sabay kaming umupo upang magsimula nang kumain.

Abala kami ni lola sa pagkain na at nagkwentuhan ng bahagya tungkol sa mga bagay bagay. Ilang minuto pa lamang ang nakakaraan nang may kumatok sa aming pintuan,napa-angat ako ng tingin at nagkatinginan pa kami ni Lola. Nang akma ng tatayo si Lola para siguro pagbuksan ng pinto ang taong nasa labas,ngunit inunahan ko na siyang tumayo at masayang nagboluntaryo na ako na lamang ang magbubukas nito.

"La ako na po,wag na kayong mag-abala"nakangiting sabi ko kay Lola at naglakad na papuntang sala habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa aking mga labi.

Naghugas muna ako ng kamay bago tumungo sa labas. Pagbukas ko nang aming pintuan ay mas lumawak pa ang aking ngiti nang makita at makilala ang isang matipunong lalaki na nasa aking harapan, kahit saang anggulo talaga tingnan napaka gwapo nya pa rin talaga. Walang kakupas-kupas, walang duda ang kakisigan niya.

"Good Morning Hon" nakangiti din ito sa akin nang ako'y kanyang batiin habang malawak ang ngiti sa akin, bahagya itong lumapit sa akin upang ako'y halikan sa noo,agad na napangiti naman ako dahil sa mga cute gesture nito. Simple yet gives me butterfly.

"Good Morning Vince halika tuloy ka,nagluto si Lola ng almusal,kumain ka na ba?"tanong ko dito atsaka sya hinila papasok sa bahay,ikinawit ko pa ang aking braso sa kanyang bisig at hinila sya papunta sa kusina.

"La nandito si Vince,sasama ko po sya sa pagsimba kaya't maaga ko po syang pinapunta dito"sabi ko kay Lola nang makapasok kami sa kusina,napaangat ng tingin si Lola at napangiti nang lumapit sa kanya si Vince at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos,kaya ako'y hanga sayong bata ka,hindi lang napakasipag,napakabait at ang galang pa,hindi ako magsisisi na ipinaubaya ko si Alyna sayo"nakingiting sabi ni Lola at makikita mo sa mga mata nya na proud talaga sya kay Vince.

"Sisiguraduhin ko po Lola Kristela na hindi po kayo nagkamali sa taong pinagkatiwalaan nyo para sa inyong apo"magalang na saad ni Vince dito,kaya't lihim akong napangiti at tumikhim.

"Hayy nako mamaya na ulit kayo magdrama,parang kayong dalawa ang mag Lola diyan ahh,kain na muna tayo baka mahuli pa tayo sa simbahan"sabi ko sa mga ito at bahagya namang natawa ang dalawa.

"Oh sya sige na kakain na nga po"pabirong sabi ni Lola at sabay pa nagkatinginan ang dalawa at saglit na napahagikhik na tila ba naintindihan nila ang isa't isa gamit lamang ang mga mata

Hindi ko na lang sila pinansin pa at tinapos na ang pagkain,nang matapos na kami ay ako na ang naghugas nang plato.

Habang naghuhugas nang plato ay may naramdaman akong tao sa likod ko,hindi ko na kailangan pang lumingon dahil amoy pa lang nito ay kilala ko na ito,niyakap ako nito sa likod at ipinatong nito ang kanyang baba sa balikat ko.

"Bakit ka nandito,hintayin mo na lang muna ako sa sala,matatapos na rin ako dito"sabi ko dito habang nagsasabon nang plato.

"Wala namiss lang kita,atsaka bawal na ba ako dito sa kusina nyo?" tila nangongonsensya ang boses nito at nagpapaawa kaya ako'y tahimik na lamang na napapatawa.

"Hindi naman sa ganon,ang akin lang po wala ka namang gagawin dito kaya doon ka na lang muna sa may sala,bakit madumihan pa yang damit mo"paliwanag ko dito at pabiro syang siniko sa tyan

Kunwari naman syang nasaktan at dumaing na tila ba napakalakas nang pagkakasiko ko sa tyan nya at hinawak hawakan nya pa ito at hinimas himas,at akala mo naman talagay napakasakit nito.

"Ouch ang brutal mo,hindi pa nga tayo nagiging mag asawa ginagawa mo na akong battered husband"nakasimangot na reklamo nito at patuloy pa rin sa paghimas sa tyan nyang hindi naman talaga nasaktan.

"Tigil tigilan mo nga ako Vince,ang hina hina nang pagsiko ko sayo,wag kang masyadong maarte baka gusto mong tuluyan kang maging battered sakin ngayon"pabirong sabi ko dito at umaktong aambahan ko sya ng suntok.

Pabiro naman syang nagtaas ng dalawang kamay na tila ba ay sumusuko,atsaka sya nagnakaw ng bahagyang halik sa aking pisnge at nagtatakbo na palabas ng kusina habang natatawa pa ito.

"Vince mamaya ka sa akin paglabas ko"pananakot ko dito at bahagyang nagtaas ng boses para marinig nito. Hindi ito umimik ngunit nagtatakbo ito ng paatras at ngumiti bago ilabas ang kanyang dila para inisin ako.

"I'm not scared babe"nang aasar na sabi nito at dumila pa ito sa huling pagkakataon bago sya mawala sa paningin ko.

Napapangiti na lamang ako, napa-iling iling at tahimik na lamang akong ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng plato. Medyo natatawa pa ako dahil sa naisip na na nagkikilos isip bata na naman si Vincent.

Katatapos lang ng simba, at nandito kami ngayon naglalakad-lakad na malapit sa may plasa. Naisipin muna naming kumain pagkatapos ay nauna nang umuwi si Lola. Dahil na rin sa may gagawin pa daw sya, sinabi ko na ihahatid na muna namin sya kaso tumanggi ito. Ang katwiran nito'y hindi na daw sya bata at kaya na nya ang sarili nya. Nung una ay pinipigilan pa namin si Lola para naman maranasan niyang makapamasyal ulit gunit kuntodo ang tanggi samin ni Lola.

Kaya't wala kaming nagawa kundi ang hayaan na lang si Lola na umuwi mag isa,ang isa pa sa katwiran pala ni Lola ay baka daw nakakaabala sya sa lakad namin,eh maging si Vince ay hindi sang ayon na umuwing mag isa si Lola,kaso wala eii mas nanalo pa rin si Lola kaya't wala kaming nagawa kundi ang hayaan sya.

"Hey,baka malunod ka ikaw din hindi ka makaahon jan,unless masalo kita sa pagkakalunod mo"nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang mapaglarong boses ng katabi ko at nakita ko pang kinakaway nya ang kanan nyang kamay sa harap ko kaya't medyo napaigtad ako sa gulat.

"Bakit ka ba nang gugulat,paano na lang kung hindi mo hawak yang kamay ko edi na suntok na kita sa gulat ko?" medyo naiinis na saad dito matapos ko siyang hampasin sa balikat. Habang sya naman ay natatawa pa sa naging reaksyon ko at kulang na lang ay mamula siya katatawa.

Inirapan ko sya, tinalikuran ko na siya at nagpatuloy nang naglakad habang sya ay kinukulit ako habang nasa daan kami. Nung una ay tinataray-taray ko siya. Hindi ko naman matiis kayat wala akong nagawa kundi ang kausapin sya.

#Marupokantehnyoo.









HELL_LEE_23

Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon