NNS 3:Missing Him

13 4 0
                                    

Alyna's POV

Nitong mga nakaraang araw ay mas naging busy ako sa classes namin,ganun din si Vince madalang na kaming magkita dahil nagiging busy na sya sa factory nila, pero may mga times na naglalaan sya ng kahit ilang oras para lamang mahatid-sundo nya ako sa school and i appreciated it so much kahit pa sabihing ilang oras lang yung iginugugol na sya akin. 

Pero nakakalungkot pa ring isipin na bago pa lang kami pero hindi namin magawang ma-enjoy  ang pagiging magkasintahan namin,naging busy kami nitong mga nakaraang buwan at ang iniisip lang muna namin sa mga oras na iyon ay ang mga obligasyon namin bilang anak at apo.

Hindi naman sa nagrereklamo ako pero gusto ko kasi sanang gumawa ng mga happy at unforgettable memories habang mga bata pa kami,gaya nung mga ginagawa ng mga normal na  magkasintahan,pero hindi namin iyon dahil busy pa kami sa ngayon at sa palagay ko ay hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon kami ng quality time.



Hapon na at pauwi na ako, medyo tumagal pa ako nang ilang minuto sa classroom dahil tinapos ko muna yung ipapasa kong essay para sa english,ang kadalasang oras ng labas ko ay 4:30 pero halos mag aala-singko na ako nakalabas,tinapos ko na sa classroom ang project kahit na bukas pa dapat ang pasa nito,himdi na kasi ako makakagawa sa bahay kasi pagdating ko sa bahay ay gagawa pa ako njg gawain sa bahay,pagkatapos naman naming maghapunan kakausapin ko lang saglit si Vince sa telepone nang mga ilang minuto tapos makakaidlip na rin ako sa sobrang pagod dahil sa maghapon akong nasa paaralan, bukod kasi sa marami pa akong mga project na gagawin pinapa-ayos din ni Ma'ám sa amin yung garden bago kami mag-graduate para naman daw maayos iyon pag-dumating na yong next batch.

Nang makalabas ako ng classroom ay ngalay na ngalay ang buong katawan ko,pakiramdam ko ay sobrang tagal kong may pinasan na kung ano sa katawan ko,habang papalapit sa gate ay nakita ko ang isang matikas na bulto nang isang tao,at hindi nga ako nagkamali si Vince kaya't napangiti ako't kumaway ako sa kanya habang sya'y papalapit sa akin tipid syang ngumiti sa akin at halatang pagod sya dahil nakikita ko kung paano pumungay ang mga mata nya at kung gaano katamlay ang kilos nya.

''How's school?, napagod ka ba sa ginawa nyo?''tanong nito at kinuha nya ang bag na nakasakbit sa likod na nakagawian nya nang gawin sa tuwing mangyayari ang tagpong ito.

''Ayos naman, medyo mahirap pero yakang-yaka ko naman, ako pa ba''mayabang na sabi ko habang nakangiti dito at tina-taas baba pa ang kilay.

Napangiti naman ito sa kalokohan ko ngunit hindi sya at ginulo ang buhok ko at di na muling umimik,pag ka-sakay namin sa sasakyan niya binuhay nya ang stereo na nasa harap ng sasakyan at tumugtog ang isang awitin na kay sarap sa pandinig"Perfect''

Inabot nya ang kamay ko at dinala iyon sa tapat ng kanyang bibig at marahang dinampian ng halik,hindi ko mabasa ang mga tumatakbo sa kanyang isipan dahil nakatingin pa rin sya sa harapan at abala sa pagmamaneho.

Ilang minuto lang itinagal nang aming katahimikan habang pumapailanling ang awitin, napatingin ako sa katabi nang bigla na lamang syang sumabay sa kanta at halos lumabas na ang puso ko nang mapansing nakatingin sya sa akin habang sinasambit ang lyrics ng kanta

''I whispered underneath my breath, but you heard it, darling you look perfect tonight''

Napangiti naman ako dito at marahan akong lumapit sa kanya upang bigyan sya ng magaang halik,at walang imik na sumandal sa balikat nya,alam ko na hindi kami madalas na magkasama pero alam ko at ramdam ko kung gaano nya ako kamahal, base pa lamang sa mga gesture na binibigay nya ay hindi na maipagkakaila na minamahal nya nga ako nang tunay.

At napaka-swerte ko dahil sya ang lalaking ipinagkaloob sa akin ng may kapal,hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawalay sya sa akin.


Nagising ako dahil sa marahang pagtapik sa aking mukha,nakatulog pala ako kanina matapos kung sumandal sa balikat nya,inangat ko ag aking tingin at nakita ko ang nakangiting mukha ni Vince,siguro ay nakarating na kami sa bahay,kaya't inikot ko ang aking tingin at hindi nga ako nagkamali,humarap naman ako kay Vince at ngumiti sa kanya

"Pasok ka muna kaya sa bahay, magpahinga ka muna tapos ipaghahayin na din kita ng makakain para may laman ang tiyan mo habang nagba-byahe ka pauwi sa inyo" suhestisyon ko dito na sa una'y tinanggihan nya ngunit agad ding pumayag nang kinonsensya ko ito,napatawa ako sa naiisip na agad ko ring inalis sa aking isip at inaya na syang pumasok ng bahay.

Nang makapasok kami ay nakita ko si Lola sa sala habang nanonood ng balita napansin ko rin na mayroon syang tinatahi, marahil ay iyon ay ang pajama na nasira kahapon dahil aksidente itong sumabit sa pako kahapon.

"Magandang hapon po Lola,tinatahi nyo na pala iyang pajama ko dapat ay hindi na kayo nag abala kaya ko naman po iyan na tahiin, buti ay kaya nyo pang ipasok yung sinulid sa butas nang karayom "saad ko dito at natawa sa huli kong sinabi,napailing naman ito sa aking kalokohan at medyo natatawa pang sumagot sa akin.

"Ano kaba naman apo hayaan mo na ako,hindi naman nakakapagod ito atsaka ikaw na bata ka hindi pa naman ako ganun katanda"natatawang saad sa akin ni lola at binato pa ako ng throw pillow na katabi nya.

Napatigil naman si Lola at napatingin kay Vince na malaki ang ngiti habang nakatingin sa aming dalawa,nakalimutan ko na kasama ko pala sya just kidding hehhehe.

"Oh Apo Vince nanjan ka pala, hindi kita napansin dahil puro kalokohan itong jowaers mo"natatawang saad nila Lola habang ako ay muntik nang mapahagalpak ng tawa dahil sa huling sinabi nito, Jowaers daw ano sya teenager at nakiki jowaers na rin ang aking Lola.

"Oh sya Alyna intindihin mo na yan si Vine hindi yung puro kalokohan ang inaatupag mo" biglang sumungit ang mukha nito,ngunit imbis na mabahala ay natawa na lamang ako atsaka pumunta nang kusina upang magluto na nang hapunan,naramdaman ko naman ang pagsunod ni Vince ngunit hindi ko na sya nilingon at nagsimula nang ihanda ang mga dapat kong lulutuin.

"How may i help you"maya-maya pa ay tanong nito, kayat tipid ko syng nginitian at nginuso ang sibuyas bawang, atsaka napatango-tango naman ito at sinimulan nang gawin ang dapat nyang gawin habang ako naman ay nagsalang na nang sinaing.

Habang naghuhugas nang bigas ay nariig kong nagsalita si Vince, ngunit hindi ko na muna sya hinarap.

"You and your Lola are cute whenever you talk to her as if you are just a best  friend of her"plain na saad nito pero alam kung nakangiti ito kahit na hindi ako nakatingin.

Tumango-tango ako dito at nakangiting ikinwento sa kanya ang mga bagay na mas madalas naming gawin ni Lola maliban sa pag aasaran kasi ay lagi din kaming nanonood ng mga comedy movie, at ang madalas naming gawin ay hulaan kung ano ang sunod na mangyayari sa story.

Mukha namang nawili si Vince sa mga kinwento ko,vmaging si Lola ay kinwento ang mga pinaggagawa ko nung bata pa ako,habang ako hiyang hiya lang na nakatungo habang kumakain, at ito namang si Vince ay halos mamatay na sa kakatawa,vikwento ba naman daw na pag nangungulangot ako dati ay inaamoy ko pa daw bago ko ipahid sa kung saan, kaya heto ako ngayon hiyang-hiya kahit pa nakauwi na si Vince.









                                                                HELL_LEE_23


Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon