NNS 6: Worried

4 4 0
                                    


Alyna's POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Vince, this fast few days napapansin ko na tila ba lagi na lang syang nakatulala at parang lagi syang balisa, hindi naman ako makapag-tanong ng ayos kasi sa tuwing sinusubukan kong mag-open up nang topic tungkol sa kanya napapansin ko na lagi syang umiiwas, kaya hindi na ako nagpumilit pang magtanong kasi parang ayaw nya munang pag-usapan ang tungkol sa problema nya, tsaka na siguro ako magtatanong pag alam kong handa na sya.

Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya dahil baka may pinagdadanan na sya na hindi nya alam ang magiging solusyon kaya lagi syang tulala, gusto ko man syang tulungan ay hindi ko magawa dahil lagi nyang iniiwas ang topic kaya hinahayaan ko na lang.

Tahimik ko lamang syang pinagmamasdan habang mahimbing syang natutulog, masyado yatang naparami ang alak na nainom nya kaya ganito na lamang kahimbing ang tulog nya, buti na lamang talaga ay naisipan nya akong tawagan kanina, npatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas onse na nang gabi.

Kung tutuusin ay kanina pa dapat mga seven sya tumawag kaya nagtaka ako, ngunit hindi ko na lamang pinansin pa iyon dahil naisip ko na baka may ginagawa sya o di naman kaya nakatulog na sya nang makauwi galing sa paghatid sa akin kanina.

Matapos kong pagmasdan si Vince nang ilan pang minuto ay lumabas na ako nang kwarto matapos ko syang kumutan at dampian ng magaan na halik sa noo, uminom muna ako nang tubig sa kusina bago ako dumiretso sa sariling kwarto.

Napatulala muna ako saglit at ilang minuto pa ay dinalaw na ako ng antok.



Kinabukasan ay nagising ako dahil hindi ako makahinga nang maayos, pakiramdam ko ay may mabigat na bagay ang nakadagan sa ibabaw ng tiyan ko, dahan-dahan kong minulat ang aking mata at doon ko nasilayan ang maamomg mukha ni Vince.

At ang mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko ay ang matipuno niyang braso, napakahigpit nang pagkakayakap nito na tila ba ano mang oras ay mawawala ako, umikot ako paharap sa kanya at napangiti nang makita ko nang malapitan ang kabuoan nang kanyang mukha.

May makakapal na kilay at tila ba iginuhit iyon para lamang sa kanya, napakaperpekto ng pagkakaukit sa matangos niyang ilong, ang mga labi niya na mapupula at tila ba nanghahalina ang kanyang labi na dampian ng halik.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami nang mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay ako ang natipuhan nya, napakaperpekto na niya kung tutuusin, maging ako ay hindi aakalaing sa akin ang bagsak nang lalaking kinababaliwan ng mga kababaihan.

Tila ay itinadhana sya para sa akin, hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil nakikita ko kung gaano ako kahalaga sa kanya'alam kong bawat galaw nya at ang pag-iintidi nya sa akin ay sincere, napaka swerte ko dahil nakilala ko ang isang Vince.

As I stared at him I unconsciously lift my hand, dahan dahan kong ipinatong ang daliri ko sa matangos nyang ilong at pinasadahan ito nang aking mga daliri, mula sa itaas nang kanyang ilong pababa sa kanyang mapupulang labi, i really admire him.

Sa totoo lang since I was in grade ten and Vince was in grade twelve I already have a crush on him that time, nakikita ko lang sya sa school noon pero hindi ko alam ang name nya, it was like love at first sight and I didn't expect that we will meet each other on the unexpected time and day, Ang akala ko talaga hanggang crush a lang ako.

Maybe the accident that happened a long time ago is a blessing in disguise hindi naman sa sinasabi kong blessing yung pagkamatay nila Mama, what I mean is maybe it's already their time to go to heaven and as for exchange He gave me Vince.

Hindi ko namalayang nagising na pala si Vince, napansin ko lamang sya nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin sa ibabaw na ilong nya.

Nakita ko na nakangiti ito nang nakakaloko kaya't kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya at tinarayan sya, nanjan na naman yung mga ngiti nyang nakakaloko, hindi ba sya aware na iba ang dating sa akin nang mga ngiti nya na iyon.

Nang akmang tatalikod na ako sa kanya ay hinapit nya ang bewang ko at pinaharap sa kanya, akala ko ay mang iinis sya ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa nya, isiniksik nya ang kanyang sarili sa akin at ipinahinga ang kanyang ulo sa pagitan nang aking leeg, humigpit ang pagkakayakap nya sa bewang ko at mas nagsumuksik pa sa akin, inaamoy amoy nya ang aking leeg at gumuguhit sya nang pabilog sa likuran ko at tila ba yun lamang ang bagay na magpapakalma sa kanya.

Hinayaan ko na lamang sya kahit na nagtataka at puno pa rin ako nang mga katanungan hanggang ngayon, gusto kong itanong kung may problema ba sya o kung ano bang nangyayari sa kanya, ngunit sa palagay ko ay hindi pa sya handa.

Nag-usap lamang kami nang mga kung ano-ano, nang sumapit ang tanghalian ay kumain kami ngunit bumalik agad sa kwarto pagkatapos, gusto daw kasi ni Vince na magkaroon kami nang quality time dahil magiging busy na naman daw sya sa susunod na mga linggo, at ako naman na na-miss din sya ay hindi na lamang tumanggi, ginugol lang namin ang oras namin nang nagkkwentuhan tungkol sa sarili namin, may mga times rin na nagkakabiruan, ganoon lang ang ginawa namin sa buong maghapon.

Ilang minuto na lang ay sasapit na ang ika-lima nang hapon kaya heto kami ngayon, kagaya nang nakagawian, pupunta kami sa aming tambayan, dumaan kami sa isang store at bumili kami nang root beer, doon kami magpapalipas nang mga ilang oras upang pagmasdan ang sunset na madalas naming gawin.

Nang makarating kami ay dumiretso na kami sa usual spot namin at doon naupo, habang nakasandal sa balikat ni Vince ay kumakain kami nang chips na binili namin kanina, pagkatapos ay iinumin nmain ang aming root beer.

Sa paglubog nang napakagandang araw ay, kasabay nang aking pagpikit at umusal nang dalangin na sana ay hindi na magwakas ang ganitong senaryo na bumubuo nang araw ko, na sana ay kahit na anong mangyari ay hindi mawala sa akin si Vince, sya at si Lola na lang ang taong pinagkukunan ko nang inspirasyon at lakas kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa kasalukuyan kung mawawala pa sila sa akin.







                                                                 

           


                                                                       HELL_LEE_23




Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon