NNS 8: THINK OVER

5 1 0
                                    


Alyna's POV

Having your love of your love is a dream come true, may mga bagay man kayong madalas ay hindi naiintindihan ngunit mas lamang pa din ang pagmamahalan, madalas man ay may selosan, ngunit hindi mawawala ang lambingan at biruan.

Nang dumating si Vince sa buhay ko parang wala na akong mahihiling pa, nakapagtapos na ako, nandito si Lola sa aking tabi para suportahan ako at alam ko na proud din sa akin sila Mama at Papa, kaya't alam ko sa sarili ko na wala na akong mahihiling pa, masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon at sana naman wag na muna kunin sa akin ng tadhana at ng Panginoon.

Alam ko na darating din kami sa panahong iyon, ngunit sana naman ay hindi pa ngayon, hindi ko pa yata kakayanin at hindi pa ako handa, gusto ko muna matamasa ang mga binigay niyang pagpapala.

Ngunit hindi yata umaayon sa akin ang tadhana, hindi ko alam pero nitong mga nakaraang araw ay bigla na lamang parang lumamig ang aming pagsasama, may mga panahon na hindi sya nagpapakita at ang mga nakagawian niya ay nagbago, kung dati ay madalas nya akong tawagan ngayon ay ako na mismo ang tumatawag sa kanya ang masaklap pa ay hindi niya ito sinasagot.

Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari kay Vince, ngunit iniintindi ko na lamang dahil alam ko na busy din sya, masyado akong naparanoid dahil hindi ako sanay na ganoon siya sa akin.

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at napili na lamang na tawagan si Tala, gusto ko malibang ngayon dahil sa susunod na araw ay magiging abala na ulit ako dahil maghahanap ako ng pwede kong applyan ng trabaho.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang ako'y maka-graduate, pinagpahinga ako ni Lola ng ilang buwan para hindi naman daw ako ma-stress, kaya't maswerte ako kasi kahit na wala si Mama at Papa ay nandiyan si Lola na sobra kung mag-alaga, kaya siguro kontento na ako sa buhay ko ngayon.

Naka-ilang ring ang cellphone ng sagutin nya ang tawag ko.

"Hello Cous?" medyo inaantok na sagot nito.
Naabala ko pa yata sya sa pagtulog

"Ahm Tala, nakakaabala ba ako?" nag aalangang tanong ko dito. Iniisip ko palang na naabala ko sya ay naguiguilty na ako.

"Hindi naman, Actually kanina pa ako nagising medyo inaantok lang ako" sagot nito, at narinig ko pa na parang nagbuklat sya ng kaldero.

"Bakit, may kailangan ka ba, may problema or something else?" tanong pa nito.

"Wala naman, gusto ko lang sanang itanong kung available ka today?, Gusto sana kitang isama mamasyal ngayon, medyo bored ako now" sagot ko dito. Medyo nag aalangan pa akong magsabi dito dahil sa isip-isip ko'y baka nakakaabala ako dito.

" Of course couz, I'm always available. Saan mo trip magpunta today, Mall or Food Trip tayo? "biglang ang inaantok na boses nito'y sumigla at tila ba ay nabuhay ang kaninang natutulog nyang kaluluwa, bahagya akong natawa dahil sa inakto nito, bakit ko nga ba nakalimutan na mahilig nga pala ito sa galaan.

Napailing-iling na lamang ito bago ko sinabi sa kanya kung saan kami magkikita, bago tuluyang magpaalam ay sinabi ko kung anong oras ako makakarating, kumuha na ako ng towel sa aking tokador at dumiretso na sa banyo para maligo, makalipas ang ilan pang minuto ay natapos na rin ako, nagbihis lamang ako ng isang simpleng jeans long sleeve croptop na hindi masyadong kita ang pusod, nagsuklay na ako nang aking buhok at bahagya lamang naglagay ng liptint.

Bumaba na ako ng aking kwarto at nakita ko si Lola na busy sa panonood ng TV, nang marinig niya ang aking yapak ay napalingon ito sa akin at nginitian ako, napansin niya ang aking ayos kaya't bahagyang napataas ang kanyang kilay.

"Malabas kami ni Tala, La wag kang masyadong mag overthink jan, wala naman kami ibang pupuntahan, uuwi din ako nang maaga, hindi ako magpapagabi" natatawang sabi ko dito.

Napatawa ito sa aking sinabi bago ako nito tinanguan, bago ako umalis ay humalik muna ako sa kanya, at nag mano na din, nang makalabas nang bahay ay nag abang na ako nang masasakyan, ilang minuto pq ang nakalipas ay nakakita na rin ako nang masasakyan, naglabas na ako nng barya at inabot na sa driver yung bayad, actually sa katabi ko inabot at inabot nya rin sa katani nya hanggang sa makarating sa driver, busy ako sa pag-scroll sa cellphone ko nang makita ko ang isang post na nagpabilis ng tibok ng puso ko, nanginig ang aking mga kamay, nanghina ako at halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito, kung dapat na ba akong mag react, kung dapat ba akong magalit, gulong gulo ang utak ko ngayon at hindi ko alam kung totoo ba ang pumasok sa utak ko, kung tama ba ang hinala ko.

Hanggang sa makababa ako nang sasakyan ay tulala ako, hindi ko alam kung paano ako nakalakad at kung paano ako nakababa nang sasakyang gayong tulala ako, nang makarating ako sa tagpuan namin ni Crystal ay hindi mawala ang mga katanungan sa isip ko, nanghihina ang mga tuhod ko ngunit pinilit ko pa ring maglakad kahit na parang guguho ang mundo ko, kahit na hindi ko alam kung dapat ba akong umakto nang ganito.

Ang daming mga What If sa isip ko.

"Alyna anong nangyayari sayo bih? Mukha kang naka-shabu?, Ayos ka lang ba, kanina pa tayong paikot-ikot dito, pag tinatanong kita puro tango lang ang sagot mo" napalingon ako kay Tala dahil sa biglang tanong niya, umiling ako dito at ngumiti sa kanya na alam ko sa sarili ko na peke lamang ang mga ito.

" Wala iniisip ko lang kung, anong magiging buhay ko sa kasalukuyan, kung makakahanap ba agad ako nang trabaho? " sagot ko na lang dito, yun ang pumasok sa isip ko kaya't yun na rin ang kusang lumabas.

Masyado na siguro akong naapektuhan nang mga nakita ko, hindi ko alam kung naniwala ba sa akin si Tala, ngunit nakita ko na lamang siya na tumango at hindi ko alam kung bakit hindi na sya nag usisa pa, hanggang sa makauwi kami ay ang nakita ko lamang sa social media ang nasa isip ko, at buong gabi akong paranoid nang dahil lang sa larawang iyon.

At hanggang ngayon ay hindi ko alam ang magiging reaction ko, litong lito ako.











   HELL_LEE_23

Nakaw Na SandaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon