SOFIA

784 26 1
                                    

"Pasok!" sigaw ni Miko nang katukin ko ang kwarto n'ya. Napabalikwas s'ya mula sa pagkakahiga nang makita ako.

"May laptop ka ba? Pwede bang makahiram?" tanong ko.

Gusto ko kasing gumawa ng resume para makapag-apply na ako. Ayoko namang kunin ang laptop ni ate Bella sa kwarto n'ya nang hindi nagpapaalam kaya naman kay Miko na lang ako hihiram.

"Go ahead," sagot n'ya kaya naman pumasok na ako sa loob at naupo sa swivel chair n'ya.

"Password?"

"123456," sagot n'ya.

Sana hindi na lang s'ya naglagay ng password. Pambihira.

Nagsimula na akong gumawa ng resume ko at LinkIn account. Habang abala ako ay ramdam ko ang presensya ni Miko sa likuran ko.

Nakakailang naman kasama 'tong lalaking 'to. Habang mas tumatagal ay pabigat rin nang pabigat ang dibdib ko sa lakas nang kalabog ng puso ko.

"I'm done. Salamat," anunsyo ko matapos ang halos kalahating oras na pag-gamit sa laptop n'ya.

"Can I talk to you for a sec," pahayag ni Miko kaya naudlot ang pagtayo ko sa kinauupuan ko.

Nagulat ako nang bigla n'yang iikot ang swivel chair na kinauupuan ko paharap sa kanya. Nakaupo kasi s'ya sa dulo ng kama kaya mabilis n'yang nahila papalapit sa kanya ang upuan ko.

"P-Patungkol saan?"

"I want to confess something."

"Confess what?" kabado kong tanong.

"I read your diary. Noong unang linggo ko rito ay sa kwarto mo ako unang tumuloy habang inaayos ko ang itong kwarto ko ngayon. I'm sorry."

Nagsimula akong magsulat ng diary nang mamatay si kuya. Iyon din kasi ang panahon kung kelan mas lumala ang sakit ko. Wala akong mapagkwentuhan at mapagsabihan ng mga nararamdaman ko kaya naman sa diary ko inilabas lahat ng mga saloobin ko. Kahit mga suicide plan at iba pang masasamang bagay na gusto kong gawin sa sarili ko ay nandoon din.

Siguro ay iniisip na noon pa ni Miko na baliw ako.

"Ayos lang," saad ko bago umiwas ng tingin sa kanya.

"Sorry talaga. Kung iniisip mong pinagtawanan kita o kinukutya nang patalikod ay 'yon ang hindi ko ginawa."

"Okay. Don't worry, hindi ako galit. Can I go now?" tanong ko.

"Not yet," sagot n'ya na tuluyang nagpakunot ng noo ko. "Hindi ko pa nasasabi lahat nang gusto kong sabihin sa'yo. Habang mas tumatagal na binabasa ko ang bawat pahina ng diary mo ay d-doon din ako unti-unting, ehem..." He cleared his throat. He looked nervous.

"Unti-unting ano?"

"Unti-unting nahuhulog sa'yo," sagot n'ya na nagpaawang ng labi ko. "Bago pa man kita makilala ay mahal na kita Sofia."

"Mahal kaagad?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ang weird ba? I just can't stop thinking about you. Ang bilis din lagi ng pintig ng puso ko tuwing malapit ka sa akin."

"Baka naaawa ka lang sa akin, Miko. Baka hindi talaga pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin kundi pagkaawa. Ulila ako, may sakit at walang mga kaibigan kaya sinong lalaki ang magkakagusto sa isang tulad ko?"

"Ako," seryoso n'yang sagot na mas lalong nagpawindang sa puso ko.

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi n'ya sa labi ko. Imbis na itulak s'ya palayo sa akin tinugunan ko ang halik n'ya at yumakap sa batok n'ya.

"Does this mean you love me too? Tayo na ba?" sunod-sunod n'yang tanong na nagpabalik sa katinuan ko.

Kaagad ko s'yang itinulak palayo sa akin at tumakbo palabas ng kwarto n'ya. Bumaba ako at nagtungo sa kwarto nina Shine at tinabihan ang tulog kong pamangkin.

PECHAY SERIES | Side StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon