Pinag-aralan ko ang impormasyon na nakuha ko patungkol sa babaing naka-s*x ko sa kotse habang hawak-hawak ang engagement ring nito. Matapos kasi ang gabing 'yon ay bigla na lang s'yang nawala sa tabi ko at tanging ang singsing n'ya na lang ang nakita ko.
Nagising akong mag-isa at hindi man lang alam ang pangalan n'ya pero hindi naman 'yon problema sa akin dahil may trusted source ako.
Dra. Georgina La Costa
31 years old
Director of A**Psychiatric Hospital
She was 3 years older than me. Very surprising. Sa murang edad ay isa na s'yang director ng isang kilalang hospital.
Itinapon ko ang singsing sa basurahan saka isinara ang laptop na kaharap ko. Ngayong na angkin ko na s'ya ay hindi na ako makakapayag na mapunta ang babaing 'yon sa iba. After all, I already mark her as my property.
Panagutan n'ya dapat ako!
***
Tatlong beses akong kumatok sa pinto ng opisina ni Georgina bago pumasok sa loob. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ulit ang babaing humagupit at nanukso sa akin ng gabing 'yon sa parking lot.
Kung inaakala n'yang nabayaran na n'ya ang ginawang n'yang pananakit sa akin ay nagkakamali s'ya. Ngayon ako makikipag-negotiate sa kanya at kapag hindi ko nagustuhan ang mga sasabihin n'ya ay sisiguraduhin kong magpapaalam s'ya sa lisensya n'ya.
Busy pa rin si Georgina sa harap ng laptop n'ya at walang kaalam-alam sa pagpasok ko. Napaka-workaholic naman ng babaing 'to. Hindi n'ya ba narinig ang pagkatok ko? Lumapit ako sa harap ng lamesa n'ya at nang iangat n'ya ang tingin sa akin ay yumuko naman ako para salubungin s'ya ng halik.
Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa ginawa ko.
"Sweet," usal ko. Mabilis s'yang napatayo at napaatras habang bakas pa rin ang matinding pagkagulat sa mukha n'ya.
"I-Ikaw!" She exclaimed, pointing her shaking finger at me. "Y-You son of a cow! Nasaan ang singsing ko?!"
"Yes, it's me, baby."
Beautiful.
Hindi na s'ya mukhang sadako ngayon. Mas naging maganda s'ya sa paningin ko dahil naka-pony tail ang mahaba n'yang buhok na magulo pa rin kung titingnan. Bumagay din sa kanya ang suot n'yang eyeglasses and pink dress na pinatungan ng white coat.
"Wag mo akong i-baby-baby! Nasaan na ang singsing ko?"
"I throw it."
"What?! Anong karapatan mong itapon ang bagay na hindi naman sa'yo?!" asik ni Georgina. Nagmartsa s'ya papalapit sa akin habang magkasalubong ang mga kilay sa sobrang galit. "Nasaan na?!"
"Don't tell na plano mo pa ring makipagbalikan sa manloloko mong fiance. After he cheated on you and you cheated on him, gusto mo pa rin maikasal sa kanya?"
"Buhay ko 'to kaya 'wag kang magmarunong!"
"You're a psychiatrist, right? Ikaw dapat ang mas nakakaalam sa tama at mali. Magiging toxic lang ang relasyon n'yo sa gagawin mong pakikipagbalikan sa kanya."
Nag-igting ang bagang n'ya. Akmang sasampalin n'ya na sana ako nang mabilis kong hulihin ang kamay n'ya.
"Don't. May pending ka pang kaso kaya 'wag mo ng dagdagan."
"W-What?"
"Yes, baby. I filed a suit on you. Sa tingin mo ba ay papalampasin ko ang ginawa mong pag-atake sa akin sa parking lot?" Iniangat ko ang long sleeve ko at pinakita sa kanya ang braso ko na tadtad ng mga pasa dahil sa kagagawan n'ya. "And don't tell me that I raped you dahil alam nating pareho na ikaw ang unang nag-intiate na makipag-s*x sa akin. Lasing ka nun pero sigurado akong naalala mo ang mga ginawa mo nang gabing 'yon."
BINABASA MO ANG
PECHAY SERIES | Side Story
Romance#repost ©Hawkeye_royai 2022 Plagiarism is a Crime