ASH

2.8K 93 26
                                    

My Trophy Gay
Read this first ☝️ para mas maunawaan n'yo ang back story ni Ash.

🌼🌼🌼

"Give me one reason why you hated me?" tanong ko kay Dawn.

"You're a jerk." Walang pag-aalinlangan n'yang sagot sa akin. Walang bakas ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha habang nakatitig sa mga mata ko.

Napabuntonghininga na lang ako. I've been courting Dawn for almost 4 months now and I received multiple rejections from her.

Natawa na lang ako sa likod ng isip ko. Sa gwapo kong ito ay nagawa n'ya pa rin akong basted-in.

Kapag nalaman ni kuya Atticus ang nangyayaring 'to sa akin ay pagtatawanan n'ya ako panigurado. Imbes na kasi babae ang naghahabol sa akin ay ako itong nagpapakatangang kunin ang atensyon ng babaing ito.

Hindi ko tuloy mapigilang ikumpara ang sarili ko kay Yuna dahil sa pagiging persistent ko na mapansin ni Dawn.

"Wow." Hindi makapaniwalang usal ko.

She should be thankful that I liked her. She's timid and plain. Walang ibang lalaki ang nakaka-interes sa kanya dahil bukod sa sobrang boring n'ya ay ang sungit-sungit n'ya rin. Akala mo naman pang miss universe ang ganda.

Her simplicity is her beauty though. No doubt about that.

Akmang aalis na sana s'ya nang hilahin ko ang braso n'ya at isandal s'ya sa book shelve na katabi ko. Napansin ko ang paghigpit ng yakap n'ya sa hawak n'yang libro nang magdikit ang tungki ng ilong naming dalawa.

Sa apat na buwang panliligaw ko sa kanya ay nirespeto ko ang personal space n'ya dahil gusto kong magpaka-goodboy sa kabila ng badboy image ko sa school pero ngayon nauubos na ang pasensya ko sa kanya ay mukhang kailangan ko ng gamitin ang kamandag ko.

"You pushed me to my limit Dawn," bulong ko sa kanya. Pumaikot ang isa kong braso sa bewang n'ya saka s'ya idinikit sa akin.

Hahalikan ko na sana s'ya ng bigla n'ya akong itulak ng malakas. Sa sobrang lakas ay napaatras ako palayo sa kanya dahilan para tumama ang likod ko sa book shelf na nasa likuran ko. Naramdaman ko ang paggalaw nito at kasunod nun ay ang pagbagsak ng ilang mga libro sa akin.

"Aray!" daing ko. "Dawn!" sigaw ko ng makita ang pagkaripas n'ya ng takbo palayo.

Akala n'ya ba ay matatakasan n'ya ako?

Tumagal pa ako ng kalahating oras sa library dahil sa mga sermon na natanggap ko mula sa Head Librarian. Ako rin ang nag-ayos ng mga nagkalat na libro kaya hindi ko na nagawang balikan pa si Dawn.

Bukas kami magtutuos na dalawa. After all, wala talaga s'yang kawala sa akin dahil same course and same class kami. Kahit anong gawin n'yang pag-iwas at paglayo sa akin ay wala pa rin s'yang takas. Except kung lilipat s'ya ng ibang school. She can't do that. I won't let her.

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko na namang naglalampungan sa couch sina kuya at Yuna. Ang sakit nila sa mata.

"Hi Ash!" Bati sa akin ni Yuna pero hindi ko s'ya pinansin at dumiretso na lang sa kusina para maghanap ng makakain.

"Sana maka-jowa na rin si Ash para hindi na laging salubong ang kilay n'ya."

"Tss. Paano 'yan magkaka-jowa kung talo n'ya pa ang babaing nireregla. Ewan ko na lang talaga kung may pechay pang papatol sa kanya," segunda ni kuya.

"I can hear you both!" sigaw ko.

"Nalamang may tenga ka! Magulat ka kung wala kang naririnig dahil siguradong may deperensya 'yang tenga mo."

PECHAY SERIES | Side StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon