"Salamat sa libre. Bye," saad ko bago s'ya talikuran at iwan. Masyado pang maaga para umuwi kaya naman napagpasyahan ko na maglibot-libot muna sa mall.
Siguro ay kailangan ko ng maghanap ng trabaho para matustusan ang sarili kong mga pangangailangan. Ayoko namang umasa lang kina ate Belle at sa life insurance na nakuha n'ya mula kay kuya. I need to stand on my own.
"Do you like that?" Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng may bumulong sa tenga ko.
"Bwisit ka!" asik ko kay Miko pero tinawanan lang ako nang siraulo. Kanina pa ba s'ya nakasunod sa akin?
"Do you want to buy that necklace?" tanong ni Miko kaya muli kong inilipat ang tingin ko sa moon necklace na nakita ko. Naaalala ko kasi rito ang buwan na lagi kong tinitingnan noong nasa isla ako.
"No," sagot ko bago muling maglakad palayo sa kanya.
"Halos ilang oras ka ng paikot-ikot dito, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Miko. Kung ganun ay kanina n'ya pa pala ako sinusundan. "Gusto mo bang sumama sa trabaho ko? I can take you there if you want para hindi ka ma-bored dito sa mall."
"Pwede ba ako 'ron?"
"Oo. Kahit na sino pwede 'ron, except pala sa 18 below. Taralets."
Sumama na lang ako sa kanya kesa naman mabagot ako kakaikot sa mall.
Nang makarating kami sa bar ay nakita ko ang pagbati sa kanya hindi lang ng ibang mga empleyado kundi pati na rin ng ibang customer. Alas-singko palang ng hapon pero dagsa na ang mga tao rito.
Wait, don't tell me sikat na stripper ang trabaho ng lalaking 'to? Kaya ba kilala s'ya nina Liza dahil 'yon ang trabaho n'ya?
"Wag kang iinom ng kahit anong inumin na ibibigay sa'yo ng ibang tao. 'Wag ka rin sasama sa hindi mo kakilala rito at isa pa nga pala, d'yan ka lang. 'Wag na 'wag kang aalis dito para hindi na kita hanapin kung saan-saan. Ang liit mo pa naman."
At may pahabol pa talagang insulto.
"Hindi na ako bata."
"Para ka ngang teenager sa liit at itsura mo."
"Umalis ka na nga!"
"Juice lang ang inumin mo. Malalagot ako kay ate Bella kapag naglasing ka," pahabol n'ya bago n'ya ako iwanan.
Nang sumapit ang ala-sais ng gabi ay doon na lumakas ang ingay sa bar pero mas lumakas ang sigawan ng mga tao ng lumabas sa stage ang apat na lalaki at kasama na roon si Miko na may hawak na bass.
Kaya pala sikat ang loko dahil may sarili s'yang banda at s'ya ang vocalist at bass player nito.
"Do want to dance miss?" tanong sa akin ng lalaki pero tumanggi ako. Hindi ko mabilang kung pang-ilang lalaki na s'yang nagtanong n'yan sa akin.
Naka-break na ngayon ang banda ni Miko at ang DJ na ang pansamantalang nagpapatugtog ng upbeat music.
Halos dalawang oras na rin ako nakaupo sa stool kung saan ako iniwan ni Miko. Should I dance?
"Miss do you want―"
"Let's go." Mabilis kong sagot sa lalaki saka kami naglakad patungong dance floor. Suki ako noong college sa bar kaya hindi na bago sa akin ang atmosphere rito.
Gigiling palang ako nang may pumulupot ng braso sa bewang ko at buhatin ako nito gamit ang isa n'yang braso."I told you not to leave your seat," saad ni Miko. "Wait, nakainom ka ba? I told you not to drink alcohol!"
Paano n'ya 'yon nagawa? Ang buhatin ako gamit ang isang braso? Sobrang liit ko ba talaga?
BINABASA MO ANG
PECHAY SERIES | Side Story
Romance#repost ©Hawkeye_royai 2022 Plagiarism is a Crime