"Dawn."
"Don't you dare!" asik n'ya nang akmang yayakapin ko na sana s'ya. "Nakakainis ka! Bakit ka ba kasi pumunta pa rito. That b*tch won't stop pestering you. Hangga't hindi ka n'ya naikakama ay hindi ka n'ya titigilan!" pahayag ni Dawn habang pulang-pula na ang mukha sa galit.
"Sa tingin mo ba ay papatulan ko ang kapatid mo?"
"Oo! Pare-parehas lang naman kayong mga lalaki na mabilis magpatukso!"
"Ouch. 'Wag kang magselos, Dawn. Alam mo namang loyal ako sa'yo."
Lumapit ako sa kanya ay hinawakan ang kamay n'ya. Hinalikan ko ang likod ng palad n'ya bago 'yon idikit sa pisngi ko.
"Don't underestimate my feelings for you. Bakit pa ako nanliligaw sa'yo kung sa ibang babae naman pala ang bagsak ko?"
Kaagad na bumitaw si Dawn sa akin at nagtungo sa kama n'ya para matulog.
"May extra na matress sa ilalim ng kama ko. Kunin mo na lang," saad n'ya kaya tumango na lang ako.
Napabuntonghininga ako dahil sa malamig na pakikitungo n'ya sa akin. Akala ko ay magbabago na s'ya matapos n'yang tugunan ang halik ko kanina pero nagkamali ako. Ayos lang naman sa akin ang attitude n'ya, siguro ay isa rin 'yon sa mga katangian n'ya kung bakit ako nahulog sa kanya.
Ang cheesy ba?
"Saan ka pupunta?" Inaantok na tanong sa akin ni Dawn. Mukhang naalimpungatan s'ya dahil sa paglangitngit ng pinto nang buksan ko ito.
"Sa banyo lang," sagot ko.
"Samahan na kita."
"Hindi na. Matulog ka na lang. Alam ko naman kung saan ang banyo ninyo." Paninigurado ko sa kanya pero tumayo pa rin s'ya mula sa kama at lumapit sa akin.
"Okay lang," aniya nito. "Baka may biglang humila sa'yong anaconda sa tabi-tabi tapos 'di ka na makabalik sa kwarto," bulong n'ya na lihim kong ikinatawa. Kaya pala. Binabantayan n'ya pala ako laban sa kapatid n'ya.
Paglabas ko ay nakita kong natutulog sa upuan si Diane na walang kahit ni isang saplot sa katawan. Desperada. Kaya pala bantay-sarado sa akin si Dawn dahil alam n'ya ang kayang gawin ni Diane makuha lang ang gusto nito.
Pagkatapos kong magbanyo ay nakita ko si Dawn na nakasandal sa pader habang nakapikit ang mga mata. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad ko s'yang binuhat at ipinasok sa kwarto n'ya.
"Ibaba mo na ako," suway n'ya sa akin kaya naman sinunod ko ang gusto n'ya at ibinaba s'ya sa kama. Imbes na lumayo ay kaagad akong pumaibabaw sa kanya na nagpalaki ng mga mata n'ya. "A-Anong ginagawa mo?"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Dawn? Sino ang may gawa ng pasa d'yan sa mata mo?"
"It's none of your business, Ash. Lumayo ka nga sa akin. Inaantok na ako," pagtataboy n'ya pero hindi ko s'ya pinakinggan. I closed the gap between our face and claimed her lips. Mabilis lang 'yon pero may diin.
"Tatanungin ulit kita. Sino ang may gawa n'yan?"
"Hindi mo kailangang mala―"
I cut her words with my lips. Kapag hindi s'ya umamin sa akin ay bubugbugin ko ng halik ang labi n'ya. Alam ko namang isa 'yon sa mga kinaiinisan n'ya.
"Hayop ka!" asik n'ya sa akin pero hindi ako nagpatinag sa galit n'ya.
"Tell me, Dawn. Dahil kung hindi ay mas higit pa sa halik ang ibibigay ko sa'yo."
Gamit ang isa kong kamay ay hinuli ko ang dalawang pulso ni Dawn at ipinako 'yon sa uluhan n'ya para hindi s'ya makapaglaban, samantalang abala naman ang isa ko pang kamay sa loob ng t-shirt n'ya.
BINABASA MO ANG
PECHAY SERIES | Side Story
Romance#repost ©Hawkeye_royai 2022 Plagiarism is a Crime