Chapter 2

50.8K 1.1K 129
                                    

Isinandal ko naman ang ulo ko at hinilot ng kaunti dahil sa hilo.



"Slow down, Dylan! Ayoko pang mamatay." irritado kong puna dahil ambilis niyang magpatakbo.



Nang hindi bumagal ang takbo ay agad kong iminulat ang aking mga mata at inis siyang tinignan.



"I said slow down!"



"Rest, Hemera." Sambit nito gamit ang malamig niyang baritonong boses, ni hindi man lang niya ko tinapunan ng tingin. Tsked.



Ughh~ fuck.



Gantong ganto siya kapag sobra na ang selos niya. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa 'yun kanina. tangina.



"I want water," I murmured before I fell asleep.



Mabigat ang mga mata 'ko ng imulat ko ito. Agad akong napawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang sakit.



Hangover.



Masyado bang marami ang nainom ko kagabi?! Hindi ko mapigilang tanong sa sarili 'ko.



Bumangon na ko at sumandal sa headboard para naman mahimasmasan ako ng unti.



Agad kong napansin ang pantulog na suot ko at ang tubig at gamot na nasa bedside table. Agad nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari kagabi. potah!



Agad akong napatayo at hinanap si Dylan.



"Manang, asan po si Dylan?" Tanong ko kay Manang Josy ng makababa ako at maabutan ko siyang nagliligpit sito sa salas.



Hindi naman ganun kalaki ang bahay namin, sakto sakto lang sa amin. May pool, garden at garage. Actually this is not my house, bahay 'to ni Dylan.



"Oh 'nak gising kana pala, ay ewan ko sa batang 'yun at ang aga aga umalis. Linggo pa naman ngayon."



Lumapit ito sa akin at inaya akong mananghalian dahil pasado alas dose na. Umupo na lamang ako dahil nararamdaman ko na din ako gutom. "Asan po si Sherryl? Paki sabi nga po kapag nakita niyo ay pakihanap ang cellphone ko." pahayag ko kay Manang nang hindi ko makita ang isa pa naming kasambahay na mas bata sa akin ng ilang taon.



Dalawa lang ang kasambahay namin dito, si Manang Josy na simula bata palang ni Dylan ay siya nang nag-aalaga at si Sherryl na dati na din nagtatrabaho sa pamilya nila Dylan. Si Mang Isko naman ang driver namin. Pero sa kaso naming mag-asawa ay bihira lang kaming magpadrive. Ako hindi 'ko naman kailangan ng driver dahil minsan emergency talaga ako sa hospital kaya may sarili akong sasakyan.



Nabalik ako sa realidad ng lumapit sa akin si Sherryl at inabot sa akin ang cellphone ko. "Salamat." Pagpapasalamat ko bago ito umalis sa harap ko.



Nang matapos akong kumain ay agad kong tinignan kung may message ba si Dylan ngunit kagabi pa ang mga message na 'yun. Disappointed akong bumalik sa kwarto namin para doon tumambay.



Me:

Where are you?



Agad naman akong sumalampak sa kama ng masend ko ang message na 'yun. Wala pang sampong segundang tumunog agad ang phone ko ng dalawang beses.



From: DJ

At William's

Did you already eat na?



Agad sumilay ang ngiti 'ko ng mabasa ito.



Me:

Not yet :)



HEMERA (Obsession Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon