Boring.
It's boring.
Its only 10AM and wala na akong magawang...'productive'.
Nakapaghugas na ako ng pinggan and even nagwalis ng sahig at naglinis ng mga salamin. Heck kahit yung tiklupin niya tapos ko naring gawin! After kissing me kahit sa forehead lang yun, I can't bring myself to fall asleep. Binuhay niya ng husto ang dugo ko masyado and now mas mulat pa ako sa kwago.
It feels insane na I have no energy but I can't sleep. Malambot naman yung couch niya, masarap ibalot sarili ko sa kumot, and bonus kaamoy pa niya, the sound of the tv is quite nice. But hindi ako makatulog. Everytime na bibisitahin ako ng antok his scent and the warmth his lips being pressed in my forehead keeps going back! It is but an innocent temptation!
"...sa 2nd drawer sa kwarto ko may ladies clothes doon feel free to borrow some..."
Napaupo agad ako ng maalala ko ang sinabi niya--but agad lang din akong nahulog mula sa couch dahil hindi ko parin kontrolado ang sarili kong galaw. For the 2nd time today, I was dumbstruck.
Yup. Sure na ako. That guy is a moron para bigyan ako ng access sa cabinet niya.
Imbis na magmadali I walked slowly papunta sa kwarto niya--I feel like if I rush mawawalan ako ng balance at matutumba. Just ano bang inilagay ni Alonzo sa inumin para maging ganto ako manghina?
His bedroom is the coziest room sa buong apartment. It was full of life, may ilang libro sa mesa at shelf, may gitara, a secret stash ng...ehem, alam niyo na kung ano na nakasilip sa ilalim ng kama, at framed pictures. Pumunta ako sa harap ng cabinet at dumiretso agad sa 2nd drawer. Madaming damit ng babae duon. Dresses, jeans, shorts, tshirts, kahit lingerie and nightgown meron!
Sadly walang damit na same size ng akin but yung isang denim short shorts lang--and it just so happened na wala ako sa mood para isuot ang revealing na sleeveless white dress sa ilalim ng tirik na araw kaya pati closet niya tiningnan ko. I grabbed an oversized yellow shirt mula sa cabinet niya and--
May singsing na nahulog mula sa gilid. Probably nahila ko kasabay ng yellow shirt
It's a men's ring, na gawa sa polished gold at may nakaengrave sa loob na 'L' in a cursive and italic manner.
It's a wedding ring.
Well, gwapo siya, nasobrahan sa sipag, talented, may good personality and sweet, walang tanga na sasayangin siya. Pero bat andito yung wedding ring imbis na suot niya?
oh wait. He's married?!
I FANTASIZED KISSING A MARRIED MAN?!
E M O R Y
Stressful. Ayoko talaga ng rude customers, why did I have to face a Karen today? Maattitude pa yung newly hired na employees sa Edenia, ang sasakit nila sa apdo!
"I'm home~~" Sambit ko and napangiti ng bahagya. I knew it was pointless dahil walang babati pabalik. Afterall, El--
"Welcome back!" Naputol ang train of thought ko when I heard that honey-sweet voice. Someone... greeted back? Ahh right pinatuloy ko pansamantala dito si Elise--hindi parin siya umaalis?
As if on cue sumulip siya sa may couch at ngumiti.
"Humiram ako ng shorts and shirt--ayoko maglakad sa labas ng naka revealing dress e, I did few housework nung medyo maokay-okay na ako and~ginalaw ko yung teapots and leaves mo, okay lang?" She tilted her head cutely and innocent.
"Well, pano ako hihindi when andami mo na atang naiambag sa apartment ko, you might aswell keep it as a gift!" Nakangiti kong sinabi and napatingin siya sakin with wide eyes. She was shocked--obviously.
"Thank you then, want some afternoon tea or matutulog ka na?" Tanong niya at nag-hum ako habang nag-iisip.
"Tea then sleep," sabi ko at umupo ako sa tabi nya sa sofa. I know my clothes, I said sa 2nd drawer lang siya pwede magtingin but I guess naraid din pati damit ko. She looks good in it though so kunwari nalang di ko napansin.
"Hey Elise, anong size ng paa mo?" Tanong ko habang ibinubuhos niya yung tsaa sa teacup.
"hm? 38, why?"
"I don't think bagay yung high heels mo sa get-up mo, may shoes sa may cabinet sa may pinto, kunin mo na kapag may nakita kang kasize mo. " Offer ko at napangiti siya. She passed me the teacup. The tea is the white tea, mild and sweet, and perfect ang temperature at ang timpla.
"Aren't you spoiling me with freebies? Para sa isang tao na di ko kilala, you sure is nice." Paalala niya at napamura agad ako sa isip ko. Shit! Nakalimutan ko pala magpakilala kay Elise!
"Emory Nathan--N-e-i, yung Neithan." Uminom lang siya ng tyaa bago niya nilahat ang kamay niya sakin. A gesture for handshake.
"Elise, but most calls me Lis." Tinitigan ko lang yung kamay niyang naghihintay ng handshake ng ilang sengundo bago naisip kung anong gagawin ko.
"Well," Napangiti ako ng marahan at kinuha ang kamay niya tsaka hinalikan ang likod ng palad niya. It smells like Jasmine and yung bathsoap ko...i guess natural scent niya yung jasmine? "It's my pleasure to know a beauty."
"Pfft enough with flattery, mauna na ako." Inagaw niya kamay niya bago siya tumayo dala yung totem bag na may sunflower design--probably hinihiram niya rin but nakalimutan ng ipaalam.
"Awwww, kakaupo ko lang though? Di mo ako sasamahan? Elise you're making me sad and lonely~~" Nagmaktol ako na parang isang bata at she chuckled cutely pero hindi na umimik pa. "Eliiiiseee~~" I whined even louder para maparinggan siya nung wala akong natanggap na replies. Hindi ko pa naririnig yung front door na bumukas so she's definitely still inside.
No, I'm not being a spoiled brat, I'm 27, hindi isang bata na iiyak kapag di nakabili ng kendi sa tindahan. I just found myself enjoying talking to her kahit wala talaga kaming topic. It is fun flirting with her, hindi siya nagfiflirtback but her body language and her eyes and lips does the bidding for her.
Her flirting don't require words.
Frankly kakaupo ko palang but one whiff ng Jasmine scent niya and konting casual chatting--introduction lang nawala na stress ko sa karen at toxic marites co-workers ko.
"I have to go home, who knows maybe bukas andito ulit ako, to return..."her words trailed off at bago pa magprocess ang kahit ano sa utak ko, my head was tilted up and something soft and intoxicating touched my lips. For a second nakalimutan kong huminga. "...the clothes and shoes." Bulong niya sa labi ko.
The moment our eyes met I blabbered something na for some reason, hindi ko alam kung saan galing. "I'm married."
'used to.' I don't know why pero nastuck sa lalamunan ko yung dalawang common words na yon.
Napangiti lang siya bago siya tuluyang lumayo.
"Yup I know. Natagpuan ko yung wedding ring sa may cabinet mo--it was unintended, nahulog e." Paliwanag niya. Naglakad siya papuntang pinto at pinanood ko langnsiyang buksan ang lock. Bago siya tuluyang umalis tumingin siya sakin sa huling sandali at may sinabing naging dahilan ng di matanggal na ngisi sa labi ko.
Ah, her temptations are the best!
"As long as di malalaman ng misis mo na hinalikan kita, it should be safe for another kiss right?"
BINABASA MO ANG
The Alcoholic Way to Fall inLove
Roman d'amourElise Madrigal is just a simple office worker with both beauty and grace, wanders and meet Emory, a handsome and talented bartender offering her a cup of flirting, and a glass of cocktail on rocks