G L A S S 4

6 2 0
                                    

E L I S E

"Pak!" It took me 3 seconds para madama yung sakit, hapdi, at init ng sampal ni Mom sa pisngi ko. It might aswell had been scratch dahil sa haba ng kuko niya.

"Elise, I told you to behave! Anong ginawa mo kay Mr. Morales last night?! Inulan nya ako ng reklamo about you!" Sigaw niya sakin at hindi ako kumibo or gumalaw sa kinatatayuan ko.

I came home and the first thing I receive is not a worried question kung nasan ba ako at bakit hindi ako tumawag, kundi isang malakas na sampal at sigaw.

"Ano Elise?! Nasan yang lakas ng loob mo?! Sagot!" Sigaw niya sakin na kahit yung mga katulong napatalon ka kaba. Psh. What a joke, sumagot ako or hindi I'll still get a slap.

"Akin na lahat ng gadgets mo." Napataas ang kilay ko sa demand niya.

"And why should I?" Tanong ko na nagsisimula ng mayamot.

"Ganyan na ba kawalang kwenta laman ng utak mo? I'm grounding you!" Napairap ako at pumunta nalang sa kusina. Nagsimula siyang tumalak na parang isang manok pero hindi ako nakinig sa maski isang salita sa lectures niya. Uminom lang ako ng apple juice.

"...parehas kayo ng mama mo! Akala mo santa pero sa totoo kung sino-sino ang kasiping!"

'Crash!'

Hindi ko napigilan ang sarili kong ibato ang baso sa direksyon niya at natigilan siya sa mga sinasabi niya.

"If you disdain me, go, kahit gawan mo pa ng libro wala akong pake. But if idadamay mo dito si mama then I hope you know na kaya kitang ipatanggal sa mundo ng showbiz...MOM."Mariin at malamig ko siyang binalaan bago ako dumiretso ng kwarto.

Seriously, I feel like Cinderella, with a twist. Nawalan ako ng ina sa murang edad, nagpakasal muli si papa and magkaroon ako ng stepmom at isang step sis na kaedad ko lang din. And twist is, hindi nila ako pwedeng apihin dahil in terms of connections, assets and wealth, mas lamang ako. Perks of being the first child and bloodline.

I'm still on the top of the family pyramid. Well, not that I care, if I fall out of it then lalayas ako then go elsewhere, ayoko naman talaga dito. Kahit sino aayaw sa ganito!

'bzzt' 'bzzt' 'bzzt'

Tiningnan ko lang ang phone ko na magvibrate at ang unknown number na magflash sa screen. Ughh...what's with the worse timings? I'm not in the mood para makipag-usap sa scammers about winning from Willie Revillame!

'bzzt' 'bzzt' 'bzzt--'

"Sorry but wala akong sinalihang promos or nagregister so stop with the schemes about kung pano ako nanalo ng 50,000 peso mula sa kay Kuya Wil or kung kanino mang Attorney." inunahan ko na ang operator bago pa ako nito batiin ng congratulations. Wala ako sa mood para ientertain sila.

"Woah baby chill, I know you're hot, no need for demonstrations!" Nakilala ko agad ang suaveng boses mula sa kabilang linya at nanlaki ang mata ko at napaupo ng diretso ng marinig siya. Shit! Si Emory pala!

He chuckled deep and husky sa kabilang linya and with no lies, a chill went down my spine as if narinig ko yon personally right in my ear! "Nadama ko badmood mo, are you okay Elise?"

"Ah? yup, okay lang ako...Do you need anything?" Tanong ko and once again, he chuckled.

"Wala naman, just testing out if number mo talaga yung iniwan mo sa post-it note sa libro ko. That was sneaky, di ko inakalang iiwan mo yung number mo like this." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Sneaky? Iniwan ko yung note sa pinakaobvious na lugar though?" Sabi ko pabalik.

"True, nice kissmark by the way." Puri niya, probably talking about the kissmark ng lipstick ko sa post-it na iniwan ko. "But I think the kissmark looks better on my lips, ano sa tingin mo?" Napairap ako sa sinabi niya in a playful manner.

"Really? Try ko next time, gusto mo?" I flirted back.

"Oh no need sweetheart, I'll do the moving here and you just need to sit tight, beg for it, chant my name and feel pleasure."

The flirting continued like a rally, hindi kami pumapayag na masapawan or hindi makabanat pabalik. It was...a really dirty conversation, and parehas kaming adult so hindi kami umastang painosente. Para sa isang lalaking kasal na, hindi ko maintindihan kung bakit niya pinipiling makipagflirt sa iba.

Is he planning to make me a homewrecker?

If he plays his cards right, I'll be HIS homewreck.

Masama na ba ako to be okay na maging kabit?

Not really.

I'm just letting him lead me.

"maam, pinapatawag po kayo ni ser sa opisina niya..."Ani ng servant mula sa likod ng pinto. Inilayo ko agad ang cellphone mula sakin bago sumagot sa kanya.

"Okay, you may go now!" I ordered at narinig ko ang mga yabag ng paa papalayo ng kwarto ko.

"Got called? Someone's in trouble for being MIA last night oooo~~" Pananakot ni Emory mula sa kabilang linya with the iconic na 'ooooh' ghost sound effects.

"Pfft, for someone na nasa shift as a bartender sa Aetherius I can't believe may time ka pa for flirting sa tawag either."

"Elise naman, just appreciate I find you more important than extra cash," Pangungumbinsi niya. "its more fun like this, I got to bail from work because tumawag 'parents' ko and I still get payed. Diba? easy money!" Napairap ako kahit hindi niya kita. He was a fun oddball. Para akong nakikipag-usap sa teen, kahit walang kwenta ang usapan its still enjoyable.

"Gotta go, mamaya uminit pa ulo ni Dad so bye--"

"No Iloveyous' dyan, Elise?"

"And why would I?"

"Because you love me~"

"Oh please, di kita gusto noh."

"You kissed me though?"

"Returning the favor para sa kiss sa forehead kaninang umaga, bye."

Pinatay ko na ang tawag bago niya pa magawang pahabain ang topic. Lumabas ako ng kwarto papunta sa opisina ni Dad ng may ngiti sa labi.

Love? Like? Bet palang kita, kaya kumalma ka

×××
×××
A week passed solemnly and di kami nagkatawagan ni Emory ulit, di rin kami nagkita pa. we're both busy by our lives, and its not like may reason kami para tumawag. True namimiss ko ang boses niya but I actually miss the boulevardier drink more.

"Uy, Lis okay ka pa?" tanong sakin bigla ng co-worker ko.

"Hm? Syempre naman! Mukha ba akong di okay?" Tanong ko pabalik at nagkatinginan sila bago napagdesisyonang magsalita.

"Isang linggo na kasing puro beer binibili mo sa 7/11 kapag lunch, baka may problema ka, Lis andito lang kami para makinig." Paliwanag ni ate Rhea at agad kong naintindihang may misinterpretation na nagaganap.

They thought dahil puro beer ang binibili ko sa lunch, may problema ako. kaya lang naman ako umiinom is to find something na makakapagpawala ng isang linggong aftertaste ng Boulevardier sa dila ko. So far unsuccessful akong tanggalin ang both lasa at ang cravings ko para sa inumin.

"Okay lang ako Ate Rhea, gusto ko lang talaga uminom."Nakangiti konh saad para mapaniwala sila.

"Is that planning to walwal ang nasasagap ko? Sama na ako ah." Mabilis na tugon ni Kuya Felix habang nakangisi. He is someone in his mid40s at may hobby na tinatawag niyang 'liquor hunting'. He is very alcoholic and kabisado niya ang proper etiquette and ang 101 ways of drinking.

He is single.

Obviously.

"Kuya felix, ang liquor aftertaste ba ng cocktails naglalast ng one week?" I feel dumb for asking an obvious question. Syempre hindi. But the taste of the boulevardier won't leave my mouth kahit nakailang gargle na ako ng Listerine.

Tiningnan niya ako na parang nahihibang na bago sumagot. "Syempre hindi! Aftertaste lasts for an hour or so pero hindi days. If lasap mo parin edi...cravings yan hija."

Napangiti lang ako bago bumalik ang mata ko sa screen ng computer at bumalik sa pagtatrabaho.

Guess I have a worthy excuse now para bumalik sa bar?

The Alcoholic Way to Fall inLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon