I don't give second chances. Period.
If there's one thing I am so sure of, that is the fact that when people do you wrong, you damn punish them! You rear your head up and become the greater evil. You straighten your horns and fight!
Because once they did you wrong, they will do it all over again if you made the mistake of forgiving them.
Kaya naman noong pinayagan na ako ng yaya na bumalik sa school, pagkakita ko palang sa mukha ng antipatikong presidente ay talaga namang nagtayuan lahat survival instincts ko. My invisible tail reared up in preparation, expecting an apology.
Yes, it has been almost 2 days since nangyari ang mga nangyari, and yes, some might have forgotten it, but.. I haven't. I don't. I won't.
Nakatingin siya saken at animo'y inaantay ako na makalapit sa kung nasaan siya. His face looks impassive, without any hint of any lingering anger after I scared them senseless with my motorcycle. And given the space from where he stood and mine, kitang kita ko ang buong mukha niya.
Ang pangit niya. Mukha siyang tipikal na model ng isang pabango. Yung buhok niyang bagsak at maitim ay nakatabon ng kaunti sa kanyang mukha dahilan upang lalong mapa-igting ang pagiging misteryoso ng kanyang aura. Ang matangos niyang ilong at ang namumula niyang labi, na pinaresan ng medyo makapal na pang-ibabang parte ay lalong nagdepina sa angkin niyang kapangitan. Sa sobrang pangit niya ay napapansin ko na ang tumbok ng kababaihan na nakatingin sa gawi ng presidente at nagbubulungan na animo'y mga langaw na nakakita ng tae.
He's so damn fine kaya lalo akong nabadtrip. I can't even believe that I'm distinguishing his key features.
Unfortunately, of all the unfortunate things in this world, doon pa siya tumambay sa mismong lugar na dadaanan ko para makapasok sa first subject ko.
This damn looser.
Akala niya ba pag magsorry siya, papatawarin ko siya? Yuck! In his motherfucking dreams! Mamamatay muna ako bago ko siya mapapatawad!
Magkakandabali muna ang mga buto niya at ng jowa niya bago ko tatanggapin ang mga sorry nila! I will never, ever in the duration of my whole life accept an apology from any of them! Gagawin kong miserable ang mga buhay nila, then, and only until then will I judge if I've done enough.
My eyeballs automatically rolled in derision. Sa sobrang gigil ko ay halos mahilo ako sa taas ng inirolyo ng mga mata ko.
I flipped my hair again before taking my eyes off the mongrel. Saktong lumipad iyon sa mga basketball player na nagsisilakad din habang nagdidribble ng bola marahil ay papunta sa kanilang practice game. They were talking rather animatedly, maya't maya ay magsisitawanan ng malakas na para bang sarili nila ang mundo.
Ugh! The irritation!
Ayoko na nga sa taong nasa harap ko, ayoko pa din sa mga paparating. Andami kong ayaw sa mundong to at kung pupwede lang ay sininghalan ko na silang lahat para magsitahimik. But then, I remembered Lolo Loric's new policy which ruined my mood even more.
I can't. I don't have my powers now. If I made an attitude, they might call on me and worse, they might accuse me of power tripping. And since the damn President is right in front, malamang ay papanig siya sa mga ulol.
Sa sobrang badtrip ay mas lalo ko nalang na binilisan ang lakad ko. Kahit halos magkatapi-tapilok pa ako, hindi ko na iyon ininda bagkus ay nagkusa na akong maglakad ng mabilis makaalis lang sa malapit sa kanila.
I am so tense, my fingers are itching to claw at their fucking faces. Gustong-gusto ko na silang saktan na pakiramdam ko ay namumula na ang leeg ko sa sobrang pagtitimpi.
BINABASA MO ANG
The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)
Romance"What if the kontrabida fell inlove with the bida?" Lumierre Helena is a bitch. Being an heiress of an International School made her so. But her life was suddenly turned out of its orbit when the Supreme Student Government President won't bow down t...