TWENTY-TWO - THE START OF SOMETHING NEW

625 32 28
                                    

"D-dad.."

Tumaas ang kamay ko para kapain ang nasaktang pisngi habang umaagos ang matatabang luha sa aking mga mata.

I know daddy had changed. But I didn't.. I can't believe that he has actually crossed the line of hurting me. Dati, ako lang ang tampulan ng masasakit na salita, pero ngayon, nagawa niya na akong pagbuhatan ng kamay.

Lumipat ang tingin ko. Nakatayo si mommy sa malapit, nakatingin pero walang ginagawa. She too is crying non-stop.

"Anong ginawa mo?!" His voice thundered loudly encompassing the whole condo. Galit na galit at halos namumula na ang paligid ng kanyang mga mata. He was shaking maybe because of the desire to hurt me more.

"Daddy.. w-what are you--?"

"Nag-iisip ka pa ba, ha Lumierre?! Pinapairal mo pa ba yang bobo mong utak? Paanong nagawa mong magpakidnap ng isang tao, ha? Halatang-halata ang ugaling nakuha mo sa tatay mo!"

"A-ano po?"

Tumayo ako saka naglakad papalayo sa kanya dahil sa takot na baka mapagbuhatan ulit ako ng kamay. Daddy is not a small man. Matangkad siya kaya naman masakit din kung ibibigay niya ang buong lakas niya, kagaya ng kanina.

"L-Lorde.. t-tama na. Hindi ito.." That was mom. Sa wakas ay nagsalita na rin siya pero para lang pala pigilan ang gustong sabihin ni daddy.

Still, dad continued. Hindi na siya mapipigilan ngayon. He was so angry that he doesn't care about the consequences of his actions.

"Ano Helene. Tama ngang ngayon niya malaman ang katotohanan diba? Na isa siyang bastarda!"

"Lorde!"

Lumipat ang mga mata ko kay mommy at nakita kong bumakas ang kahihiyan doon. She can't look at me in the eye. She wouldn't. Tumungo siya at hindi na sinundan ang pagpipigil kay daddy.

I slowly expelled a shaky breath as my mind started it's endless thinking.

Bastarda. If I'm not mistaken, that should mean that I am not daddy's daughter diba? That I am someone else's kid.

"Mom, a-ano pong ibig sabihin?" Untag ko para marinig mula sa mommy ko mismo ang katotohanan ng bagay na to. I need to hear her side of the story, if I am not really daddy's girl. Kung kanino ako. Kung ginusto ba ako, o hindi. Kung ano ngayon ang dugong nananalaytay saken.

It was a big shock but I'm taking it with dignity.

"I-I'm sorry Lue.. sorry anak." She cried.

I lost all color in my face as I hear the truth in her apology. She did not admit it but her sorry is enough witness. Alam kong namutla ako dahil sa binunyag nila saken ngayon. Ngayon pa na ang dami-dami kong iniisip. Ngayon pa na halos hindi na ako magkandaugaga sa bigat ng dinadala kong problema.

Nagbaba ako ng tingin.

Kaya pala biglang nag-iba si daddy. Maybe that was when he found out that I am not his daughter. Kaya pala umalis si kuya. Siguro hindi niya ako kayang makita dahil ako yung simbolo ng kataksilan ni mommy. Kaya siguro galit na galit siya sa dalawa. Siguro pati na rin saken, pero ayaw lang aminin.

It hurts. Matigas ako pero sa kabila ng katigasan ko, mahina pa rin. Masakit pa rin. Sa pagkakataong to, nauna nang sumugod yung sakit kaya hindi ko na naprotektahan ng yelo ang damdamin ko. Hindi ko na natawag yung galit para pangunahan ako.

Nagsipag-unahan na ang luha na kumawala.

"Sorry po." Mahina kong tugon. "Sorry dad. Sorry."

"Tayo." Matigas niyang saad sabay hila sa braso ko. I felt my bone snap but I didn't pay it any heed. Masakit pero mas masakit dito sa dibdib. Ang malaman na hindi ka anak ng taong tinuring mong magulang.

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon