SIX - EVERY MALDITA HAS HER OWN KAHINAAN

528 23 3
                                    


I'm hungry.

Ibinaba ko ang dalawang paa ko na nakataas sa mahogany table ni President at saka ako naglakad papunta sa pinto.

I have to get out of here. Hindi ako papayag na gaganun-ganunin na lang ako. I am the future owner of this school for pete's sake! Sino ba naman yang President na yan para matakot ako sa kanya, diba? He's just a nobody! Nothing!


I put my hand on the knob and breathed.


Wala man lang ba silang balak na pakainin ako ng lunch? My god, thirty minutes na akong nakatanga dito! Gutom na gutom na ako..


Kinagat ko ang labi ko at saka naiiritang tinitigan yung doorknob na hindi ko naman pinipihit.


Nakakainis naman kasi. Bakit ba ako lang yung pinarusahan?


Krizila and Jace were also doing the PDA thing kanina pero wala maski isang officer na dumating para i-detain sila.


Unfair! Life is so fucking unfair!


Nagpakawala ako ng naiiritang hangin noong biglang tumunog ang tiyan ko. I haven't eaten my breakfast too, that's why I'm so freakin hungry.. ugh.. darn it.



Itinuktok ko ang ulo ko sa matigas na pader ng pinto ng paulit-ulit.



Punyeta, bakit ba hindi ko mapihit-pihit tong doorknob na to? Ano bang nagpipigil saken?


I can easily get out of here you know!

"I wanna eat. I wanna eat. I'm so hungry. I wanna eat." Paulit-ulit kong litanya. "GUSTO KO NANG KUMAIIIIN!"

Ouch, damnit!


Napakurap ako noong biglang bumukas ang pinto at kumalabog iyon sa ulo ko. Like, not the soft kind of boom, but a hard kind of boom. Yung sigurado magkakabukol ako mamayang hapon.


"WHAT THE FUCK!?" Galit kong sigaw sa bagong dating. Nanginig agad ang kamay ko sa kagustuhang makaganti sa kung sino mang hudas na may lakas ng loob na manakit saken!



Sumilip ang walang emosyong mukha ni President sa pinto--- saktong nakanganga ako at namumula sa galit.



"Woops." Simple niyang saad ng hindi man lang humihingi ng tawad.


This asshole. Ang sarap namang bumawi at isara rin ng malakas ang pinto para mag face-plant sa kanya. For sure babakat yung drawings at yung sculpture. Mukhang matigas na kahoy pa naman tong ginamit dito.


"Anong woops! Anong woops huh?! Hindi ka man lang ba magsosorry? I was hurt!" Singhal ko habang hinihilot ang sariling noo.


Masakit naman talaga e.

Tinapunan niya ako ng nanunuyang tingin bago humakbang papasok at isinara ang pinto sa kanyang likuran.

"Why would I say sorry if you were hurt because of your own stupidity?"

Wha--? I can't believe him! Nanlilisik ang mga matang sinundan ko siya ng tingin.


Nagpatuloy siya. "Sinong normal na tao ba ang pupwesto sa likod ng pinto? You know people come and go using that."



"E hindi ko naman alam na darating ka ngayon mismo!"


"That's the point Highness, hindi mo alam kung kailan darating ang isang tao. Kaya wag kang pupwesto sa lugar na alam mong delikado."

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon