"Hello!? Earth to Lumierre!"
I blinked, startled from the sudden blaze of the sun on my face. Tumambad sa harapan ko ang iritadong mukha ni Nessi na nakapamaywang pa.
Naguguluhang inilinga ko naman ang paningin ko sa paligid.
"You're spacing out again girl. Anong nangyari kagabi ha?"
Napalunok ako. "W-what?"
"Tsk.." Pumalatak siya bago naupo sa may bermuda sa lamayong gilid. Wala sa sariling pinipitas niya ang mga dahon noon saka niya isasaboy sa kawalan. "Ang weird mo kanina, alam mo yun?"
Kanina..
Shit. My mind suddenly rewired the events that happened just a while ago, the reason why we are both here in the oval, instead of attending the Flag Ceremony.
I was talking to Juaneza by the door of our room at about 6:45 this morning. Actually, she was talking to me. Nakanganga lang naman ako nun sa kanya at wala sa sariling pinapakinggan ang mga kuda niya tungkol sa kung anu-ano noong biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.
Ang totoo niyan, hindi ko rin talaga maintindihan kung 'bat ko nagawa yun, or kung anong kaweirduhan ang sumapi saken bat nangyari yun, pero---
I saw the President enter.
I was in fact thinking about him. About what he said last night. About how he suddenly made me feel so ... I don't know.. parang too much. I felt like my crush for him does not even equate to his intensity, kasi ang intense niya talaga noong gabing iyon. Naoverwhelm yata ako.
Tapos bigla siyang sumulpot sa paningin ko, at para bang nagpanic bigla yung buo kong pagkatao sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Hinigit ko si Juaneza at walang lingon-lingong dinala siya sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Which turned out to be here.
Ugh. Parang gusto kong kaltukan ang ulo ko dahil sa sariling kabaliwan!
I even told him that I'm not playing.. that I genuinely like him, tapos ngayon..
Tapos ngayon, bakit ang dating e parang iniiwasan ko siya? What the heck is wrong with me? Really?!
"Gaga, hindi ko na nagugustuhan yan." Biglang may bumatok saken kaya kunot-noong binalingan ko ng masamang tingin ang kasama ko saka siya sinimangutan ng matindi.
"Lintek ah!" Singhal ko.
"Puro ka tulala e! Natatakot na ako!"
I stared intensely at Nessi, weighing the possibilities in my head.
Should I tell her? No.. wag na lang. Guguluhin niya lang ang utak ko pag nagkataon. I don't need chaos now. What I want is to better understand myself. And my deeds.
"Wala to. Nag-away kasi kami ni Daddy kagabi." Kunwari kong rason.
Nalukot ang mukha niya pagkarinig ng sinabi ko. "Daddy mo na naman?" Pumalatak siya. "Ano ba talagang nangyari kay Tito? Ang bait-bait niyan dati ah."
Fuck if I know. Kagaya ng sinabi ko dati, we were once a perfect family.. tapos kasabay ng avengers infinity war, pag-snap ni Thanos sa gauntlet niya, nagsnap din ang katinuan ni Dad.
Umiling-iling ako.
"Anong alam ko sa laman ng utak nun. E parang demonyo na yun ngayon, minana ko nga e."
Tumayo ako saka marahas na sinipa ang sementadong bleacher. Halos panlisikan ko ng mata ang bagay na nasa harap ko dahil sa matinding iritasyon.
"Si Tita Helene kaya, napansin niya rin?"
BINABASA MO ANG
The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)
Romance"What if the kontrabida fell inlove with the bida?" Lumierre Helena is a bitch. Being an heiress of an International School made her so. But her life was suddenly turned out of its orbit when the Supreme Student Government President won't bow down t...