THIRTEEN - I HATE YOU

550 26 16
                                    

"Hey!"

I whirled to find Nessi behind me, looking ready to kill. Busangot na busangot ang mukha niya at para na siyang malalagutan  ng pasensya habang pinapasadahan ako ng tingin.

I smiled sweetly. Because nothing can beat the happiness I have.

Napatda siya nung makita ang ngiti ko. She looks disorriented. Para siyang nasapol ng two by two na kahoy sa ulo at nawala sa katinuan.

"Lumierre may sakit ka ba?"

Tumaas ang kamay niya at ipinatong ang likod ng palad sa aking noo. Kinuha niya rin yung kaliwa at tinapat sa kanyang sarili, pinagkukumpara ang temperatura namin.

Tinabig ko iyon bago umirap ng matindi. She looks baliw to me.

"Gah. Are you crazy?" I asked bitchily. I turned around and started walking back to the classroom with my rubber shoes making slight noises on the floor.

Pumalatak siya. "Ako pa? Ako pa yung crazy, e ikaw yung bigla-biglang nangingiti? Wow naman sayo ha." Hinawakan niya ang kamay ko saka ako pwersahang pinigilan. "At matanong nga kita Lumierre.. saan ka nagsususuot nitong mga nakaraang araw at palagi kang wala?!"

Sinamaan ko siya ng tingin, pero sa halip na maduwag, lalo lang ding tumapang ang mukha niya. Nyemas na to! Palaban!

Tumikhim ako, pinaglalaro ang mga daliri sa aking kamay. "I'm just.. uhmm, busy?" Nagkibit balikat pa ako na parang hindi big deal iyon.

Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon. She still looked suspicious. Ibinaba niya pa sa kanyang ilong ang reading glass na nakalimutan niyang tanggalin saka ako tinitigan ng mariin.

"Busy with what?" She asked.

I put my hands in the air, exasperated with her questions. "Ugh! Come on! Do you really have to know everything!? Sino ka ba, you ain't even my friend!"

Tumalikod na naman ako pero pinigilan niya parin. I groaned now, totally frustrated.

"What? What? What?!" Galit na sigaw ko. God! She really know how to push my buttons! Nakakairita talaga siya kahit kailan, noon mapahanggang ngayon!

"I know, okay?" Singhal niya. "Hindi mo ako tinuturing na kaibigan, pero nag-aalala ako para sayo! Hindi normal na bigla-bigla kang nawawala!"

"I don't need your worry! I'm perfectly safe."

Humalukipkip siya, ayaw paawat. "Kaya nga sabihin mo kung saan ka naglalalagi. Tapos yang mga weird mo pang ngiti. Nagdudrugs ka ba?!"

"What?!" Napakurap ako. "Gaga ka?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

I haven't even seen a particle of shabu or ecstasy in my whole life. Tapos drugs daw ang bobitang Juaneza na to! Ni hindi ko nga alam kung saan maghahanap nun!

"E yun lang naman ang posibleng dahilan kung bakit nagiging suspicious ang isang tao e. Umamin ka na lang kasi. Addict ka ba? Sinong supplier mo?"

Sa sobrang iritasyon ko ay kinutusan ko na siya ng malakas para matigil siya sa kanyang mga paratang. Napaka niya! Muntik na sana siyang sumadsad sa semento kung di lang siya nakahawak sa braso ko. Sayang talaga!

Tumunghay siya, lumapit saka ginawa sa akin ang parehong ginawa ko sa kanya. Mas malakas. Feeling ko magkakabukol ako sa bumbunan.

"Impakta ka!" Singhal ko sa sobrang panggagalaiti.

"Mas demonyita ka!" Ganti niya rin.

"Kampon ni Satanans!"

"Satanas!"

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon