TWENTY SEVEN -- DOWNFALL

1K 43 21
                                    

Fine. I'm fine.

I mentally felt for my heart and found it curiously silent.

Unresponsive.

Uncaring.

After the initial shock of seeing Valeria kiss Miah, my body and mind automatically shut itself down to avoid any kind of unnecessary reactions. Kaya naman ngayon ay nagpapasalamat ako sa kawalan ko ng pakiramdam sa mga nangyayari sa paligid.

Nakataas ang kilay na ibinalik ko ang tingin sa dalawang nasa harapan, buo ang loob na panoorin lamang kung ano ang mangyayari. Kaso nga lang, kasabay naman ng paglingon ko ang biglaang pag-atras ni Miah at pagtulak ng malakas kay Valeria palayo. The woman stumbled and almost lost her balance, and if she hadn't stopped herself, she could've flown to the bottom of the stairs!

I gasped in disbelief! Namimilog ang mga matang nagpabaling-baling ang tingin ko sa dalawa habang pinapanood ang mga reaksyon nila. I can't seem to process the fact that he actually did that to his bestfriend!

He untwined our fingers so that he can bring the back of his hand to his lips to wipe the kiss away. Nakakarga kasi yung kaliwa niyang kamay sa katawan ni Macky kaya hindi niya iyon maigalaw.

May bagyo sa kanyang mukha noong bumukas ang kanyang bibig at kinausap ang nasa harap. "What the fucking hell Valeria?" His voice was modulated but the anger did not go unnoticed. Naglalaro ang mga muscle niya sa panga sa labis na panggigigil.

Maging ang babae ay parang napalunok rin dala ng takot sa nag-aapoy na galit na makikita sa mga mata ni Miah.

She swallowed hard, almost nervously. "I-I've b-been w-waiting for y-you." Nauutal nitong saad. Pagdaka ay bumaling sa akin saka ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa na para bang isang insekto na sinusuri ang halaga.

Sinalo ko ang mapag-alipustang tingin ng walang pag-aalinlangan.

I wanted to take my daughter away from the commotion dahil baka magising ang anak ko, pero ayoko rin namang makisali sa usapan. As much as possible, I also don't want to intrude in their pathetic scene.

Miah sounded frustrated when he spoke to the woman again. Naritong mahuhuli ko siyang nakatingin sa akin bago ibabalik sa kausap niya, na para bang kinikilatis at nag-aalala sa reaksyon ko. "Damn it. Why are you here Val? Alam ba nila Tito na andito ka? Tumakas ka na naman?"

Nalukot ang mukha ng babae. Bumakas ang matinding takot doon. "Kinukulong nga nila ako Luke! I told you--- may masamang balak sina mommy at daddy saken!"

Ano daw? What the hell is this, hindi ko maintindihan..

I heard Miah groan like a pained man. "God. Please.. Don't do this to yourself. Umuwi ka na, okay? It's all in your head."

"Ano? Pati ba naman ikaw naniniwala na may sira ako sa utak? You promised me, Luke. S-sabi mo diba, poproteksyunan mo ako! You said.. "

Sabi daw ba ano? Gusto kong humalakhak sa kainosentihan ng babaeng to. Halatang-halata na walang kaalam-alam kung gaano kasinungaling ang mundo.

Na ang pangako ay ginawa lamang para sirain.

Gusto ko siyang sampalin para magising siya sa katotohanan na walang permanente. Walang panghabang-buhay. Kasi lahat nagbabago at nasisira ng oras.

"I promised nothing to you.." Mahinang anas ni Miah habang hinihilot ang sariling sentido. "Go home Val. I have to put Macky to bed."

"Lucian! Don't ignore me like this!" Hinawakan ni Valeria ang braso ni Miah saka siya nito pinilit na humarap muli. "And why are you even carrying that brat?! Bakit andito yang mag-inang yan?! Pauwiin mo na nga yan!"

The Kontrabida Series #2: LUMIERRE HELENA YURIKO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon