Simula

32 1 0
                                    

Simula

The Confession

"Ano na naman yung post mo?" Bungad sa akin ni Rhian pagkasagot ko sa tawag niya.

Rhian Reyes is one of my college best friends. We are super duper close to each other that she knows how I am stupid with my past relationship, with or without label. Kaya, alam ko na kung ano tinutukoy niyang post but let's act na hindi natin alam.

"Kaaga-aga, Rhian. Ingay-ingay mo." Kumento ko sa sigaw niya. "Ano na naman bang post ang pinuputok ng butsi mo dyan?"

Gusto ko kasing inaasar itong kaibigan ko na ito dahil akala mo manika na nagwawala at ang liit pa ng boses. Kaysa matakot ka sa kanya, mawiwili ka pa kasi sobrang cute niya. Kaya, palagi siyang asar talo sa aming magkakaibigan.

"Yung kakapost mo lang na story na may caption lang naman na "Im available to be your Jowa". Ano? Jowang-jowa ka na naman. Parang kakabitaw lang sayo ni Ken, ah!" Litanya niya.

"Chill! Kaya, tumatanda ka sa ating dalawa, eh!" Pangpipikon ko sa kanya.

"Anong chill-chill, Balmores? Sapakin kita dyan." Pagbabanta niya sa akin.

"Sabing chill lang, Reyes! I'm single. So, I'm available na maging jowa kung sino man dyan even your dear friend, Tristan." Paliwanag ko sa kanya. "Kaya, chill ka na. Your friend is free."

"Ewan ko sayo, Balmores! Sinasabi ko sayo kapag ikaw'y nasaktan na naman. Makita-kita mo talaga ang hinahanap mo."

"Oo na. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. May lakad ako." Paalam ko sa kanya.

"Mag-ingat sila sayo, Balmores!" Sabi niya sabay baba ng tawag.

Nag-ayos na ako para sa lakad ko ngayon dahil may meeting kami sa organization today para sa gaganapin na annual orientation. Nakasanayan na kasi ng organization namin na magkaroon ng orientation sa lahat ng members para magkakilala silang lahat, from freshman to senior accountancy student. Tradition na nga din kung tawagin kasi dito nagaganap ang lahat. Introduction ng mga officers, faculties, and school administration even the federation name. So, need paghandaan ito every year.

Dumiretso na ako sa meeting place namin which is sa isang café dito sa City of Balanga na malapit sa school namin. Madalas kami dito dahil accessible siya sa school and cozy yung place to held a meeting even madaming tao dito. Pagkadating ko nga is halos nandoon na silang lahat dahil ako lang naman pinakamalayo sa aming lahat. Galing pa ako sa Mariveles.

"Good afternoon, guys!" Bati ko sabay lapag ng mga gamit ko sa isang vacant seat.

Bumati din silang lahat sa akin especially yung katabi ko na si Beatrice na close friend ko sa lahat ng officers. Naging close lang kami dahil sa dinala kong sushi platter sa isang class namin. Kung hindi pa sa sushi platter, hindi pa kami magiging close. Nahihiya daw kasi sila sa akin pati sa mga friends ko dahil nakaka-intimidate daw kami. Starting that day, halos di na kami mapaghiwalay.

"Kuya Shane, musta ka na?" Bati ni Bea sa akin.

"I'm doing fine at all. Still pretty na walang jowa." Patawa kong sinabi.

"Makakahanap din tayo ng jowa, Kuya. Tiwala lang. Sa itsura mong iyan opo. Magkakajowa ka ulit in no time." Sabi niya.

"Oo naman. Magkakajowa din tayo very soon. Tiwala lang. Pero nag-order na ba kayo ng foods?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa nga, kuya. Kinda, nagugutom na, eh!" Reklamo niya sa akin.

"Ano pa ginagawa natin? Tara na at mag-order na para makakain na." Pag-aya ko sa kanila.

All Over You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon