Kabanata 2
The Firstborn and Youngest
After that conversation, I didn't expect that na magkakaroon pa kami ng usap kasi usually, hanggang doon lang iyon. Aamin then wala na. It's either nahihiya na magmessage or natatakot na maturndown. Ewan ko ba kung bakit sila ganon.
Sean: Pero do you feel like talking right now? Are you in the mood? Hahaha. Just tell me. I feel like things are happening all of a sudden, and it can be overwhelming. Baka lang you need some time to let things sink in hahaha
Shane: Okay lang Naman po. Sorry late reply. I just need to attend something, immediately. Kaya Di nakapagreply hihihi
Bigla kasing tumawag si mama sa phone. She just inquiring about my grandfather na kasama ko dito sa bahay ngayon. Just checking kung ano ginagawa at kung kumain na ba dahil may katandaan na naman si tatay.
Sean: Its okay. Did you eat na ba?
Shane: Currently eating my afternoon snack hahaha
Sean: Okii, kain ka mabuti.
Sean: Na-coconscious ako pag nag-p-po ka. HAHAHA
Sean: Ako nga ata dapat? I should call you kuya pa nga dapat ehh hahahaha
Shane: I don't know Hahahha it's your choice po opo Hahahha
Sean: Kain ka po mabuti, kuya.
Sean: HAHAHA ganyan baaa
Shane: Ikaw bahala po opo Hahahaha
Shane: Ilaban natin yan hahhaha
Sean: Pero where should I start ba to keep our convo going. We literally know nothing about each other. Hahaha.
Sean: Wala po bang pa-syllabus diyan? HAHAHA
Shane: I'm definitely sure po na there is no syllabus for that hahaha
Shane: And I don't know where to start too hahhaha
Shane: Sorry maybe matagal magreply hahaha Nanonood ng The Good Doctor hahaha
Habang magkausap kasi kami, nanonood ako ng The Good Doctor para double time. Nakakausap ko siya habang natatapos ko yung series. Edi madami akong nagagawa sa isang oras, diba?
Sa hindi ko malamang dahilan, nakatulog ako habang nanonood. Maganda naman yung series dahil about sa medical stuff na kinakatuwa ko due to dream ko maging surgeon before. Pero natatakot ako kumilos kapag may nakataya na buhay. Baka kasi mapatay ko yung taong ooperahan ko. Kaya, nagreply na lang ako kagad pagkagising ko.
Sean: Let's just go with the flow nalang hahaha
Sean: It's okay! Nood ka lang diyan. Nanonood din ako right now, Penthouse hahaha
Shane: Hey good evening. Kakagigising ko lang. Nakatulog habang nanonood.
Sean: Hi! Aww. That's nice. Sarap tulog mo?
Shane: Kinda kung Hindi lang nagsisigawan Yung kapitbahay hahahaha
Nagising lang ako sa sigawan ng kapitbahay namin. Sobrang lakas ba naman ng boses nila. May batuhan pa ata na nangyayari opo. Sarap batuhin yung bubong para magsitigil sa ingay.
Sean: Hahaha abala naman sa pagtulog non.
Shane: Siyang tunay hahahaha
Shane: Nagsisigawan pa rin Sila until now hahaha
Shane: Hindi ba sumasakit Ang lalamunan nila hahaha
Sean: Wowww. Ang haba ng script.
Shane: Daig ba si Bea Alonzo sa four sister and the wedding.
BINABASA MO ANG
All Over You (On-Going)
Fiksi Umum1 of 3 Over Books Shane Balmores is just asking for a partner who he can love and be loved. Unexpectedly, heaven answered his prayers by giving him the best partner he could have, Sean Tenorio. Sean is an achiever in his class and known for being mu...