Kabanata 5

2 0 0
                                    

Kabanata 5

Miss me?

"Sana makapasa tayo." Sabi ni Cath paglabas namin ng examination room.

Kakatapos lang namin magtake ng qualifying exam dito sa review center. Nakakaba kasi di ito nakasalalay ang kapalaran namin as accountancy student. Kung hindi, lilipat na naman kami ng school kapag nagkataon.

"Tiwala lang na makakapasa tayo." Sabi ko sa kanya kahit wala akong tiwala sa sarili ko.

Wala akong tiwala sa sarili ko dahil medyo nadalian ako sa exam namin. Lahat ng answer ko is nasa solution. Kaya, nagdududa ako ngayon kung tam aba yung pinaggagawa ko. Stress.

"Ikain na lang natin ito." Sabi ni Cath. "Tara na."

Nagpunta lang kami sa grocery para bumili ng ice cream dahil wala kaming gana kumain ng meals ngayon. We just need ice cream to calm ourselves. Ice cream is the best comfort food after any exam.

"Saan tayo lilipat na school kapag di tayo pumasa?" Sabi ni Cath pagkaupo namin sa isang bench dito sa Doña Francisca.

"Hindi ko alam. Late na tayo sa other school. Saan pa ba pwede?" Tanong ko din sa kanya.

Hindi ko din kasi alam saan lilipat dahil nagstart na yung other school na malapit sa amin. Yung school lang naming ang magstart ng September and the rest is June, July and August nagstart. Stress talaga kapag di kami pumasa.

"Wala din akong alam dahil nagstart na din yung sa Pampanga, eh! Tapos mag-aasikaso pa tayo ng paper." Sabi ni Cath.

"True. Katagal pa naman magrelease ng document." Sabi ko.

Mabagal kasi magprocess ng documents yung registrar. Kaya, yung isa kong kaibigan hindi nakalipat sa SLU sa Baguio due to the documents. So, paano pa kami makakalipat nito? Award.

"Hayaan na nga natin. Bahala na si batman. Kain na lang tayo." Sabi ni Cath sabay lantak ng ice cream niya.

Into my shock, I received a message from Sean in Instagram, a reply on my story. Its been one week since the last message I got from him. Hindi ko alam kung anong nangyari but we are okay naman before niya akong hindi kausapin. Kaya, kagad ako nagreply sa kanya.

Sean Tenorio: I hope you did well on your qualifying exam. Im rooting for you!

Shane Balmores: Yah! I hope so too. Bukas pa ang release ng result.

After that message, wala na naman siya. Ang galing talaga niya. Award. Ginigigil ako. Hayaan na natin.

I luckily passed the qualifying exam dahil 50% of the exam ang cut off and 72% ang nakuha ko. Hindi ko nasabi kay Sean dahil hindi nga nagmemessage ang lalaki.

"Anong oras tayo mag-eenroll?" Tanong Cath sa kabilang linya.

"Tomorrow. Kapag hindi pa tayo nakapag-enroll bukas, malalate tayo." Sabi ko.

"Sige. Bukas, 9am tayo." Sabi niya.

"Sure yang 9am mo na yan?" Paninigurado ko kasi madalas late ito.

"Yes. Baka mahaba ang pila bukas. Last day of enrollment." Sabi niya.

Magpapaalam na sana ako sa kanya ng biglang magtanong ang babae tungkol kay Sean dahil wala na daw akong nakwekwento sa kanya. Napagaling talaga ng babae na ito na makahalata opo.

"Nga pala, bakit hindi ka na nagkwekwento tungkol; kay Sean? Mga two weeks na yung last." Sabi niya. "Nagkakausap pa ba kayo?"

"Hindi na. Kaya, wala akong makwento sayo kasi di na siya nagmemessage sa akin." Sabi ko.

All Over You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon