Kabanata 4

5 0 0
                                    

Kabanata 4

The Señorito and Businessman

"Good morning, Balmores!" Panggigising sa akin. "Gumising ka dyan."

Patuloy na panggigising sa akin ng kung sino man itong hinayupak na ito. I need some rest from a tiring week. Saka hindi naman ako nagpapagising ngayon. Wala naman akong gala ngayon or schedule. Bahala siya dyan.

"Tatayo ka dyan or isusumbong kita kay tita na may kausap ka na naman na lalaki?" Pagbabanta nito.

Napatayo ako ng wala sa oras. Hindi pwede malaman ni mama or kung hindi magkandaletche-letche na naman ang buhay ko nito. Just like happened to my relationship with Justin, last two years ago. Into my shock, its my guy bestfriend ang taong istorbo sa tulog ko, si Christian Earl Dominguez.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya.

As far as I know, wala siya dito sa Bataan dahil he is currently staying on Davao due to his family. So, how come na nandito siya ngayon sa kwarto ko. Baka inaantok lang ako.

"Kapag natulog ka pa, humanda ka kay tita." Pagbabanta nito. "Bumangon ka na para makapagreply ka na sa bebe mo na hindi mo nakwento pa sa akin. See yah at the dining."

Bago pa ako magreact sa kanya, nakalabas na siya sa kwarto at naiwan ako na may pagtataka sa mukha. How did he knew na may bago akong bebe? Bigla na lang ako napatingin sa side table ko kung nasaan ang iPad ko with notification ng message ni Sean kaninang 12:30am.

Sean: Hey! Sorry for hitting you up at this hour. I just want to say, I kinda miss talking to you. I wanted to message you these past few days pero baka you're still enjoying the time with yourself. So 'yun.

Now, I know kung bakit. It's almost a week since the last talk naming dalawa dahil wala ako sa mood makipagchat sa kahit na sino even my friends. I don't know bakit may episode ako na ganto ako, ayaw at tamad na tamad makipag-usap. Siguro sa pagod ko nung Monday after the review and gala.

Before ako mag-ayos ng sarili for the day, I quickly replied to the person dahil nahihiya ako kasi siya din yung last message from last conversation. Sineen ko lang talaga siya.

Shane: Hey! Good morning! I don't mind if you chat me anytime you want.

Pagkadating ko sa dining, nakaprepared na ang lahat sa table from spoon and fork to dishes. Lumalaban ang best friend ko. Pwede na itong mag-asawa.

"Ang dami ata natin budget, ah!" Puna ko sa mga niluto niya.

"Oo naman. Kakagrocery mo lang ata, eh." Sabi niya.

"Ha? Don't tell me niluto mo lahat ng laman ng fridge?" Sabi ko sabay check ng fridge. "Nakakaasar ka. Grocery naming yan until next week."

Nakakagigil. Sarap sapukin. Lagot na naman ako kay mama nito kapag nagkataon. Napagaling talaga nitong kaibigan ko na ito, eh.

"Sorry. Akala ko yumaman ka na." Sabi niya sabay peace sign. "Kumain na lang tayo."

Wala akong choice kung hindi kumain ng mga niluto ng bruhildo. Niluto niya yung mga nuggets, ham, bacon and tapa. Meron din fried rice and waffle with strawberry , maple and chocolate syrup sa lamesa. Hindi macocomplete ang set kapag walang brewed coffee, orange juice and milk. Napaka galing,

Tahimik lang kami kumain ni Ian kasama si tatay. May interview na nangyari sa lamesa dahil mahilig magtanong si tatay. Random question lang naman about his family ganon. Pwede ko nga ilagay si tatay sa human resource sa sobrang daming tanong.

"Sorry sa madaming tanong ni tatay." Sabi ko habang nagliligpit kami ng lamesa.

"Wala yun. Okay lang." Sabi niya then bigla nagbago yung mood niya. "Ang hindi okay is yung hindi ka nagkwekwento sa akin."

All Over You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon