Kabanata 11
The Picture
Its already Wednesday right now. So, its been few days since the party. Everything went well after, aside from sa pinagtulugan namin. Halos di ako makatulog dahil sa sahig ako natulog which I feel uncomfortable. Ayaw ko naman tumabi sa brother ko dahil ayaw ko makipagsiksikan. Kaya tamang bawi ng tulog pagkauwi, kinabukasan.
"Sinong kachat mo dyan?" Tanong ni Cath.
"Kahit kailan noh, epal ka. Isang dakilang marites." Sabi ko sa kanya.
"Ano naman?" Sabi sabay irap. "Sino muna yang kachat mo?"
Pinakita ko lang yung cellphone ko sa kanya na nakikita yung name ni Sean. Bigla naman nagbago ang itsura ng gaga, from pagiging mataray to pagiging shipper. Hay nako, magiging president siguro ito ng SeaShane niya.
"Kayo, ah. Baka maging kayo na nyan." Pangbibiro niya.
"Let see." Sabi ko sabay ngiti.
"Let see talaga baka magbayad ka ng 40k." Sabi nito at inirapan ko lang. "Pero may klase yan, diba?"
Dahil sa pinaalala ni Cath na may class si Sean, dali-dali kong chinat ito. Baka hindi ito nakikinig kay Sir Roberto. Medyo mahirap pa naman magpa-exam si sir sa cost accounting. Wag siyang tumulad sa akin na hindi nakikinig.
Shane: May class ka right? Cost?
Sean: Yes po. Nasa class na ako hihi
Shane: Makinig ka po muna po dyan. Wag ka pong gumaya sa akin na hindi nakikinig.
Sean: Yes yes, dinidiscuss lang naman yung quiz last meeting and may pinapasagutang problem.
Shane: Kahit na. Makinig ka dyan or susumbong kita kay Sir Roberto.
Sean: Hoyy! Tapos na ako sa pinapasagutan. Nye nye. Hahaha
Shane: Tapos na pala. Kaya pala. So, nagpasa ka na?
Sean: No, di naman niya pinapapasa. Sasagutan lang daw eh.
Bigla akong tinapik ni Cath to inform me na paparating na si Ma'am Emma. Kaya, dali dali akong nagtype ng message sa kanya to inform him na may class na ako.
Shane: Kumain na po after dismissal at ako naman ang mag-aaral.
Sean: Yes po. Good luck.
Pagpasok ni Ma'am Emma, nagdiscuss lang siya kagad and biglang nagpaquiz sa hindi namin malamang dahilan. Mabuti na lang talaga madali lang yung quiz dahil classify mo lang kung financial instrument ba yung account title or hindi. Siguro bad trip si maam Emma sa first classes niya, kaya ganto siya ngayon.
Mabuti na lang si Sir Tine ang next class namin at movie marathon lang kami ngayon araw. Kung may lesson or quiz, hindi magfunction yung utak ko. Naubos ng malala ang braincell ko sa IA3.
Shane: Panget kabonding ni Maam Santi. Badtrip ata. Biglang nagpaquiz. Sana di ako bagsak.
Sean: Wag naman sana. Pero tapos na klase ninyo sa kanya?
Shane: Next class ko na po. Movie showing. Matutulog lang ako.
Sean: Wow. Si sir tine ba yan?
Shane: Paano mo nalaman?
Sean: Sa lahat ng instructors na nagbigay ng syllabus, siya lang may film review eh.
Shane: Dida, diba? Akala mo naman kung anong meron.
Hindi ko kasi alam or maintindihan ang point ng movie review sa pag-aaral ng accounting. Ano ba mapapala namin sa mga movie na yon? Nasa board exam ba yon? Ewan.
BINABASA MO ANG
All Over You (On-Going)
General Fiction1 of 3 Over Books Shane Balmores is just asking for a partner who he can love and be loved. Unexpectedly, heaven answered his prayers by giving him the best partner he could have, Sean Tenorio. Sean is an achiever in his class and known for being mu...