Kabanata 9

1 0 0
                                    

Kabanata 9

Tell Me

"Board exam ba yon?" Tanong ni Alexa after namin lumabas ng room.

Kakatapos lang ng quiz namin about sa bonds payable and its freaking difficult one. Halos wala akong macompute sa mga problem lalo na sa amortization of bonddiscount or premium. Kaya, nakatunganga ako doon sa upuan ko habang iniisip kung paano i-compute yung amortization.

"Ewan ko ba kay Ma'am Emma." Sabi ni Cj. "Kahirap-hirap ng quiz."

"True. Mabuti na lang talaga, wala na tayong cut off ngayon." Comment ko.

Wala na kasing cut-off or grade ceiling kapag third to fourth year. So, pwede na kahit lower than dos but wag naman 4 or 5 kasi uulitin mo ulit yung subject na yon and it may cause a delay from your graduation. Ayaw naman natin mangyari yon lalo na sa amin na nagkaroon ng additional 1 year.

"Kain na nga lang tayo." Anyaya ko.

"Wala na bang klase kay sir Tine?" Tanong ni Alexa.

"Hindi na naman na nagkaklase yon kapag Friday." Sabi ko.

So, nagkasundo kami na kumain sa labas ng school which sa tuhog-tuhog. Iyon yung mga fishball, kikiam and egg ball. Very therapeutic yung pagturo or pagkuha mo sa cart ni manong with matching computation pa kung magkano lahat ng kinuha mo.

Pagkabili namin, bumalik na kami sa classroom para doon na kumain. Maglalaro din kasi kami ng dala kong uno cards. Pastime kasi naming ang uno lalo na kapag wala kaming ginagawa. Tamang siraan ng friendship dahil sa reverse, stop and plus card lalo na kapag more then plus 8 cards na.

Sa sobrang enjoy namin magkakaibigan sa laro halos hindi na namin napansin ang oras. Nagulat na lang kami na pumasok na yung teacher nila Alexa sa Filipino 1. Kaya, tamang takbo ako papunta sa classroom ng next class ko for research. Mabuti na lang at wala pa si sir Asistio kung hindi agaw eksena ako pagpasok. Hilig kasi akong pinapansin non kapag nakikita and for the tanong sa research namin.

"Bakit late ka?" Tanong ni Rhian. "Akala ko magditch ka after ng walkout mo kanina."

"Nag-enjoy lang kami maglaro doon sa classroom nila Cath." Sabi ko sabay upo sa tabi niya. "For the uno."

"Ayan. Laro pa, Balmores. Pasalamat ka wala pa si Sir Asistio." Sabi niya.

"Edi thank you." Sarcastic kong sabi. "Naayos na ba yung pinapa-adjust ni sir?"

"Naayos ko na. Check mo na lang." Sabi niya sabay abot ng laptop niya.

Tinanggap ko yung laptop at chineck yung inayos niya sa chapter 1 namin. Nandoon na nga yung pinadagdag ni sir noong nakaraang meeting. Okay na kasi ito nung last semester pero sa hindi ko malamang dahilan, may pinadagdag na naman. Galing.

Habang chinecheck ko, dumating na si sir. Kaya naman, nagsilapit na yung mga kagroup namin. Nag-usap lang kami about sa need pang gawin habang nag-aantay kami sa approval. So, tamang designation ng task especially sa chapter 3 dahil need na namin magpasurvey sa mga graduates. Mahirap pa naman macontact ang mga graduates dahil busy na sa career nila. Sana may mag-answer ng survey.

Natapos yung time namin na approved na yung chapter one namin and we need to work on na sa next chapter. Aayusin na din yung mga letters na kailangan para makapagsimula na sa chapter four. Maghahanap na din kami ng statistician dahil hindi walang ganon na service sa school.

"Ano gagawin kay Ma'am Gab?" Tanong ni Rhian habang papunta kami sa classroom for next class.

"Hindi ko alam. Baka reporting lang." Sagot ko.

All Over You (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon