CHAPTER 3

2.8K 120 86
                                    

Chapter 3

         HINDI alam ni Carlosz kung bakit siya natutuwa sa ekspersyon ng tagamaneho niya. Pulang-pula kasi ang pisngi nito at hindi magawang makatingin ng diretso sa katawan niya. Hindi na nga niya napansin ang sakit sa kaliwang paa niya, basta maligaya siyang makita ang itsura ng binata, parang gusto niya itong tidyuin.

"Why are just standing there? Help me get some clothes." Pa-angas niyang utos sa binata.

Mabilis naman itong kumilos at agad nag-tungo sa cabinet. Makikita sa kilos nito na animo'y aligaga ang binata, mukhang masyadong okupado ang isip nito.

"Here." Abot nito sa kaniya matapos nitong makuha ang boxer at damit.

Blangkong tinitigan niya ito. "Anong gagawin ko dyan?" Sarkastikong tanong niya.

"Isuot mo. Ano paba?" Ganting pabalang nitong sagot na medyo kumunot pa ang noo.

Napabaling siya sa kaniyang katawan, upang ipabatid dito ang lagay niya, gayong ganito ang kaniyang sitwasyon. "Talaga bang gusto mong suotin ko 'yang damit, habang ganito ako?" Aniya na may sarkasmo ang boses.

Mas lalo namang kumunot ang noo nito. "Ano'ng gusto mong gawin ko? Isuot ko sa'yo?" Makikitang mas lalong namumula ang mukha ng binata, halatang dumadagsa sa mukha nito ang kahihiyang nararamdaman.

"Natural, bakit masusuot ko ba 'yan?" Balik tanong niya.

Sarkastiko nitong tumawa ng bahagya, upang maalis ang kahihiyan. "As long as i know, i'm just your driver. Not your personal assistant."

"So do you want to resign?" Sarkastiko niyang paangas na sabi...

Malakas si Terrenz na napa-buntong hininga. Hindi niya balak gawin ang bagay na ito, na hanggang ngayon ay hindi parin niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng hiya, gayong pareho naman silang dalawang lalaki.

Mayroon din siya ng tulad ng mahabang nasa gitnang bahagi ng katawan nito, mas malaki nga lang ang sa amo niya, pero bakit nahihiya parin siya? Bakit kailangan pa niyang mahiya?

He did see, X, dick before, no reaction not like this, seeing his boss dick. Fuck! It kind of embarassing.

Wala siyang nagawa kundi titigan lang ang boss, nakikita niya sa mga mata nito na animo'y nanunudyo sa likod ng galit nitong mukha.

Ano nga ba ang magagawa niya? Mag-resign gayong malaya na siyang bantayan ang mga kilos nito kung sakaling mananatili siya. Bakit pa siya aalis?

At ano nga ba ang big deal doon? Bibihisan lang naman niya ang baldado niyang boss, isa pa, kapwa lalaki naman silang dalawa, anong dahilan para mahiya?

Fuck!

Unti-unti siyang lumuhod dahilan para mag-pantay ang pagkalalaki nito at ang mukha niya. Ngunit hindi niya iyon tinititigan, iwas na iwas ang kaniyang tingin, naka-baling lang siya sa ibang direksyon.

"Isuot mo." Ibinuka niya ang boxer upang magawa nitong masuot ng maayos ang boxer nito.

"How? Nakikita mo namang baldado ang paa ko, pa'no ko 'yan magagawang maitaas."

Mariin siyang napabuntong hininga. Wala siyang nagawa kundi ang kapitan niya ang paa ng binata at isuot iyon sa kaliwang bahagi ng boxer. Matapos ay isinuot na rin niya ang kabila nitong paa.

Ngayon narito siya sa parte na itataas na niya ang naka-suot na boxer, upang tuluyan ng matakpan ang kaselanan ng binata. Talagang hiyang-hiya na siya sa kaniyang nararamdaman ngayon. At iwas na iwas na huwag ibaling ang kaniyang paningin sa pagkalalaki nito.

Ang dapat ay bigla niyang pag-taas ng boxer nito, ay naging dahan-dahan pataas. Bawat pagdampi ng kaniyang daliri sa medyo mabalahibo nitong binti, ay siyang animo'y kuryente na dumadaloy sa kaniyang katawan, sapol ang kaniyang puso.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon