Chapter 45
MABILIS NA na-alarma si Terrenz sa kaniyang pagkaka-tulog ng marinig niyang bumukas ang pinto. Ang inaantok at namimikit niyang mga mata ay namilog ng makita kung sino ang bumungad sa kaniya.
"Carlosz....?" bulalas ng kaniyang isip.
Napa-kusot-kusot pa siya ng mata sa pag-aakalang nananaginip lang siya. Ngunit hindi. Totoo lahat ang kaniyang mga nakikita. It is really Carlosz.
Nabaling niya ang tingin sa binatang sumilip sa may pinto. "hi Terrenz." anito na pumukaw sa kaniya.
Si Caleb na naman? Si Caleb na naman ang kasama nito?
"Anong ginagawa ninyo dito, Carlosz? Naligtas na ba ninyo ang kapatid ko? A'san siya?" sunod-sunod niyang tanong.
Lumapit sa kaniyang ang binata. Naglagay ito ng silencer sa baril. "Lumayo ka ng konti. Bubuksan ko ito." anito
Lumayo naman siya ng konti. Kinalabit niti ang gatilyo dahilan para bumukas ang pinto.
Binuksan nito ang pinto at doon ay mabilis siyang naka-labas.
"Na'san ang kapatid ko, naligtas niyo ba siy—"
Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Naramdaman niya ang mahigpit nitong yakap sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi gantihan din ng yakap ang mahal niya.
"Saka ko na lang sasabihin sa'yo ang lahat, kapag naka-alis na tayo dito. Kapag naka-ligtas na tayo."
Mataman siyang tumitig sa binata. Sinusuri niya ang emosyon sa mukha nito.
"Trust me, Terrenz. I'll tell you later."
Huminga siya ng malalim at tumango na lang. Sumama siya sa binata tulad ng nais nito.
"Give me gun, Carlosz." aniya.
Tumingin lang naman ito sa kaniya. Nag-aalinlangan man na bigyan siya ay binigyan na rin siya.
Dire-diretsong silang lumabas ng bahay. Maingat na huwag ma-alarma ang mga kalaban.
Hindi inaasahang natapakan ni Caleb ang kahoy na may naka-usling pako. Bahagya itong napasigaw.
"Shit!"
Kinasa niya ang baril. Walang pagpipilian kundi ang kalabitin sa mga taong naroon na mabilis naalarma.
Dahil sa putok ng baril ay mabilis na na-alarma ang lahat.
Gumanti na rin ng paputok ng baril ang mga iyon.
Mabilis silang tumakbo habang si Caleb ay akay-akay ni Carlosz. Paika-ika ang lakad nito dahil sa napako nitong paa, tumagos sa suot nitong sapatos.
Siya ang naging back up ng dalawa. Pinapaputukan niya ng baril ang mga taong nagtangkang patayin sila.
"Die all of you!" sigaw niya habang pinapaputukan ng baril ang mga iyon.
Lakad-takbo ang kanilang ginawa. Sa liblib at madilim na kagubatan. Marami siyang napatay at dahil sa madilim ang paligid ay madali nilang natakasan ang mga naghahabol.
Ilang minutong lakad takbo pa ang kanilang ginawa, upang masigurong hindi sila masusundan.
Nagpahinga sila sa may kakayuhan kung saan nasisigurong walang nakasunod.
Inupo si Caleb sa putol na kahoy alalay ni Carlosz.
Hinubad ni Carlosz ang sapatos ni Caleb. "Shit!" Bumungad doon ang dugo ng paa ng binata.
Pumunit ng damit si Carlosz sa kaniyang damit at tinapal iyon sa paa ng kaibigan.
Siya naman ay pinag-mamasdan lang ang dalawa. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha ni Carlosz. "Are you okay?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz Morgan
RomanceWARNING: SPG|R-18 Carlosz Morgan is half filipino-half italian. A well known policeman because of his outstanding performances. He do good in a right way. He is a self-proclaimed handsome, in reality he is. Terrenz Steele is a hard to catch thief. H...