CHAPTER 50

1.8K 85 3
                                    

Chapter 50

        HIYANG-HIYA AT namumula ang pisngi ni Terrenz ng sila'y makabalik sa bahay ng Lolo niya. Bihis na sila ng mga damit na binigay ng Lolo.

"Oh, nariyan na pala kayong dalawa. Mukhang napasarap ang ligo ninyo ah, halina't kumain na. Mag-tatanghali na rin naman." pag-tawag sa kanila ng Lolo.

Inilapag naman nila ang kanilang mga lamog sa basket na naroon. Maging ang mga ginamit nila sa pag-ligo.

"Lolo Nestor. Mukhang napasarap nga ang ligo ni Terrenz at ni Carlosz. Namumula ang pisngi ng apo ninyo o." tudyo ni Caleb sa kanila. Mas lalo tuloy namula ang kaniyang pisngi. Hindi naman ito manhid para hindi malamang may iba silang ginawa maliban sa pagligo.

"Aba'y bakit nga namumula ang pisngi mo apo? Sa pagkaka-alam ko'y hindi naman mainit sa batis dahil natatakpan iyon ng mga puno?" takang ani Lolo Nestor.

"Hi-Hindi lang po ako siguro sanay sa tubig." pagdadahilan niya.

Napatang-tango lang naman ang kaniyang Lolo. "Siyang tunay, mistiso kasi itong apo ko, talagang mamumula. Sensitib ang balat niyan."

Napangiti na lang siya upang maiwas ang hiyang nararamdaman. Paminsan-minsan ay nahuhuli niyang sumusulyap-sulyap si Carlosz sa kaniya. At ngi-ngiti-ngiti na animo'y nanunudyo.

Natapos silang kumain. Nagpahinga muna sila sa kubo ng mga ilang oras. Maaliwalas ang hangin at masarap sa pakiramdam ang lamyos na tumatama sa kanilang balat.

"Apo," pag-tawag ng kaniyang Lolo dahilan para mapabaling siya ng tingin dito.

"Asan 'yung sabong pinanligo ninyo?" tanong ng matanda.

Animo'y umakyat lahat ng dugo sa kaniyang pisngi. 'Yung sabon? Fuck!

"Naagos po ng tubig, Lo, kanina. Nabitawan ko po." Si Carlosz na ang sumagot.

"Ganun ba?" Tatalikod na sana ang Lolo niya ng muli itong bumaling sa kaniya.

"Mukhang naiwan ninyo sa inyong pinag-liguan 'yung isa sa mga boxer ninyo. Kulang ng isa." anang matanda.

Shit!

"Kayo talaga, mapuntahan ko nga at makuha. Ng maisampay na at maibilad."

"'Wag na ho, Lo. Naanod na rin ng tubig sa batis ng hubarin ko kanina." muling pagdadahilan ni Carlosz.

"Nakow, kayong mga bata kayo. Hindi kayo marunong mag-ingat sa gamit. Siya sige, at ipagpapatuloy ko na lang ang ginagawa ko." umalis na ang kaniyang Lolo habang iiling-iling.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

"Naanod, huh? Buti hindi napansin ni Lolo na hindi naman malakas ang agos ng tubig sa batis." tudyo ni Caleb na tatawa-tawa.

"Fuck you, Caleb. Fuck you!"

Muli ay sumapit ang gabi. Ilang araw na nga silang narito? Padalawang araw. Salamat at mukhang hindi na sila nasundan ng mga kalaban.

Malalim na ang gabi. Naka-higa na silang tatlo sa kanilang pinag-higaan noong nakaraang gabi.

"Carlosz..?" Bulong niyang tawag sa binata.

"Hmm?"

"Kelan tayo aalis?" tanong niya.

Nag-mulat ng tingin ang binata dahilan para mag-tama ang titig nilang dalawa. "Bukas tayo umalis. Yayain na na'ten ang Lolo mo."

"Sige, pero sana pumayag siyang sumama sa'ten." bigla ay may naisip siya. "Pero saan na'ten dadalhin si Lolo? Pa'no kung hanapin niya ang kapatid at mga magulang ko?"

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon