CHAPTER 53

1.7K 80 32
                                    

Chapter 53

           ILANG ORAS naka-himlay si Terrenz sa hospital bed bago siya maka-gising. Mabilis bumalik sa kaniyang alaala ang lahat.

Ipinaikot niya ang kaniyang tingin sa buong silid at napag-alamang nasa ospital siya.

"Sir, gising na ho kayo." anang nurse na nagbabantay sa kaniya.

Akmang babangon siya ngunit agad siyang pinigilan ng nurse. "Hindi pa ho kayo pwedeng bumangon." anito.

"Kailangan kong tulungan si Terrenz. 'Wag mo'kong pakailaman." aniya na akmang pipilitin ang sariling bumangon.

"Doc! Doc! You're patient." pasigaw na anang Nurse.

Nagpupumiglas siya hanggang sa dumating ang Doctor. "Terrenz, huminahon ka."

Hindi na niya nagawang pag-tuunan ng pansin kung pa'no nito nakilala ang kaniyang pangalan. Mas nanaig sa kaniya ang kagustuhang maka-alis dito.

"Gusto kong puntahan si Carlosz. Tutulungan ko siya." aniya.

"You can't! You can't do it, Terrenz mapapahamak ang sanggol sa sinapupunan mo."

Napatigil siya at wala sa sariling naibaling niya ang tingin sa Doctor. "W-What? Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Buntis ka." seryosong anito. Ipinagpatuloy pa ng Doctor ang pagpapaliwanag sa kaniya kung pa'nong siya'y nagdadalantao na nakapag-pahinto sa kaniyang ginagawa.

Sinusuri niya ang sarkasmo at pagbibiro sa boses ng Doctor ngunit wala siyang makita. Seryoso ang mukha nito habang nagsasalita.

"Doc, hindi ho ako nakikipag-biruan dito! Kailangan ko na pong umalis—." natigil siya sa paggalaw ng maramdaman niyang muli ang kirot sa kaniyang tiyan. "ang sakit."

Mabilis siyang inasikaso ng Doctor at ng kasama nitong Nurse. Maya-maya ay naibsan na ang sakit. Nahimasmasan na siya.

"If you don't want to believe my words, then you should believe to the result." ibinigay nito ang resulta sa kaniya.

Kunot noong kinuha niya iyon. Kahit sobrang hindi talaga siya naniniwala ng mga panahong iyon ay mas pinili niyang tingnan ang resulta. Gulat ang lumukob sa kaniyang pagkatao. "Pa'nong...?"

Gulong-gulo ang kaniyang isip sa mga nabasa. "How..?"

"You're a lucky man, Terrenz. Isa ka sa mga lalaking nabubuntis."

"I don't believe you, stop joking around, Doc. Aalis na ako. Gusto ko ng umal—"

Natigilan siya sa pagsasalita ng mag-bukas ang pinto.

Mabilis ang pagkakabaling ng kaniyang mga mata sa taong iniluwa ng pinto.

Namilog ang kaniyang mga mata sa lalaking pumasok sa loob. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya basta bumugso na lang ang luha sa kaniya.

"Carlosz..?" he said almost a whispered.

Lumapit ito sa kaniya na iika-ika ang paglakad. May mga bangas at sugat ito sa katawan at mukha. Nababalot din ng dugo ang suot nitong damit. Habang naka-ngiting lumapit sa kaniya.

Nanlabo ang kaniyang paningin dulot ng mga namumuong luha.

"I came safe." anito.

Mahigpit niyang niyapos ang binata ng makalapit ito sa gawi niya. Magkahalo-halong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Takot at labis-labis na pangamba. Ganun pa man ang kasiyahan dito sa loob niya ng makitang ligtas ito ay walang mapagsidlan.

"You came..." he said between sobbing.

Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa abs nito. At doon niya iniyak ang lahat. Lahat-lahat ng kaniyang mga nararamdaman.

A Gangster's Lover: Series Book 7; Carlosz MorganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon