X - Camryn

1.9K 44 3
                                    

"Aba'y putangina mo talaga, Klarke! Nangbabato ka ng mga salitang hindi Tagalog tapos kabag binatuhan kita pabalik ay hindi mo naiintindihan!" Putang kasalanan ko ba kung hindi siya nakakaintindi ng Italiano. Magdusa siyang alamin kung ano'ng sinabe ko kanina. "Umalis ka sa harap ko!"

"Because you're being unfair! We're passing words in Spanish and French tapos magi-italiano ka?!" She whined while stomping her feet onto the wooded floor of her condo. "Pwede lang rin naman mangbato ka ng German!"

Ok, just to clarify, we aren't fighting. Nagkabikilan lang. Ayon, nauwi sa sagutan na ang ending, iba't ibang lenguahe na akong ginagamit namin. Eh, kasalanan ko ba talaga't hindi siya marunong mag-italian.

Kasalanan ko rin bang puro babaeng mga gumuling sa harap ng camera ang laman ng FYP ko sa Tiktok?

Eh, hindi ko nga 'yon pinapansin. Skrino-scroll ko nga nalang, eh. Luto-luto na nga lang pinapanood doon.

Laui - 1
Zeke - 0

"Eh... Mahal naman, eh."

Oh, she and I have been dating for almost 2 months now and we've been in each other's life for about 5 months long already.

I said yes sa panliligaw niya saakin nung nakailang dates na kami.

She was so happy nung sinagot ko siya. I saw it in her eyes. I saw how it sparkled under the moonlight that was shining brightly that night.

Selosa nga lang.

"Mahal..."

"Voglio baciare le tue labbra imbronciate adesso, amore mio."

"Lauigi Szerafina! Amore mio lang naintindihan ko sa sinabi mo, eh!"

"Oh? Edi baka sweet yung sinasabi ko."

"Aba'y malay ko ba kung swear 'yang sinasabi ko. Baka't minumura mo na ako niyan tapos nilagyan mo lang ng "my love", hmm."

Napahagalpal ako ng tawa sa sinabi niya. Jusko sa'yo, Zeke. Ang cute cute mo.

Laui - 2
Zeke - 0

"Wala, hindi kita minura. I love you, 'yon."

"Amput-"

"Finish that word and I'll kick you down there."

"Edi hindi na masusundan si Des..." Pabulong niyang sabi pero sakto parin sapandinig ko.

Ahuh, we've talked about that already. And who am I to judge?

"You pervert."

-

"Zeke?" Tamo 'to. Hindi na ako pinapansin. "Zeke..."

"Hmm?" She hummed but didn't leave her gaze on her phone.

"Zeke..." Wala na naman. "Punyeta, Thylaze harapin mo ako!"

"Hindi."

"Anong hindi?! Ni hindi ko pa nga nasasabi yung sasabihin ko tapos ikaw pa itong galit."

"No. Hindi. Hindi ka aalis." Amputek paano niya nalaman.

"Eh-"

"Still a no, Szerafina. William already asked me if pwede ka bang sumama sa concert na pupuntahan niya."

"Sige na, Mahal..." Pagmamakaawa ko. Eh, sa pinayagan na ako nina mommy ko, eh. "Please, po."

"No." Kapag kinakausap ako, Thylaze, hinaharap ako. Kaya't harapin mo ako. "May klase pa bukas."

"Ah, sige naman na po, please. Sama ka nalang."

"'Wag mag pumilit, Sze. A no for me, is a no."

"Bahala ka na nga." Pag-acting ko. "Maka alis na nga lang. Tanda..."

LOVING SZERAFINA (PROFXSTUD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon