#BOY5

19.2K 257 43
                                    

The next morning, I decided to ask for Bentley's number from his cousin, Ariana, who is my friend.

I called her, and we talked earlier and decided to meet each other. I have not told her what I want yet because I want to do it in person.

We decided to meet at The mall.

When I arrived there, nakita ko na siya kaagad na nakaupo sa loob.

Buti pa ito hindi drawing kausap, iyong pinsan niya, hay, never mind.

"Hey, bitch!" I greeted her.

She smiled and stood up to kiss me on the cheek. I did the same to her and settled down at our table.

"Nag order na ako, ang tagal mo, e."

"Duh, ngayon ka pa mag re-reklamo?. Anyway, good thing kasi gutom na rin naman ako."

Umirap ito sa akin.

"So...why do you want to see me today?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Maganda si Ariana, may hawig siya ng kaunti kay Bentley. If I remember it correctly, magkapatid ang mga mommy nila.

Maarte kong nilagay ang kamay sa dibdib, kunware ay nasasaktan sa ibig nitong sabihin. Na nakikipag kita lang ako dahil may kailangan. Well, totoo naman.

"I just want to see you! Is that bad?"

Umingos ito.

"Ang plastic mo. Tigil tigilan mo ako Ravaia Eleanor, ha."

Tumawa ako sa turan nito. Inipit ko ang buhok sa magkabilang tenga.

I cleared my throat before I spoke.

"Uh, I want to...ask for a favor. Hehe."

Wow, Ravia Eleanor Dela Cuesta, the heiress, wants to ask for a favor from me. What is it, your highness?

Inirapan ko ito. "Ang OA mo. Gusto ko lang namang hingin ang number ng pinsan mo."

"Huh? Sinong pinsan?"

"Tang ina. Maang maangan ka pa. Isang pinsan mo lang naman ang kinababaliwan ko!"

She folded her arms in her chest. 

"So...you're crazy for him for how many years...and yet, you don't have his number?"

"Duh! Ilang beses ko naman nang hiningi iyon sa kanya diba! Pero hindi niya ako pinapansin! Taong bato talaga iyang pinsan mo! Sa ganda kong 'to?"

Ang bruha, tumawa pa ng malakas na animo'y aliw na aliw sa sinabi ko. Naiiyak pa ito sa kakatawa.

"Happy ka?" Sarkastikong tanong ko at sinamaan ito ng tingin.

Nagpapahid pa ito ng luha dahil naiyak sa kakatawa.

"Oh my god, that's a good laugh."

"Anyway, sa sobrang ganda mo, hindi tumalab iyang mukha mo sa pinsan ko. Imagine, sunod ka nang sunod sa kanya noon pa. You always pester him. You always irritate him by your presence pero baliw na baliw ka parin sa kanya."

"Tang ina, di ba?" nasabi ko nalang.

Nahinto kami sa pag uusap dahil dumating ang inorder nitong pagkain.

Kumain muna kami at nag usap tungkol sa trabaho since she's also a model like me. Pagkatapos ay saka palang kami bumalik sa pinag uusapan kanina.

"Anyway, seriously speaking though. Andami daming nagkakandarapa sa iyo, tapos sa taong ini- ignore lang ang presence mo ikaw mababaliw? What kind of sorcery did he do to you?"

Sinamaan ko nalang siya ng tingin kasi totoo naman. Hindi ko alam kahit ano pa ang gawing pag baliwala nito sa akin ay hindi mawala wala ang nararamdaman ko para rito.

"I'm gonna tell you this because you are my friend."

Kinabahan ako nang bigla itong sumeryoso.

"I heard that he already had a girlfriend when he was still studying at Stanford, and that they are still together until now."

Parang nahulog ang puso ko sa sinabi ng kaibigan ko.

I chuckled nervously. "Baka fake news iyan, sis? Di mo pa naman sure di ba?" umaasang tanong ko.

"Well..." Tiningnan ako nito ng maigi.

"I haven't met the girl yet, but I heard that he will introduce her to us on Christmas."

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ko. Hindi ako makagalaw sa gulat dahil sa narinig.

"But...I'm not sure yet, okay? I will confirm it, tell you, and update you right away."

She awkwardly smiled at me. I think nakita niya ang reaksyon ko sa mukha, kahit gaano ko pa kagustong itago ang nararamdaman.

Alam ko namang sinabi niya lang iyon dahil naawa siya sa akin. But I don't need her pity.

There's a part of me that wants to believe her...but the bitter part of me wants to ignore it.

Girlfriend pa lang naman. Hindi naman kasal. Magagawan pa iyan ng paraan.

Pero..ilang taon ngang hindi ka pinapansin diba?

Naalala mo pa ba iyong nakita mo siya sa bar tapos nilapitan mo siya? Sinabi niya sa mga kasama niyang hindi ka niya kilala at sinabi nito na isa ka sa mga stalker niya?

Naalala mo rin ba noong nasiraan ka ng kotse habang umuulan? Hindi ka makauwi noong dumalaw ka sa kuya mo sa kumpanya ninyo pero wala ito doon? Nakita mo si Bentley na papalabas kaya tinawag mo ito at humingi ng tulong pero iniwan ka lang doon?

Eh, iyong muntikan ka nang ma rape sa labas ng bar?. Iyong hina harass ka ng mga lalaki pero nanonood lang ito habang nagyoyosi?

Iyong effort mo na alaming kung nasaan ito dahil pinupuntahan mo ang mga pinupuntahan nito.

Hindi lang iyon. Madaming beses pa. Kaya nga ganoon nalang ang pag ayaw ng kuya mo sa kanya diba?

Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa mga naalala.

"Hey, are you okay?"

Napakurap ako ng ilang beses. Oo..nandito pa pala ang kaibigan ko.

Malungkot itong nakangiti sa akin ngayon.

I smirked at her.

"Don't look at me like that, Ari. You know I am not RED for nothing."

I raised my brows at her before I took the glass of champagne to my mouth.

Nanlaki ang mata nitong singkit. "I don't like what you're thinking right now, Red."

"What? Wala naman, a. And besides, sinasabi ko lang naman sa iyo. So chill."

"Tsk. Masama talaga ang kutob ko diyan. Alam kong may plano kang bruha ka. Kung ano man iyan, itigil mo iyan. Wag mo nang gawin bago mo pagsisihan."

I only chuckled and smirked. Wala pa nga akong ginagawa, e. Tingnan natin.

As I have said, I am not Ravaia Eleanor Dela Cuesta for nothing.

Bruises of yesterday  (PUBLISHED ON IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon