#BOY32

20K 364 87
                                    

Pagka park namin ng sasakyan sa parking area ng Persephone's restaurant, iyong pinaka paborito kong kainan, ay nakita ko kaagad si Travis sa loob. Naka glass kasi ang buong restaurant kaya't makikita mo ang loob at labas ng restaurant.

Kita kong hindi ito mapakali at maya maya ang pag yugyog ng mga binti at pagpapatunog ng mga daliri.

Dapat lang siyang kabahan.

Bumaba na kaming mag anak at kaagad na kinarga ni Lyle ang anak namin.

Pagka pasok namin sa loob ay nauna akong maglakad kaya ganoon nalang ang ngiti ni Travis ngunit kaagad ring nabura nang makita si Lyle sa likod ko.

Tumikhim si Travis at umupo. Ang mga mata ay hindi matanggal kay Blue.

"Let's settle down first." Sabi ko.

Kandong ni Lyle si Blue sa upuan na nasa tabi ko. Napagitnaan nila ako ni Travis.

"Baby..." Tawag ko kay Blue na nakasiksik sa leeg ng papa niya.

"Your momma called you princess. C'mon, face your momma."

Isang sabi lang ng papa niya at sumunod kaagad siya. Ang unfair.

Nilingon ko si Travis nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata nito habang pinapanood ang si Blue kung paano ito kumapit kay Lyle.

My daughter is now pouting and can't help but pinch her cheeks. Nakayuko pa rin ito.

I took a deep breath.

"Anak, remember what I told you last night? That we would meet someone today? He's now here. Look at me, baby."

Parang nahulog ang puso ko nang mag angat ito ng tingin at kumikinang na nag luha sa mga mata nito.

"I want you to meet your daddy." Inilahad ko ang kamay kay Travis na ngayon ay namumula na rin ang mga mata.

"His name is Daddy Travis. Introduce yourself, baby."

Umiling iling pa ito at yumuko ulit.

Binulungan ito ni Lyle at mahina iyon kaya hindi namin marinig ni Travis kung ano man ang sinabi nito na naging dahilan upang dahan dahang umangat ang tingin ng anak namin kay Travis.

"D-daddy, my name is Blossom Sewenity Del Mundo, po." Mahinang sabi nito.

Napangiti naman ako kahit naawa dito dahil kaagad namula ang mukha nito lalo na ang ilong dahil sa pagluha.

Binigyan ako ni Travis ng isang naguguluhang tingin.

"It's Lyle's last name. He was there when I gave birth, and I decided to let her carry his last name. He deserves it, though."

Pagpapaliwanag ko.

"And I don't?" May hinanakit na tanong niya.

"Do you really want me to answer that?"

Hindi ito umimik.

Maya maya ay nagsalita ito. "Can I hold her?"

Tumango ako at mas lumapit pa sa mag ama ko.

"Go to your daddy, Anak. Don't be scared. He will not hurt you, okay?"

Mahinang tumango ang anak namin at kinarga ko ito upang ibaba. Si Lyle ay nagmamasid lamang, na para bang isang maling galaw lang ni Travis ay hindi siya magdadalawang isip na itakbo kaming dalawa ni Blue.

Hinayaan naming magkapalagayan ng loob si Blue at Travis at umorder kami ng pagkain ni Lyle.

Noong una ay mahiyain pa ang anak ko. Ngunit totoo siguro ang luksong dugo dahil kaagad napalagay ang loob nito sa ama nito.

Pansin kong tumahimik ang katabi ko kaya't tiningnan ko ito.

Parang pinatid ang dibdib ko sa paraan ng pagtitig ni Lyle kay Blue. Na para bang pinapaubaya na niya ito kay Travis. Na para bang sinasabi ng mga mata niya na tapos na ang panahon niya sa anak namin dahil nandito na ang totoong tatay nito.

Ayokong isipin niya na temporary lang siya sa buhay naming mag ina. Ayokong isipin niya na just because nandito na si Travis, ibig sabihin ay babalik kami dito. Hinding hindi mangyayari iyon. Siya ang tahanan naming mag ina.

I feel like he is thinking, Na parang nakikiapid lang siya dito ngayon. I feel like he is thinking that he is disturbing our family time.

Hindi ko napigilang pisilin ang mga kamay nito. Nag aalala ko itong tiningnan. Bumaling ito sa akin at binigyan ako ng ngiti. Ngunit ganoon nalang ang pagka hulog ng puso ko nang hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"I love you," I whispered to him.

Naramdaman ko ang titig ni Travis sa amin kahit na naka kandong anak namin sa kanya ngunit wala doon ang atensyon ko.

"Mahal na mahal na mahal ko kayo, Red."

Hindi ko alam bakit pero sobrang sarap ng sakit na dulot ng pagka sabi niya noon.

Hindi nagtagal ay kinailangan na naming umuwi.

Inaantok na ako at gusto ko nang matulog.

"We will see each other again, okay?" Rinig kong sabi ni Travis kay Blue

"Okay, daddy. We can play with mom and papa, too."

Napangisi ako sa sarili.

I doubt Anak. Sa ugali ng daddy mo, hindi mangyayaring makasama natin ang papa mo.

Bagsak na ang bulinggit nang makauwi kami sa condo. Tumawag si mommy kanina at sinabing pumunta kami sa bahay sa makalawa dahil magpapaluto ito at magkakaroon kami ng salo salo sa bahay.

Nang mailapag ni Lyle, ang anak namin ay walang imik itong kumuha ng damit upang bihisan si Blue.

Bumuntong hininga ako bago naghubad ng damit pagka pasok sa closet. Tanging tshirt lang ni Lyle at underwear ang suot ko kaya't klarong klaro ang tuktok ng dibdib ko.

When I went out of the closet, I couldn't find Lyle in our room. Nilibot ko ang tingin hanggang sa mahagip ko siya sa balcony. Tanging ang maong nalang niya ang suot at walang saplot sa ibabaw. Nakahawak ang dalawang maugat na braso sa barandilya at mukhang malalim ang iniisip.

Dumeretso ako sa kung nasaan siya at niyakap siya ng mahigpit galing sa likod. Bahagya itong lumingon sa akin ngunit ibinalik lang rin ang tingin sa harap.

"Problem?" Tanong ko habang sinisilip ang mukha niya galing sa pagkakayakap ko sa likod.

Humugot ito ng malalim na hininga bago nag salita.

"I'm sorry...."

Napatigil ako.

"What are you sorry for?"

Tumiim ang labi nito at kita ko ang kinang ng luha sa gilid ng mga mata niya, kaya nabahala ako at umikot upang mapunta sa harapan niya. Nakasandal na ngayon ako sa barandilya at nakulong sa mga bisig niyang nakahawak doon.

"Malaki ang kasalanan ko sa'yo. I would understand if you'll get mad at me."

Bruises of yesterday  (PUBLISHED ON IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon