#BOY13

23.3K 367 32
                                    

Nang makauwi, nakita ko si Bentley sa sala, naka ayos na naman ito. Mukhang aalis na naman.

Hindi niya ako nakitang pumasok dahil abala ito sa pag tutupi ng longsleeve na suot.

"Aalis ka na naman?" Kuha ko sa atensyon nito.

Hindi man lang ito nag abalang lumingon sa akin kahit alam kong naririnig niya ako. Mas lalo lang akong nainis.

"Saan ka na naman pupunta? Sa babae mo?"

Doon na ito lumingon sa akin. Ng walang emosyon sa mukha.

"What did you fucking say?" He coldly asked, which made me shiver.

Pero kahit ganoon pa man ay hindi ako nagpadala sa lamig ng boses nito.

"Bakit? Hindi ba totoo? Uminom ka kagabi kasama ang ex mo! Ni hindi mo nga ako sinama kagabi!"

Nakakuyom ang kamaong sabi ko.

"So that's what you're whining about?"

Tiim bagang ko siyang tiningnan. Naglakad ito palapit sa akin kaya't kinabahan ako.

"Hindi kita sinama dahil ayaw kitang isama. And so what if Lorraine is there?"

"So what? She's your ex-fiancee! Did you even think of me as your wife while you're drinking out there with your bitch?" Sigaw ko.

"Stop right there!"

Dinuro ako nito, kaya napaatras ako.

"You don't have the right to call her a bitch because that's what you are! What? You're paranoid now? Iba kasi talaga kapag guilty, no?"

Ngumisi ito ng sarkastiko sa akin habang mas lumapit pa. Ilang dipa nalang ang layo ng mukha namin.

"Baka nakakalimutan mo? We were about to get married. You ruined our relationship just so you could marry me, you manipulative bitch. And if there's someone who you should call that, that should be yourself."

Mariin ngunit may sakit at gigil nitong sabi. Hindi ako nakasagot sa kanya.

"You don't get to question my whereabouts because you're a nobody to me. You're my wife, but only on the fucking paper."

Right after he said that, he left me there and walked out.

Kaagad tumulo ang luha ko. Nakatayo lang ako roon habang dinaramdam ang sakit ng kalooban.

Hindi ko napigilang mapahikbi. He even defended Lorraine from me. Ano bang ine-expect ko? Na mas ipaglalaban niya pa ako kaysa sa tunay niyang mahal?

Mas lumakas ang hikbi ko. Pinakawalan ko ang hikbing noon ko pa pinipigilan. Palagi namang ganito. Iiyak nang mag isa, patatahanin ang sarili nang mag isa. I don't want my family to know about my situation, so I have to do this myself.

Huminga ako nang malalim at pilit kinakalma ang sarili. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata.

Ganyan ka na lang ba, Red? Nasaan na ang Red na palaban noon? Iyong walang inuurungan?

Nagpakasal ka lang sa lalaking mahal mo. Lalaking mahal mo na unti unting sinisira ang buhay mo. Hanggang dito ka nalang ba? Hahayaan mo bang bawiin ang pinaghirapan mo?

Tang ina, hindi!

Nasabi ko na noon pa. Hangga't kaya ko pa, lalaban ako.

Pumasok ako sa kwarto at doon pilit na nag-iisip ng susunod na hakbang.

I cleaned the whole house so I could divert my attention from thinking of what Bentley said to me.

Pero nalinis ko na ang buong bahay, hindi parin ako napagod. Paulit ulit paring pumapasok sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Bentley sa akin.

I sat in the living room and took a deep breath. Gusto ko sanang magluto dahil pagkakita ko sa orasan, mag a-alas otso na pala hindi ko man lang namalayan.

Pero hindi pa rin umuuwi si Bentley. I am not expecting a text from him because he has not done that even before. I doubt if he has my number, too.

Sa kabila ng sakit sa dibdib ay hindi ko parin maiwasang mag alala. I went upstairs and checked my phone. I searched for his number and dialed it.

Nag ring iyon ng ilang beses ngunit kusang namatay dahil walang sumagot.

Tinawagan ko ulit iyon at nagbabaka sakaling sagutin na niya. Ganoon nalang ang saya ko nang sagutin niya ang tawag ngunit bago pa man ako nakapag salita ay may nagsalita na sa kabilang linya.

"Hello?"

Nanigas ako dahil sa boses ng babae sa kabilang linya.

"Hello? This is Bentley's fiancee; he's currently inside the bathroom right now. Hello?"

Paulit ulit niyang sinasabi iyon.

I tried checking the number to see if it was really Bentley's number. Kahit alam kong tama naman.

Parang nahulog ang puso ko.

Kusa kong pinatay ang tawag at walang emosyong umiyak habang nakaupo sa kama.

Tang ina. Iyong pagod ko sa paglilinis ng buong bahay ay ngayon ko lang naramdaman. Hapong hapo ang pakiramdam ko na para bang ilang taon akong hindi nakapag pahinga.

There!

That's the bitter truth that you keep ignoring, Red. Isinampal na ngayon sa iyo ang katotohanan.

May koneksyon parin sila hanggang ngayon.

Ang isiping magkasama sila sa mga panahong hindi umuuwi si Bentley ay nagdulot ng sobrang sakit sa dibdib ko. Ang isiping magkatabi silang matulog sa mga gabing wala akong katabi ay para akong pinapatay sa sakit. Tang ina! Kailan pa nila ako pinaglalaruan?

You did that to yourself, Red. You chose that path for yourself. Who am I going to blame then? My parents? When they only want me to be happy?

Pwede ko namang pigilan sila sa plano nila, pero hindi ko ginawa. Kasi ginusto ko ito. Ginusto ko ang sakit na dulot ng pinasok kong sitwasyon.

Pagod na akong umiyak. Gusto ko nalang matapos ang lahat ng ito.

Isang desisyon ang pumasok sa isip ko.

Kapag napatunayan kong magkasama nga sila ngayon, kahit klarong klaro naman na, aalis na ako sa impyernong ito.

Masakit isipin na ngayon ko lang gagawin ito. Ilang taon ko ring pinagbigyan ang sarili kong mahalin ang isang Travis Bentley Ford.

Pero ngayon, hindi ko na kaya pang saktan ang sarili ko.

I owe this to myself. And to my family, who did everything just to make me happy,

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko nang pumasok ako sa banyo. Iniyak ko lahat ng sakit sa dibdib ko habang lumagaslas ang tubig galing sa shower.

Tama na, Red. Tama na siguro ito.

Bruises of yesterday  (PUBLISHED ON IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon