#BOY28

23.9K 320 13
                                    

Nanlulumong nakaluhod parin ito at nakatukod ang mga kamay sa magkabilang tuhod.

"Stand up, please. You can't change my mind now, Travis. There's no way I'm going back to the situation I put myself in before."

Umiling ito at tumingin sa mga mata ko.

"I've changed, Red. I'm not the same Travis before. I promise I will love and take care of you like you deserve to be loved."

"But I don't want it anymore, Travis. I got more than that from Carlisle."

Ayoko sanang dagdagan pa ang panlulumo niya at ipamukha kung gaano ako kasaya sa lalaking pinili ko pero kinailangan niyang marinig iyon nang ma realize niyang hinding hindi na ako babalik sa kanya.

Ganoon nalang ang gulat namin nang biglang sumigaw ang katulong habang pababa karga si Blue.

"Ma'am...si Blue, po!"

Bigla aking kinabahan dahil nakita ko ang pamumutla ng anak ko. Kaagad kaming kumilos at kinuha ni Lyle ang anak namin at kinarga kaagad iyon.

"Anong nangyari, Susan?" Tarantang tanong ni mommy sa katulong na naiiyak na ngayon.

Wala akong narinig na sagot galing sa katulong dahil naiiyak na ito.

Nahagip ng tingin si Travis at gulong gulo ito habang nakatingin sa amin. Nasasaktan at titig na titig sa batang karga ni Lyle.

Nilapitan ko ito at pinauna sina mommy sa labas.

"May kailangan pa tayong pag usapan Travis. Pero hindi iyon tungkol sa akin. Tungkol sa ibang tao. Sa totoo lang, ayoko na sanang sabihin sa iyo pero gagawin ko ito dahil sa kanya. Kung gusto mong makinig at malaman kung ano iyon, sumunod ka sa ospital."

Sabi ko bago ito tuluyang iniwan at sumampa kaagad sa sasakyan. Umupo ako sa likod katabi ni Lyle dahil hindi ito ang nagdrive. Karga nito ang anak namin.

Kita ko ang pag aalala nito sa mga mata at maya maya ang haplos nito sa mukha ni Blue.

Kahit kabado ako ay hinawakan ko ang kamay ni Lyle kaya napatingin ito sa akin.

"She'll be okay, baby." He took a deep breath and kissed me on the forehead.

Ipinahinga ko ang aking ulo sa balikat niya habang nasa byahe. Nag aalala parin sa anak namin at kung bakit siya biglang nahimatay.

Hindi naman sakitin si Blue. Hiyang ito sa environment sa Baryo Luisa at isang beses lang itong na ospital noon, nang magkalagnat ito pagkatapos ng bakuna nito noong bata pa. Natural lang namang lagnatin ang bata dahil sa bakuna pero naiiyak na si Lyle noon at awang awa sa anak kaya wala akong nagawa nang dinala niya ang anak namin sa ospital.

Hindi ko rin alam kung sumunod ba si Travis dahil hindi ko na siya nakita. Pagod na pagod ako sa pag-uusap na nangyari kanina sa bahay. Bigla akong nawalan ng lakas. Hindi ko naisip na ganito ka hirap kausapin si Travis. Akala ko lang noon ay papayag kaagad siya sa gusto kong mangyari dahil ganoon naman ang gusto niya dati. Nagpa plano siyang magfile ng annulment. Ngayon naman na ako na mismo ang nag desisyon, siya naman ngayon ang ayaw pumayag.

"I'm proud of you, baby. You are so strong despite what you've gone through before. I'm not a saint; I'm so angry with that man. But he is our daughter's father. I still want to be thankful that he wasted his chance to have a family with you. Because if not, I will not have you both in my arms right now."

Nakakataba ng puso na marinig iyon kay Lyle Mas nadagdagan lang ang pagmamahal na meron ako para sa kanya. Posible pala iyon? Iyong akala mong sobra sobrang mahal mo na iyong tao pero nadadagdagan pa.

I held on tighter to his arms.

Nang makarating kami sa ospital ay kaagad kaming sinalubong ng mga nurse at kaagad na inilagay ni Lyle si Blue sa stretcher. Dinaluhan kami ng doktor at ipinasok sa emergency room ang anak namin. Naiwan kami sa labas.

Yakap namin ni Lyle ang isa't isa at pilit na pinapakalma ang sarili. Biglang dumating naman ang aking mga magulang at kapatid at kita kong nakasunod sa kanila si Travis.

Niyakap ako ng mahigpit ng mga magulang ko habang tinapik naman ni kuya si Lyle sa likod.

Si Travis ay malungkot kaming tinitingnan. Na para bang nababasa ko sa isip niya na sana siya iyong kasama ng pamilya namin at hindi si Lyle. He had his chance before.

Umupo ang mga magulang ko sa bench na nasa labas ng emergency room at pilit na pinapakalma ni kuya si mommy.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Lyle, at tinitigan ko ang mga mata nito. Ang mga matang puno ng pagmamahal

It's like our eyes are talking to each other. It's like he understood that I had to talk to Travis alone.

"I trust you so much. With my heart and my life. I'll be here, waiting for you."

He whispered in my ear before he kissed me. I kissed him on his forehead too. Nahirapan pa ako ng konti dahil sobrang tangkad nito. He is actually six feet and two inches tall, while I am five feet and ten inches tall, but mas matangkad pa rin ito.

Binigyan ko ulit ito ng isang makahulugang tingin bago ako tumalikod papunta kay Travis.

He had hopeful eyes when I went in front of him.

"Follow me."

I ordered and walked right ahead. Ramdam ko namang nakasunod ito sa akin. Gusto kong mag-usap kami ng kaming dalawa lang.

Gusto kong mag usap kami ng mahinahon lalo na ngayon na napagdesisyonan ko nang sabihin ang tungkol kay Blue.

Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko. Kundi para kay Blue. Hindi ko siya tatanggalan ng karapatang makilala ang ama niya.

Gusto kong siya mismo ang mag desisyon niyon. Pero hindi ko ipagdadamot ang pagkakataon na makilala niya ang tunay niyang ama.

I don't want to be selfish anymore.

Because the last time I was selfish, I was traumatized by the consequences.

And I don't want to put myself in that kind of situation again. Ever.

Bruises of yesterday  (PUBLISHED ON IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon