#BOY31

21.2K 327 90
                                    

Magkayakap kaming nakaupo ni Lyle sa sofa sa loob ng kwarto kung sana naka confine si Blue habang si Travis ay nakaupo sa gilid ng kama nito.

Tapos na kaming kumain kanina at niyaya ko pa ito kahit gigil pa rin ako sa kanya. Kasi ayaw niya raw kumain kasi busog daw siya. Edi wag.

Ganoon nalang ang pagkilos namin nang gumalaw ang anak namin.

"P-papa." Nanghihinang tawag nito.

Kaagad itong dinaluhan ni Lyle ngunit naunahan siya ni Travis na kaagad yumakap sa bata.

"I want papa, please."

"I'm your daddy, Anak. I'm daddy."

"Let me-"

Hindi natuloy ang paghawak ni Lyle kay Blue dahil iwinaksi ni Travis ang kamay nito.

"Don't touch my daughter!"

Galit na sabi ni Travis, kaya't tumayo na ako. Nilapitan ko si Lyle na ngayon ay umigting ang panga sa gigil at pati mga ugat sa braso nito ay kita ko na dahil sa matinding pagpipigil. Kanina pa siya nagpipigil na huwag suntukin itong damuhong nasa kwarto.

Hinaplos ko ang mukha ni Lyle kaya't unti unti itong kumalma. Binigyan ko ito ng makahulugang ngiti bago nilapitan si Blue.

"Momma's here, Anak. Momma's here."

Hindi parin lumayo si Travis at bagkos ay niyakap kaming mag ina. Feel na feel naman nito ang yakap kaya't hindi ito nakagalaw nang winaksi ko ang braso niya.

"M-momma, whews papa? I want papa, momma, please."

Nanghihinang sabi ni Blue

Lumingon ako para tawagin si Lyle na nakatayo lang sa likod ngunit pinigilan ako ni Travis.

"You don't need him. I'm here. I'm her father."

"Walang umaangkin, Travis. Galing lang sa itlog mo ang anak ko pero hindi ka niya kilala kaya itikom mo iyang bibig mo dahil nanghihina pa ang bata."

Hindi ito nakasagot at dahan dahang lumayo nang ma realize na masyado niyang iniipit ang bata.

Hindi naman na nagpaawat si Lyle, at pumagitna ito sa amin ni Travis.

"Hello, princess. How are you feeling?"

Ngumiti kahit nanghihina si Blue. Papikit pikit pa ito. "I want tubig, papa. Please."

Hinayaan ko si Lyle na asikasuhin ang anak namin at nilapitan ko si Travis na masama ang tingin sa mag ama ko.

"Kung pinakilala mo lang kaagad ang anak ko, sa akin, ako sana ang nag-aasikaso sa kanya ngayon."

Nanggagalaiting sabi nito. Pilit na hininaan ang tinig dahil sa bata.

Ngumisi ako ng sarkastiko dito. "Kung hindi ka lang kasi gago, hindi ako aalis. Sana kumpleto tayong pamilya ngayon gaya ng gusto mo. Pero dahil ikaw ay isa at kalahating gago, magdusa ka."

Bayolente itong bumuntong hininga habang patuloy na pinapanood si Lyle na inaasikaso ang bata.

Lumingon si Blue sa kung nasaan ako at ngumiti ngunit ganoon nalang ang tingin nito sa katabi ko kaya biglang kumabog ang dibdib ko.

Hindi ko kasi lubos maisip kung paano niya tatanggapin ang mga bagay bagay.

"Who is he, momma?"

Lumingon na rin si Lyle sa banda namin ngunit kaagad ring ibinalik ang tingin sa anak namin.

Lumakad ako papalapit sa kanila.

"When you're all well and okay, I will introduce you to someone, okay? But before that, magpagaling muna ikaw para makalabas na tayo dito."

Ngumiti ito at nag thumbs up pa.

Ilang araw pa itong kinailangan mag stay sa ospitak bago tuluyang na discharged. Sa mga araw n iyon, walang palya ang pagpunta ni Travis sa ospital. Inip na inip na nga siyang ipakilala ko siya kay Blue, pero hindi siya makaangal sa tuwing sinasabi kong saka na kapag magaling na si Blue.

Days passed by like a blur. Ngayon ay nasa condo na ulit kami ni kuya.

Ang gusto pa nga ng parents namin na doon kami tumuloy sa bahay pero humindi ako dahil gusto kong may privacy kaming mag anak. Naintindihan naman iyon ng mga magulang ko at hinayaan nalang kami.

Ngayon, nasa kama na kaming tatlo at nilaro laro si Blue. Umayos kami ng upo at sinubukang kausapin na ang anak namin. Gusto na kasing magpakilala ni Travis kay Blue. Pero sinabi kong sasabihan ko muna ang bata upang hindi mabigla.

"Anak, listen to Momma first, please."

Saka lang ito tumigil sa paglalaro sa papa niya.

Si Lyle ay nakikinig lang sa akin.

"I just want to tell you something, Anak."

Tumango ang anak namin at humugot ako ng hininga.

"God loves people who are kind. Especially kids who are so respectful and kind to other people. And God always gives prizes to kids as well. Now, since you are one of those kind kids, Papa God gave you two fathers. One is your papa Lyle, and the other one, you will see him tomorrow."

Kumunot ang noo ng anak namin at nilingon ang kanyang papa.

"I have two fathews, papa? How come?"

Lyle took a deep breath.

"That's because you came from your other father; you are connected to him by blood, while you are connected to me by heart. I love you as my daughter in my heart."

"I don't want other papas, momma. I only want papa Lyle." Naiiyak na sabi ni Blue.

Nahabag naman ako at nagkatinginan kami ni Lyle. Kaagad nitong hinawakan ang magkabilang mukha ng anak namin.

"Don't worry, princess. Papa will not go anywhere. I'm still your papa. We will meet with your daddy tomorrow, okay? Papa will be with you."

Naiiyak man ay yumakap pa rin ito sa leeg ng papa niya. I want to blame myself, though. Kung dati ko pang sinabi sa kanya ang tungkol sa ama niya, hindi sana siya magiging ganito ka emosyonal. Pero kasi masyado pa siyang bata.

"I know you will not understand it yet, princess, but don't worry; when the time comes that you will already understand things, momma and I will explain it to you, okay?"

Lyle said while continuing to caress Blue's back.

Kung ibang lalaki lang ito, paniguradong hindi ito papayag na mapalapit ako at si Blue kay Travis. Pero dahil si Lyle ito, ito pa mismo ang susuporta sa aming mag ina.

And I will be forever thankful to God that he gave me Lyle.

Bruises of yesterday  (PUBLISHED ON IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon