CHAPTER 34 Policía

661 28 10
                                    

Policía

LUCID JAZE'S POV

Natigilan ako ng may marinig akong mga busina ng motorsiklo at halos lumabas ang tutuli ko sa tenga sa tining at kabog ng tambotso nila.

Sumalubong ang kilay ko dahil nangunguna si Michael sa mga miyembro na isang angkan sa dami nila na sa tansa ko ay nasa benteng katao.

"We're late President." Yuko ni Michael.

Respetado talaga ang hangal na 'to.

Nag smirk si Chaos. "You arrived."

"Looks like everyone is having Fun" Ngisi ni Michael. "Can we join?"

Malakas na hiyawan ang bumulas sa bawat miyembro.

Ang astig nila sa suot nilang mga unipormeng kulay pula at itim na may trademark ng Fibonacci Gang sa gitna.

Mabuti nalang ay dumating sila bago pa mangalumpo ang ibang miyembro na napuruhan.

"We're just fvcking starting Dmytri Gang!"

Tss, lakas talaga ng dating ni hangal na 'to. Kanina rin ay pansin kong kino-cover nya ang bawat miyembro na hindi kalayuan sa pwesto nya.

Siya ang sumasalo sa bawat atake ng kalaban para lang maprotektahan ang mga kasamahan nya.

Napa smirk ako bigla. Kamusta na kaya ang Inferno Gang?

Sigurado akong napapasabak rin sila dahil maraming nagtatanghang pabagsakin 'to lalo na ngayong hindi na Hiatus at si Justin na ang humahawak.

"Let's go, Fibonacci Gang!" Sigaw ni Chaos ng maghiyawan ang mga miyembro ng Gang at tumakbo tungo sa Dmytri na nanginginig sa takot.

Nagulat ako ng biglang umatake sa'kin ang President ng Dmytri na si Sandro na umaamba ng sapak sa mukha at mabuti nalang ay naiwasan ko dahil siguradong knock ako dahil sa pagod ng katawan ko.

"We're not done yet." Ngisi nya na sarado na ang kanang mata.

"Akalain mo 'yon? nakakapag salita ka pa?" Sakristong usal ko at ngumisi. "Dapat pala ay nilumpo na kita."

Akmang aatakihin ko na siya ay may biglang humarang sa pagitan namin na ikina salubong ng kilay ko.

"You." Titig nya sa'kin. "Get the fvck out. This son of a b*tch is mine." Lingon nya kay Sandro.

Sakristo akong ngumisi kay Michael na halata ang mga sugat sa mukha.

"Michael. Hah! How's your girlfriend?" Sabi ni Sandro.

Ramdam ko ang panginginig ni Michael sa galit habang nanlilisik ang mga mata nyang nakatitig kay Sandro.

Napasinghap ako ng may humablot ng kamay ko at mabilis na kinaladkad palayo sa dalawang nagliliyab sa galit.

"Chaos."

Hilahila ni Chaos ang kamay ko nang bitawan nya ito nung may nang tanghang umatake sa amin ngunit mabilis siyang dinapuan ng kamao sa panga na nagpa talsik sa kanya sa sahig.

shet, ang lakas non.

Bawat nadaraanan namin palayo sa mga nagbabangasan ay si Chaos ang humaharap bago ko pa man sila atakihin ay napapatalsik na ni Kamahalan at muling hahablutin ang kamay ko upang hindi mahiwalay sa kanya.

Ramdam ko ang mainit na awra ni Chaos at walang bahid na panginginig ang kamay niyang may bahid na dugo.

Napalingon sya sa'kin ng kita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata nya.

Fibonacci Gang Book #1 (Major Revision)Where stories live. Discover now