Gain RespectLUCID JAZE'S POV
"Dahan dahan naman Chaos!"
"Don't move or I'll break your both arms." suway ni Chaos habang sinusuri ang namamagang kamay ko.
Tangina noong nakaraang linggo ankle sprain ngayon naman kamay ko ang nadali.
"Seven, kunin mo yung ice bag kay Zahavi." Utos ni Chaos.
Nakasalampak ngayon sa sofa ang mga ungas habang nanonood ng TV at ang iba naman nangangalikot ng pagkain sa Ref at pantry na pasimuno si Tres at Zahavi.
Nagsalita si Atreus. "She should be treated at the hospital, boss. Look at her forearm."
Sandali akong tinitigan ni Chaos bago napahilamos sa mukha. He looks really mad, nakakatakot siya.
"Are you okay with that?"
I gulped bago umiling. Gastusin lang bagsak ko don.
Liningon nya si Atreus. "She prefers to lose her forearm."
"I can treat her"
Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita. Bumungad ang lalaking pamilyar ang mukha. Nakita ko na siya kung saan.
"Nag training ako sa first aid kit." Lumingon siya sakin at ngumiti. "Hi, Lucid! Good to see you again!"
"Hi" Tango ko.
Naalala ko na. Siya yung bumulong kay Zerin kung pwedi akong ligawan. Siya rin yung nagsabi kay Rin sa nangyari sa'min ni Dave.
"I'm Daryl Santiago. We met before sa corridor. Ang cute mo lalo sa malapitan." Ngiti nya.
Napangiwi nalang ako at tumango. Lumingon siya kay Chaos na magkasalubong ang kilay. Kanina pa siya ganyan.
"May I, boss?" Paalam n'yang maupo sa harapan ko.
"Tss. For what?" Iritadong tanong ni Chaos.
Kita kong bahagya siyang natakot kay Kaguluhan. "I'll treat her swollen forearm. Hehe?"
Inabot ni Seven sa kanya ang yelo.
"Tell me how the fvck did you end up at Dave's stupid underground fight." Napa cross arms si Chaos at agaw pansin ang benda nya sa kamao.
"Ah, yun ba." Painosente ko.
"Don't 'ah' me. I'm asking you."
"Mahabang kwento..." Umiwas ako ng tingin.
"Then tell me before I kill both of you."
Ayoko nalang mag salita baka babalikan nya si Dave. Agaw buhay na nga kanina, na comatose na ata.
"Tatalikuran ko na sana siya tapos ayon...may nag hampas ng tubo sa likuran ko."
"What the—?" - Seven.
"And?" Ikling pasensyang tanong.
Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko, nag tatatlong isip ako kung kukuwento ko pa dahil lalong nandidilim ang mukha ni Chaos.
"Ta-Tapos ayon. The end." Nanginginig ang boses ko!
Bawas angas na ba ako? Nakakatakot kasi ang tingin ni Chaos.
YOU ARE READING
Fibonacci Gang Book #1 (Major Revision)
Novela JuvenilWhen the two leaders of the Gang meet. What will happen if the two leaders of the Gang meet? Enemies turn into lovers or lovers turn into enemies?