CHAPTER 39 Could we be friends?

608 33 41
                                    

Could we be Friends?

LUCID JAZE'S POV

Nakatitig lang sakin si Dave, mata sa mata habang walang kibo.

Gusto ko tuloy mabasa kung ano ang nasa isip niya. Cross arms ang kamay, nakasandal sa silya na para bang binabasa niya tatlong kaluluwa ko.

"Hayaan mona nga."

"No. That's my answer. No."

"Yeyy kakain na!" Linapag ni Zahavi ang pagkain sa mesa.

Hindi maalis ang tingin ko kay Dave. Pareho ba kami ng perspective sa ganong bagay?

Linagok ko yung isang baso ng tubig. Gusto ko ng explanation.

Pabagsak kong linapag ang baso sa mesa na nagpalundag sa kinauupuan ni Zahavi.

"Bakit naman hindi?"

Papalit palit ang tingin ni Zahavi sa aming dalawa ni Dave.

"A-Anong hindi, Besprens?"

"Just they can't be friends."

Titingin sa'kin tas titingin kay Dave habang nanlalaki ang butas ng ilong.

"Ang alin Besprens?"

"What's the fvcking point of calling her 'ex'?" Naiinis na tono ni Dave.

Napabugtong hininga ako. Pareho nga kami ng iniisip.

"Sino Besprens?"

Tinginan ko si Zahavi at lalong napabugtong hininga.

"Bahala kayo, ayaw niyo 'kong kausapin." Bulong sa hangin.

"Thank you po!"

Hinimas himas ko ang tyan ko dahil busog na busog ako! Solid unli sabaw pa naman.

Naka ilang balik si Zahavi, ewan ko lang kung hindi sasakit ang tyan niya. Ilang beses na rin siyang tumae sa school dahil sa mga kinakain niya hahaha.

"Besprens!"

Liningon ko si Zahavi, paglingon ko sa kanya, malakas na dighay ang sumalubong sa mukha ko.

(Burp - Dighay)

Napa pikit ako habang walang tigil sa pag tawa si Zahavi.

"Ukinamo!" Habol ko sakanya.

"Hahahaha! Blessings sayo 'yan Besprens!"

Hindi ko siya mahuli-huli sa bilis niyang tumakbo para siyang bulate kung umiwas kada hablot ko ng shirt niya.

Hingal akong naupo sa harap ng kubong tindahan kung saan nakaupo si Dave.

"How was it? He burped like there was no tomorrow."

"Siraulo talaga 'yang kaibigan mo."

Suminghal siya at uminom sa hawak niyang root beer in can. "Gusto mo?"

"No thanks."

Napaisip tuloy ako, totoo kaya yung dati nilang kaklasi si Dave Mathew? Bakit kaya siya lumipat?

"Dave may tanong ako."

Liningon niya ako. "Hindi ka ba na uubusan ng tanong?"

"Hindi."

Mahina siyang tumawa. "Your curiosity will get you in trouble."

"Ha?" Kunot noo ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fibonacci Gang Book #1 (Major Revision)Where stories live. Discover now