The Rumors
LUCID'S JAZE POV
Nasa trabaho ako ngayon kahit na sprain ang paa ko, hindi ako nakapag trabaho kahapon at hindi rin ako pumasok ng miyerkules hanggang byernes.
Napatayo ako ng may pumasok na dalawang costumer na binatang lalaki.
"Good evening." Bati ko sa dalawa ng mag bulungan sila at ngumisi.
Kumuha sila ng ng isang bote ng Tequila at dalawang kaha ng sigarilyo na nilapag sa counter tapos nakakairita ang titig nila at tingin nang tingin sa gawi ko.
Hinawi ng isa ang buhok na kulay mais at pinanliit ang mata.
"Hi. When is your from to?" Pang eenglish nya.
Bumulas ang malakas na tawa ng kasama nya. "Bobo pre! When you from yon! Wag ka na lang mag engles ang laki mong bobo."
Naglalaitan pa pareho naman walang utak.
Tumango tango naman ang uto utong kasama nya.
"Tanga eh blue eyes siguradong sa amerikana." Bulong nya.
"₱6, 045, Sir." Inabot nila ang isang libo pero wala pa rin silang tigil sa pagbubulungan.
"Taga saan ka?" Tanong ng kulay mais ang buhok.
"Mama mo blue." Sagot ko.
"Putang ina." Malutong na mura nila. "Pilipina pala tanginang yan."
Nag salong baba ang kasama nya at ngumiti. Hindi sa nag lalait ako pero mukha siyang butiki.
"Pwedi ko bang makuha ang number mo, binibini?" Pa cute niya.
Inabot ko sa kanya ang pinamili nila. "Alis na."
"Pa hard to buy." - Mais ang buhok.
"Get 'yon gunggong. Tabi ka nga ako na babanat dyan." - Butiki.
"Pre, doon ang exit." Tinitigan ko siya sa mismong mata. Sana makuha sa tingin.
"Tomboy ata."
"Binibini, ayos lang ba ang iyong binti. Bakit may saklay ka? Gusto mo ihatid ka na namin mamaya?" Kumindat sya.
Sumalubong ang kilay nilang dalawa at napalundag ako ng haplusin nya ang kamay ko.
"Siraulo ka ba?!" Mabilis kong linayo ang kamay ko.
"Ang arte mo!"
"Makinis ang balat mo. Sumama ka na samin hindi ka namin sasaktan." Pagmamaka awa ng mukhang butiki.
Bigla akong nakaramdam ng inis.
"Bugok! doon ang exit." Gigil na turo ko sa door glass.
Bigla silang tumawa. Napaurong ako ng ilapit ng lalaki ang katawan nya mabuti may nakaharang kung saan sila nagbabayad.
"Lumabas na kayo."
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil kaming tatlo lang ang narito ngayon at hindi ako makakalaban kung sakaling aatake sila dahil sa saklay ko.
"Haha! wag kang matakot sa'min." Ngisi ng isa.
YOU ARE READING
Fibonacci Gang Book #1 (Major Revision)
Novela JuvenilWhen the two leaders of the Gang meet. What will happen if the two leaders of the Gang meet? Enemies turn into lovers or lovers turn into enemies?