ANG PANIMULA

76 3 0
                                    

Ang Panimula

"YOU'RE WHAT!?" Napapikit ako habang dinadama ang lakas ng boses ni Dad. Pulang pula ang kanyang mga mata na tila ba'y galit na galit siya.

Sa gilid niya ay ang humahagulhol na si Mommy at sa likod nila ay si Ate Margaux na nakatingin sa akin na para bang galit siya at pagod rin at the same time.

Agad kong naramdaman ang paglagapak ng kamay ni Mommy sa pisngi ko. Pero ni hindi ako matinag kasi namamanhid na ako. "I did not raise a slut, Margarette!" Sigaw ni Mommy sa akin.

Pero bakit ganun? Bakit hindi ko maramdaman ang kirot dulot sa kanyang mga salita? Bakit ganun? Bakit hindi lumuluha ang mga pagod kong mata?

"You are so careless, Margarette! Paano mo ipagpapatuloy ang pag-aaral mo? Paano mo ibubuhay ang batang nasa sinapupunan mo ngayong tinakasan ka ng maangas na ama niyan?" Turo ni Dad sa tiyan kong wala pang bahid na may buhay sa loob.

Gusto kong magsalita. No Dad, hindi maangas si Storm at hindi niya ako tinakasan... hindi niya magagawa sa akin yun! Alam ko sa sarili kong kahit ganun ay mahal ako ni Storm. Alam kong may nararamdaman siya sa akin... kahit kaunti lang.

Hinaplos ko ang tiyan ko at matapang silang tiningnan at tsaka dumungaw sa tiyan ko. Dont worry, Mommy will fight for you, baby. But I'm not sure if I can fight for your Daddy...

For the Love of StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon