Uno

74 3 1
                                    

Uno
Del Sol

Umalingawngaw ang bagong kanta sa loob ng Lifestyle District. This year lang na release ang kantang yon. Sa aking harapan ay si Kara na medyo tipsy na.

"One more shot, Gette!" Sigaw nito sa akin at napahalakhak ako bago tumango. Kinuha ko ang isang shot ng Jack Daniels na nakalapag sa mesa bago ito nilagok.

"May dalawang shots ka pa!" Halakhak ng pinsan kong si Travis. Kahit medyo lasing na ay nagawa ko pang irapan siya "You are one bad cousin!" Natatawa kong sigaw sa kanya bago nilagok ang isa pang shot.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagtayo ni Kara. Ekis ang kanyang paglalakad patungo sa dancefloor. Napahalhak ako, hindi pala tipsy, she's already drunk! "Sundan ko lang si Kara," pagpapaalam ni Travis at dumiretso na sa dancefloor nang hindi man lang nilingon ang pagtango ko.

"Restroom break lang, Lil." Pagpapaalam ko sa kaibigan kong si Lilienne na medyo lasing narin, sa tabi niya ay ang boyfriend niyang si Jerone. Tumayo na ako at naglakad palayo sa table namin.

"DEL SOL!" Rinig na rinig ko ang sigaw ni Theory Del Sol na shirtless sa harap. Nasa tabi siya ng DJ na tuwang tuwa sa presensya niya. Lahat ng pansin ay nakatuon sa kanya. Of course, he's a Del Sol and Del Sol's get people's attention without doing any effort. Pero sa lahat ng magpinsang Del Sol, si Theo ang pinakasikat since kilala siya sa showbiz.

Umalingawngaw ang hiwayan ng mga tao sa dancefloor at ng magpinsang Del Sol. Yes, The Del Sol's rule every bar in this city! Agad kong nahanap ang table ng magpinsang Del Sol sa di kalayuan. Naghahalakhakan sina Chayanne at Ashca Del Sol. Nakatingin sila sa pinsan nilang si Theo na lasing at nagwawala na sa dancefloor. Samantalang si Entice at Fransha Del Sol ay tahimik na nag uusap.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita si Thunder Del Sol na nakaupo at nakahalukipkip sa isang sulok habang kausap si Raphael Del Sol. Akala ko ba'y nasa Cebu siya?

Ngunit napagtanto ko ang lahat ng yun nang nagsalita ang DJ sa harap. Nakita ko pa ang pag bulong ni Zeus Del Sol sa DJ bago ito tumango "Welcome back, Thunder Dimitri Del Sol!" Malakas na sigaw ng DJ sa kabila ng maingay na tugtog.

Humalakhak si Thunder at naglakbay ang tingin niya, nung sinundan ko ito ay diretso ito kay Kaeden Del Sol na wild na sa dancefloor habang may hinahawakang beywang ng babae.

Parang may kulang sa mga Del sol ngayon. May kulang talagang isa, eh.

Tumikhim ako bago naglakad patungo sa Restroom. Ramdam ko ang pag baliktad ng sikmura ko. Fucking shit, I need to puke. Ilang hakbang nalang patungo sa restroom nang bigla akong na out of balance.

God, I'm already tipsy, that was just a few shots of Jack Daniels!

Pumikit ako para maramdaman ang sahig sa pwet ko. Pero imbes na sa sahig ang bagsak ko ay naramdaman ko ang isang kamay ang bumalot sa beywang ko upang suportahan ang katawan ko.

Humalakhak siya at halakhak palang ay kilalang kilala ko na "Careful, sweetheart." Sabi nito. Fucking shit. Unti unti akong dumilat at nakita ang nakangising si Storm Del Sol sa aking harapan. Tumikhim ako at tumayo ng maayos.

"I didn't know you were party girl," sabi nito. Napakunot ang noo ko, kilala niya ako? "Not really," casual kong sabi at ngumisi siya "What?" Pasigaw niyang tanong sa akin.

Hindi niya siguro narinig ang sinabi ko kasi mas lalong lumakas ang tugtog ng wild na musika sa loob ng district. Nagwawala narin ang mga tao sa dancefloor. In short, tha party was on it's peak. "I gotta run, sweetheart." Bulong niya sa akin at nagsitindigan lahat ng balahibo sa aking katawan.

Now, this is unusual. What is happening to me?

Sinundan ko ng tingin si Storm habang nakisawsaw siya sa dagat ng tao na nagsasayaw sa dancefloor. Ilang sandali lang ay namataan ko siyang nakatayo sa dancefloor habang sinasayawan siya ni Yeda De Asis.

Tawa siya ng tawa kay Yeda pero ramdam ko ang tingin niya sa aking banda. Umiling nalang ako at nagmadaling pumasok sa loob ng Ladies powder room.

Pagkapasok ko ay rinig na rinig ko na ang mahinang tili. Pati ba naman sa restroom?

"Shit, Bea. Ang gwapo talaga ni Theo Del Sol! And Oh my gosh, nakita mo ba si Thunder kanina? Nakakapanibagong tingnan! Mas gumwapo!" Tili nung naka bun habang hinuhugasan ang kamay niya. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila habang hinuhugasan ang kamay ko.

"Kira, ano ka ba? Of course mas gwapo si Storm!" Kindat nung nakasandal sa sink ng restroom. "Rinig ko pinupormahan niya daw si Yeda? Tss ang ambisyosang palakang yun!" Sabi nung Kira.

"Ano? Akala ko ba yung volleyball player sa ETU yung pinupormahan niya?" Nguso nung Bea.

Halos mapatalon ang dalawa nang bumukas ang isang cubicle at iniluwa nun ang isang petite at maputing babae. "Kala ko ba si Georgina?" Tanong nito sa dalawa. Damn, Del Sol!

Marami pa silang pinag usapan na hindi ko na nasundan dahil bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko. Ah, I know what to do! Party girls do. Mabilis akong lumabas sa restroom at dumiretso sa table namin.

"Cigar lang, Lil." Pagpapaalam ko ulit sa lasing na si Lilienne. Ang kanyang ulo ay nakasandal sa balikat ni Jerone. Agad komg dinampot ang bag kong nakalapag sa lamesa. Humalakhak lang si Lilienne at hinayaan ako.

Lumabas ako sa District at tinanguan at kinawayan ko lahat ng kakilala bago hinatak ang exit. Nung nakalabas na ako ay napasinghap ako.

There, The Metro Manila air. Not that it's fresh, but I prefer this than the polluted smell of that goddamned bar.

Kinuha ko ang sigarilyo sa bag ko at sinindihan ito. I need to smoke para mawala ang pagduduwal ko. Nang sa wakas ay hindi na ako nasusuka, tinapon ko ito at tinapakan.

"You smoke, too?" Napaayos ako ng tayo nang umalingawngaw sa aking tenga ang nakakatinding balahibong boses ni Storm Del Sol.

Tumikhim ako bago siya hinarap. Ang kanan niyang kamay ay nasa bulsa niya at ang kaliwa ay nakahawak ng Malboro.

"I smoke to get rid of the alcohol," matamis ang ngiti ko at tinaasan niya ako ng kilay habang mala demonyong nakangisi. "Oh, You're Travis Tesaluna's cousin, right?" Tanong niya at dahan dahang tumango.

"Margarette Tesaluna," Tango ko sabay lahad ng kamay. Inilabas niya ang kanang kamay at tinanggap ang akin na nakalahad.

"Storm Del Sol. I know you, though. The Tesalunas sure are famous in the University." Sabi niya at umiling ako habang mahinang humalakhak.

"Cigar?" Lahad niya sa Malboro at agad ko itong tinanggihan. "Balik na ako sa loob. I'm sure my cousins are looking for me," sabi ko at hindi na hinintay ang pagtango niya.

I hate the fact the He sends shivers down my spine.

"Hey, wait up!" Sigaw niya sa malayo at nag jog patungo sa akin. "Thank you for the little chitchat, sweetheart." Sabi niya at nagsitindigan ang balahibo.

"I don't mind." Sagot ko at pumasok sa Lifestyle district. Agad akong binalot ng usok.

"Hatid na kita sa table niyo," kindat niya at tumango ako. Kaya nung narating na namin ang table ng mga punsan ko ay laglag ang kanilang panga.

"Stop that shit, Margarette." Utas ni Travis na seryosong nakatingin sa akin nung nawala na si Storm. "Which shit, Trav?" Sabi ko at naghalakhakan sina Lilienne at Kara na parehong lasing.

"The fuck, Gette. Umiwas ka sa lalaking yun. He's dangerous for you." Seryosong sambit ni Travis. "Bakit siya dangerous, Kuya?" Tanong ng lasing na si Kara habang kumukunot ang noo.

"Well, Kara. He fucks just about anything fuckable." Sabi ni Travis "At kung ako sayo, Gette, magpapaka layu layo ako dahil maaaring sex lang ang habol niya sayo." Dagdag niya at tumango tango si Jerone.

"How fucking sad! He can't fuck a kitten!" Sigaw ni Lilienne at humalakhak kami. Agad naman siyang sinaway ni Jerone.

God, I hope I'll find someone like Jerone as a husband.

"Tara na nga! I'm tired." Sabi ni Kara at tumango si Travis. Pagkatapos nun ay umalis na kami sa Lifestyle District. Unlike the Del Sols, madalas lang kaming mag party.

Pinarada ni Trav ang puting Hilux niya sa harap ng gate namin. "Thanks for tonight, you guys" halakhak ko at tumango sila.

Pagkapasok ko sa kwarto ay naligo ako at nagbihis ng pajamas. Agad na lumipad ang katawan ko sa kama at hindi nagtagal ay natulog na rin.

For the Love of StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon