Tres

74 3 0
                                    

Tres
Galawang Tesaluna

Namanhid ako sa kinauupuan ko. Bakit ba nakakapag tindig balahibo ang simpleng pagtawag ng 'sweetheart' niya?

Well, nakakadiri naman talaga. Because Storm Del Sol calls every girl he has ran into 'sweetheart'

"Gette." Napaigting ako ng tinawag ako ni Kara. I've been thinking about that hot bastard for about an hour now.

Hinarap ko si Kara at tinaasan siya ng kilay. "I'm gonna go shopping, wanna hop? Hindi pa kasi ako ready." Pagyaya niya at nagkibit balikat ako. "Sure. Why not?" Sambit ko.

Kaya pagkalabas namin ng El Trinidad University ay umuwi ako sa bahay ko para makapagpalit ng damit. As usual, sina Manang lang ang nasa bahay. Busy daw sa trabaho sina Mommy at Daddy habang si Ate ay hindi pa umuwi.

Kara:

Nakapasada na ang sasakyan ni kuya sa labas ng gate niyo.

Agad akong lumabas at sinalubong ako ng puting Hilux ni Travis. Hindi na siya nag ubos ng panahon at pinaandar na ang sasakyan at nag drive patungong SM.

"I dro drop ko lang kayo sa labas ng SM, mag ji-gym pa ako. Babalikan ko layo ng alas siete at dito nalang tayo mag dinner." Pagpapaalam ni Travis at pinasutoy na ang sasakyan.

Inabala namin ang sarili namin sa pamamagitan ng pag pili ng mga damit. Marami naman akong damit kaya inuna ko nalang ang mga summer stuff.

Pagkalipas ng alas siete ay dumating si Travis at kumain kami sa isang dine in restaurant. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. Mag e empake pa raw si Kara para sa 7 am flight bukas.

Nagpaiwan nalang ako sa kanila at sinabing kukunin ako ng driver namin. Nag text na ako kay Manong at sinabi niyang nandito na siya in Ten minutes.

Umupo ako sa bakanteng bench sa gilid ng Entrance para doon nalang maghintay. Sa aking pananaghoy ay may napansin akong isang pamilyar na mukha.

Ang kanyang kamay ay nakahawak sa beywang ng babae pero ang kanyang titig ay nasa aking banda. Fuck.

Ngumisi si Storm Del Sol at umambang pupunta sa aking banda pero buti nalang at pinigilan siya ng babae. Nagpanggap akong hindi ko siya nakita.

Eksaktong pumarada ang Corolla ni Manong sa harapan. Walang pag alinlangan akong tumakbo papasok doon.

Dumiretso kami sa bahay at pinangako ko sa aking sarili na matutulog ako sa oras na marating ang bahay. Kaya yun nga ang ginawa ko. Alas otso palang ay patay na ako sa tulog.

Kinabukasan ay nagising akk sa malakas na pagkalabog ng pinto. "Margarette!" Sigaw nito at napabangon ako. Shit, anong oras na ba?

Kinakabahan akong dumungaw sa wall clock at bumuntong hininga nung nalamang alas sais pa pala. Masyadong maaga ang empaktang Kara na yun.

Pinagbuksan ko ng pinto si Kara at sinalubong ng irap. Pero ni hindi siya natinag dahil nagpatuloy lang sa pag ngisi. Nagmadali akong maligo at magbihis.

Pagkatapos ay kumain kaming tatlo ni Kara at Travis at tsaka lang nagpahatid kay Manong sa airport. Kaming tatlo lang ang nag ba byahe dahil marami pang gagawin si Ate, susunod siya next week.

Halos tulog kami ni Kara buong byahe patungong Cagayan De Oro habang si Travis ay nakasandal sa upuan habang nakikinig ng music.

Nagising kami ni Kara na ganun parin ang posisyon niya at narating na namin ang Cagayan De Oro.

Halos walang nagbago sa Cagayan. Maganda parin at presko ang simoy ng hangin. Sinalubong kami ng driver nila Cloud. Hindi na sila nag abalang kunin kami dahil hang over pa sa paglalasing nila kagabi.

Galing sa airport ay dumiretso kami sa bahay nina Cloud. Pagdating namin doon ay tulog pa sila kaya napasyahan naming magpahinga nalang muna.It's freaking four in the afternoon pero tulog parin sila! Can you believe that?

Pagkagising ko ay agad kong narinig ang ingay galing sa labas ng guest room nina Cloud. Excited akong lumabas dahil nandoon na sa salas ang mag pinsang Tesaluna.

Kaya ayun, paglabas ko ay agad kaming nagyakapan ng nga na miss kong pinsan.

Napansin kong nagbago talaga ang mga pinsan ko. Si Cloud na mas kumisig at si Corvette na mas lalang tumangkad.

Si Faina na mas gumanda at si Sylvia naman mas lumitaw ang pagka mestiza. Na miss ko talaga sila.Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Mabel, sa kanyang likuran ay si Cloud na nag be beat box. "My name is Mabel, it rhymes with table... it also rhymes with cable!" Rap ni mabel at lumagapak sa tawa ang mga pinsan ko.

"What the fuck, Mabeline?" Natatawang sambit ni Kara. Humalakhak lang si Mabel na naka pink pajamas pa at umupo sa tabi ko.

Tulad ng iba kong pinsan ay nagbago rin si Mabel. Mas lalong gumada at pumuti.Humaba na rin ang noo'y maiksi niyang buhok. Ngunit ang babaeng ito ay masyado pang childish. Kahit na eighteen na siya ay hindi parin nag se seryoso.

"Mas lalo kang gumada, bel." Sabi ni Travis at ngumiwi si Mabel na kumakain ng bubble gum "Masyado kang plastik, Trav. Sarap mong sunugin!" Nguso ni Mabel.

"Kuya, let's go bar hopping?" Sambit ni Sylvia kay Corvette. "Yeah," sabi ni Corvette kay Sylvia na ngayo'y nakabusangot. "Mamayang gabi, duh." Irap ni Sylvia at sabay sabay kaming tumango. "Nah, let's not bar hop. Sa Lifestyle district nalang tayo mamaya." Reklamo ni Mabel.

"You're so Kj, Bel." Sabi ni Faina "Para ka lang talagang si Fransha Del Sol. The KJ among the Del Sols." Halakhak ni Faina at nanlaki ang mga mata ko. Imposible!

"Kilala mo ang mga Del Sol?" Tanong you. "Of course. Sikat na sikat sila dito sa Cagayan De oro. I've heard, dito rin sila magpapalipas ng sem break." Nagkibit balikat si Faina at sumubo ng Stick-O.

"Once narin naging mayor ang Lolo nila dito. The retired Antipas Del Sol." nagtaas ng kilay si Corvette "And they're all freakin' hot!" Dagdag ni Sylvia.

Lumunok ako. So it means... may malaking posibilidad na magkikita kami ngayon. Cagayan De Oro is a very small town. At tulad rin ng sabi ni Cloud ay magkakilala lang ang mga tao dito.

Pinigil ko nalang ang ulo ko sa pag iisip at piniling mag enjoy. Plano naming pumunta ng Lifestyle District CDO sa pagsapit ng alas otso. Sa ngayon ay mag eenjoy muna kami.

Panay ang mura ni Corvette kay Travis habang umupo sila sa sahig at pinaandar ang Xbox. Kaming mga girls naman ay mas piniling maligo sa pool nina Cloud sa labas.
Nagsi suotan ng bikini sina Faina kaya nakisali narin ako. Halos buong maghapon kaming nagbabad sa pool habang ang boys naman ay nag e Xbox lang.

Pagsapit ng alas siete ay nagpalit na kami ng damit. Naka spaghetti strap lang ako at racer skirt. Paired with killer heels and a purse.

Nag ayos rin ako. Dark make up. Ge lang. I only do hardcore party when I'm in CDO. I curled my hair ang applied bad ass lipstick and kinda shadowy eyes. I also wore accessories. And then I'm ready to party.

Nagpasya silang sa labas na kami kakain para dumiretso na sa Lifestyle district pagkatapos. At dahil hindi pormal ang porma namin au napilian nalang naming kumain sa bbq slash bar restaurant.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa Everest ni Corvette. Medyo siksikan kami doon pero ani Mabel, bahala ng parang sardinas basta magkasama.

Pagpasok namin sa loob ng Lifestyle district ay umalingawngaw ang baging kana ni Rihanna. Agad kaming binalot ng matinding usok at baho ng beer. Marami ring bumati sa mga nakakakilala ng mga Tesaluna.

Ito ang galawalang Tesaluna, ang pag party. Dito nakilala at dito mas lumaki ang apelyedong Tesaluna. Sa loob ng bar.Ilang sandali lang ay pumwesto na kami sa isang table at ilang sandali pa'y nagsimula ng uminom ang mga pinsan ko.

For the Love of StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon