Dos

49 2 0
                                        

Dos
You're naughty

"Rise and shine, Sophia Margarette Tesaluna!" naramdaman ko ang sikat ng araw sa balat ko. "Hangover, eh?" Halakhak ni Ate "Yeah, Hang-Fucking-Over" sabi ko, hindi ko alam kung saan ako humugot na lakas para magsalita, I'm too tired.

"Samahan mo nga ako, I'll go shopping!" Masiglang sabi ni Ate "Ate, my body's beat from last night's party," I groaned "Whatever Gette, binigyan tayo ni Dad ng budget para mag shopping!" sabi niya.

"Gette, come on!" Sigaw niya at hinawi ang kumot. "Ate, I'm tired!" I groaned. "Bahala ka," sabi niya "May klase ka ngayon?" Tanong niya and I hate the fact that I need to entertain every fucking question.

"Yeah, 2 pm" sabi ko at pumikit ulit "Which subject?" Tanong niya at napairap ako habang nakapikit. Like seriously? How did I do that?

"Gette, what subject?" Tanong niya ulit "Fuckology, Ate. How to make a baby!" Iritado kong sagot at humalakhak siya ng malakas "Why are you so naughty?" Tanong niya at naramdaman ko ang paglakad niya patungo sa pintuan ng kwarto ko "And yes, you have thirty more minutes to prepare for your fuckology class. Alam kong hindi ka babagsak sa subject na yon," malakas na humalakhak si Ate at napabalikwas ako ng bangon. Thirty fucking minutes?

Madali akong naligo at kumain. One fifty na nang umalis ako patungong El Trinidad University. Napa buntong hininga ako nang eksaktong 2 pm nung narating ko ang ETU.

"Hi Gette! Hangover?" Salubong ni Kara sa akin nang marating ko ang room. "Yup, 1 pm na ako naggising!" Sabi ko at humalakhak siya "Buti nalang Ten am ako nagising," sabi niya habang naglalakad kami sa bakanteng upuan sa pinakahuling row, sa tabi ni Lilienne.

Analogy, last subject ang probably the only one for today.

Pareho kaming First year college nina Lillienne at Kara habang si Travis naman ay Third year. Pareho lang ang unibersidad na pinapasukan namin dahilan kung bakit madalas kaming magsamang lima, kabilang si Jerone na nag te take up ng Engineering, second year college siya.

"Kumusta crush te?" Tanong ko kay Lilienne na tulala lang sa tabi namin ni Kara. "Tang...i...na" sabi niya, mukhang hindi niya napansin ang tanong ko dahil laglag ang kanyang panga habang nakanguso sa unahan namin.

Hinanap ko ang direksyon ng nguso niya at tumambad doon ang matipunong si Storm Del Sol. Ba't ba ang cool niyang tingnan kahit sa simpleng paglakad niya? "Pota, edi wow!" Singit ni Kara, panira ng moment!

Bumalik ang tingin ko kay Storm. Bakit ang gwapo niya? Ang malalim na mata, matangos na ilong, mamula mulang labi. Argh! I can imagine him shirtless with his eight pack. At syempre, hindi mawawala ang hikaw niya. Pakers! Maglalaway na siguro ako niyan.

"HOY, MARGARITA!" Sigaw ni Kara sa akin. Fucker talaga ang babaeng to, naninira ng moment. "It's Margarette, My dear" kindat ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang Professor namin sa Analogy. Goodness! Hindi na ako mapakali, this is the last fucking subject dahil pagkatapos nito ay sem break na! I'm so excited! Hindi na ako nag abalang makinig sa leksyon, screw Anatomy class!

Panay ang text ko sa mga kaibigan ko at kay Travis na nakatambay nalang sa bahay nila dahil natapos niya na ang sem na ito.

Panay rin ang reklamo at mura ko sa kanya sa text dahil free na siya. Sa harapan ko ay ang naka bukas kong Anatomy book. Alam niyo namang patago akong gumagamit ng gadgets, diba?

Nakaka excite dahil lilipad na kaming Cagayan De Oro bukas. Nandun kasi halos lahat ng kamag anak namin. Miss ko na rin ang mga pinsan ko doon, last sem break ang huli naming pagkikita.

I can't wait to visit Dahilayan again. Maybe sa CDO narin ako mag bu birthday. But you know what makes our visit in Cagayan awesome? The party! Kung dito sa Manila ay ang mga Del Sol ang nagunguna, sa Cagayan De Oro ay ang mga Tesaluna!

Umigting ako nang biglang nag vibrate ang phone ko. Akala ko'y si Travis yun pero laking gulat ko nang nalamang unknown number ang naka register doon.

Unknown:

Texting during classes, eh? You're naughty, I like it ;)

Napakunot ang noo ko. Sino ba 'to? This is probably one of my blockmates kasi alam niya kung anong ginagawa ko.

Ako:

Sino 'to? Do I know you?

Luminga linga ako sa paligid pero wala akong nakitang patagong nag te text na tulad ko. Sino kaya 'to? Hula ko'y pinag tri tripan lang ako ng gagong Travis na yun, probably.

Unknown number:

Guess.

Napairap ako. I have no time for this shit. Kung isa lang to sa blockmates ko ay wala akong oras. Nag text nalang ako sa pinsan kong si Cloud, tulad ni Travis ay natapos narin nila ang semester na ito kaya malaya na silang gawin ang kahit anong gusto nila. Nakwento niya pa ngang lalabas daw sila mamayang gabi at mag iinuman kasama ang mga babaeng Tesaluna.

Tulad namin ni Kara ay medyo wild rin ang mga pinsan ko sa Cagayan, mas grabe pa nga sila eh. Napairap ako sa hangin nang nag text na naman ang gago. Travis, what the fuck? Sigaw ko sa sarili.

Unknown number:

Do you know Storm Zekiah Del Sol?

Ako:

Of couse, dude. The fuck, he's like, known by everyone. Bakit?

Pagkatapos nun ay hindi na ulit siya nag text. Ibinaba ko ang cellphone ko at inilapag sa arm chair. Makikinig muna ako. Ay shit, binabawi ko! Ayaw ko nang makinig gayong ang pinag uusapan lang naman nila ay yung bagong project na kailangang i submit next semester.

Nang nag vibrate ulit ang cellphone ko ay kinuha ko ito at dinungaw ang message na nagpatindig sa lahat ng balahibo ng aking katawan.

Unknown number:

You're naughty. This is Storm Del Sol. You're Margarette Tesaluna, right?

Oh shit. I just got myself Storm Zekiah Villamor Del Sol's freaking phone number. Unti unti akong tumingin sa unahan kung saan ko nakita si Storm na mala demonyong nakangisi habang tumitingin sa akin.

Nakatago ang kanyang Iphone 6 sa kanyang kiliran at nag type ng message. Agad kong naramdaman ang pag vibrate ng aking cellphone. Doon lang ako nabalik sa aking pandama at tinikom ang laglag kong panga kanina.

Unknown number:

Hello, sweetheart.

For the Love of StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon