"Weh, 'di nga" giit ni Jaehyuk na tila hindi naniniwala.
Hindi, seryoso si Doyoung. Kitang-kita sa mga mata at porma niya.
He looks intimidating by his glare, pati siguro si Jihoon mawawalan ng angas.
Ibang klase din magalit to si Doyoung. Kung maka-real talk, aba, katapusan mo na.
"Kilala mo talaga? kung ganon, sino?" tanong ko.
"Hindi mo siya kilala, hyung. Hindi pa kayo nagkita" ungol niya at itinapon na sa lababo ang kape na hindi pa naubos.
Isang lagok lang ininom niya, kapal ah.
"Takte, kung makatapon ng kape parang may perang pampalit. Sige, wag mo na ako ipagbili ng kape ha" nakanguso kong sinabi.
Ganun man, parang seryoso parin si Dobby.
Pero kung magagalit ka ulit na ganggung ka, wag itapon ang kape, sayang, walang kasalanan ang kape sa galit mo Kim Doyoung.
"Ano ba kasi meron sa lalake? ba't galit na galit ka?" salamat sa pagligtas sa'kin Jaehyuk, binibigyan na naman niya ako ng isang makamatayang pag-tingin.
"Sa tingin ko hindi natin karibal ang leader niya, pero siya.. iba siya sa lahat. Hindi niyo siya gugustohing maging kaibigan" seryosong sinabi ni Doyoung.
Lamig mo tol.
Hindi sapat yung isang lagok ng kape?
Pero ano daw? leader?
"Teka, anong leader?" tanong ko.
"So.. sinasabi mo, mafia rin siya?" Jaehyuk followed up another question.
Tumango ng oo si Doyoung, 'di nga?
"Kilala mo talaga siya, kilala mo boss niya?" tanong ko ulit.
"Oo, mabuti siyang kaibigan nina Hyunsuk at Jihoon." sagot nito.
"Kung ganun man lang, bakit naman nila pangengealaman ang trabaho natin? Ano sila, bida bida or wut?" Inis na sinabi ng isang Yoon Jaehyuk.
Tahimik 'tong taong to, pero mapapatay ka rin niya sa real talkan.
Dismayadong umiling si Dobby, what if matatanggal trabaho namin dahil dito?
Cheh, kung maka what if para namang siniseryoso ang trabaho.
Hindi rin magagawang tanggalin kami ni Hyunsuk, higit isang dekada na pagsasama namin.
"Sasabihan ba natin sila Hyunsuk hyung?" giit ko.
Ako na nga pinaka-matanda sa kwartong to ako pa ata walang konsiyensya.
"Hyung, matino ka ba?" dismayadong bulong ni Jaehyuk.
Hindi Jekjek, at alam ko.
"Hindi natin sila pwedeng sabihan. Baka isipin nila 'di natin magawa trabaho natin" sabi ni Doyoung.
"Kasali ako?" tanong kong medyo gulat at naguguluhan.
"Kyut mo hyung, pero hindi"
Aray. Sakit mo Jekjek.
"But in any chances, maari mo bang sabihin sa amin sino yung lalakeng mafia na yun?"
"He's the 'greatest' hitman, hindi ko maaaring sabihin sa inyo o magkakagulo lang. Find him out yourselves, matino kayo, diba?" Doyoung coldly said as he rushed out the kitchen.
Ay wow. May problema siguro yun ah.
Tsaka greatest hitman? narinig ko ata yan kanina kung hindi ako nagkakamali.
![](https://img.wattpad.com/cover/308068812-288-k242007.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia coworkers in love | Harukyu
Fanfiction"Boss said I'm having a new coworker. Don't tell me it's you.. an idiot!" Bumped and already saw each other as enemies, but then assigned as coworkers. How would the two go? . . . . ☁︎ 𝙏𝙖𝙜𝙡𝙞𝙨𝙝 [⚣︎] ☁︎ 𝘉𝘓! 𝘏𝘢𝘳𝘶𝘵𝘰 𝘟 𝘑𝘶𝘯𝘬𝘺𝘶 ! ᖇᗴᗰ...