Prologue

572 4 0
                                    

Prologue

Arsyn's pov

"Sige na Ars punta na tayo doon, look oh kahit doon nalang tayo kumain. Tara na" napairap ako sa pamimilit sakin ni Ashlee.

He's been my bestfriend ever since highschool?

"Fine, after nyan uuwi na ako" ngumiti ito sa akin ng pagka tamis tamis bago ako hinatak sa may plaza.

Malapit na kasi magpasko at maraming mga palamuti ang nakalagay sa palagid na madaraanan namin.

"Anong sayo?" Tanong ko sakanya, kasalukuyan kaming bumibili ng streetfoods.

"Barbeque lang, dalawa, tapos bibili nalang ako fries doon sa kabila. May ipapasabay ka ba?" Ganyan talaga sya, picky masyado sa pagkain.

Tumango ako sa tanong nya saka nag abot ng isang daang pera.

"Bili mo ako ng ice cream, vanilla okay? Tapos yung sukli ikaw na bahala. Basta pampatanggal unay after kumain" tumayo ito ng tuwid saka sumaludo sa akin.

Bahagya kong hinatak ang buhok nya bago sya umalis na tumatawa.

Naghihintay ako ng order namin ni Ashlee, akmang kukuhanin ko na ang dapat sa amin ay may hampas lupang umabot noon.

Saakin yon ah?

"Excuse me mister, pero saakin po iyan" pagturo ko pa sa plastic na hawak nya.

"Sabi ni ate saakin daw ito, sabi nya 'pst pogi eto sayo' alangan namang ikaw? Ni hindi ka nga maganda" sinundan pa nito ng tawa kaya may ibang nagpipigil rin.

At anong connect ng itsura ko sa order namin?

"Oh tapos? Anong connect?" Pagtatanong ko sakanya.

Hindi ito sumagot kaya umirap ako, binalingan ko rin ang nagtitinda.

Ngumiti ito na tila ba nahihiya.

"P-pasensya kana ineng, akala ko kasi ika'y umalis na" umalis?!

De puta de yawa kanina pa ako nasa harap ng stall nya.

Ang sabihin nya nagpapa cute sya sa lalaking bumili kanina.

Baka pakyu-t pwede pa.

Hindi ko naman maitatanggi na may itsura nga yung lalaking kinuha ang plastic na dapat ay akin.

Eh ano naman? Pogi nga puta naman ugali, no thanks.

Kinalaunan ay naibigay na ang order ko, nag sorry ulit ang ale bago ako umalis, bahala sya hinding hindi na ako bibili sa stall nya letche.

Umupo muna ako sa isang bench bago tinanggal ang salamin ko. Hindi naman mataas ang grado, sakto lang.

Kapag contacts kasi ay minsan nakakalimutan kong tanggalin kaya nagpasya ako na mag glasses nalang muna.

Tinanggal ko muna rin ang hairband ko saka inayos ang maikli at buhol buhol na buhok.

Pagkatapos ay inilagay ko rin pabalik ang mga tinanggal ko.

"Arsyn!!" Nakita ko si Ashlee sa medyo malayo banda sa akin. May hawak itong dalawang plastic. Ang isa ay kulay green na plastic bag at ang isa ay puting plastic bag galing ministop.

"Oh bakit ang tagal mo?" Napipikon kong sabi.

Kanina ko pa hinihintay yung ice cream, spicy na sauce pala yung binigay sa akin kanina.

Ang sabi ko yung hindi, nakatingin kasi lagi sa mga lalaki. Uhaw na uhaw sa mga pogi.

"Bakit ang sungit mo?" Ngumuso pa ito bago inilabas ang mga nasa plastic na dala dala nya.

"Hindi ako masungit Zarkin Ashlee Lombardo" kumunot ang noo nya bago tumango tango.

"Okay po Ms. Cattaneo" abnormal na lalaki.

Pagkatapos namin sa plaza ay sinabi kong uuwi na ako.

"Sa bahay ka muna Ars, promise sasabihin ko kay mama wag ka awayin" asus yung nanay nya?

Bruha yon!!

"Tigil tigilan mo ako Ash, baka makulam ko nanay mo nang wala sa oras. Osya lalayas na ako, baka hinihintay na ako nila mommy" sumuko nalang ito sa pagkukulit sa akin kanina.

Hinalikan ako nito sa pisngi bago ako umalis.

I kissed his neck as a sign of thank you for this day and good bye for now.

Masyado kasi syang matangkad kaya leeg ang naisipan kong halikan.

Sanay naman na sya, sa halos 7 years naming friendship.

Naglakad ako hanggang sa makita ko ang family driver namin.

Ang buong akala ni Ashlee ay sa apartment ako nakatira at may pinaka mapagmahal akong nanay.

I'm so sorry for lying Ash.

I am a Cattaneo, hindi papayag ang mga magulang ko na sa apartment lang ako tumira.

Kaya ang ginawa namin ay kumuha ako ng apartment pero hindi talaga ako doon umuuwi, props lang ganon.

"Good evening Miss Delphine" bati sa akin ni Lando. He's actually more than 10 years older than me. But I still prefer to call him Lando.

"Likewise, Lando"

Habang nasa byahe ay nakasilip lang ako sa labas, tinatanaw ang tanawin.

May nakita akong pamilya na kakalabas lang ng restaurant, nagtatawanan sila, mukhang masaya.

Nakaramdam tuloy ako ng inggit.

Sana ako din. Naisip ko.

"Ms. Delphine we're already here" pinagbuksan ako nito ng pinto kaya lumabas na ako.

Pagpasok sa double door namin ay bumungad ang living room.

Nandoon si ate na naka de kwatro na upo at may hawak na libro.

I sigh, another day, another slay Arsyn, it's okay, it's fine, you can do it, you can handle it, even at any situation. Breath in, breath out.

"Leona!!" Tumayo si ate nang mapansin nya ako.

"Ate Shine" niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi.

"How's school?" Pagtatanong nya.

"Okay naman, walang bago" tumango tango nalang sya sa sagot ko.

"By the way where's dad?" I asked.

"At the kitchen, with mom" she answered.

Pumunta kaming dalawa sa kitchen at naabutan namin ang mga magulang namin na mukhang may hindi pagkakaintindihan.

"Felice, Leona is still our daughter, be fair. Are you not proud that she have flat 1 on her grades?" Right alam ko na ang magiging kasunod.

"Ricardo, just look at your daughter, Sunshine. She's more elegant than Leona, Sunshine acts like a lady like, but Leona still acts like a child. My gosh I'm so done with this!!" She walked out of the kitchen.

I was about to greet her but she ignored me.

Ano pa bang aasahan Arsyn?

Your mothers hates you so much, no, she loathes me.

"It's okay, for sure magbabago rin si mommy. Always remember that ate is still here for you" binalingan ko ng tingin ang ate ko.

Nakangiti ito sa akin. Kahit na naiinggit ako sa kanya, hindi ko pa rin magawang magalit.

The Nerd's Dirty Little SecretWhere stories live. Discover now